"Hindi mo pwedeng sagipin ang isang taong nalulunod kung hindi ka marunong lumangoy." ito ang sinabi ni Kenzo habang nakatingin sa malawak na karagatan. Nakapako ang tingin ni Hanna sa lalaking katabi niya lamang. Pero bakit pakiramdam niya, kahit kailan ay hindi niya ito maaabot? Ang istorya ng dalawang taong pilit tumatakas sa madilim na nakaraan. Maaari mo bang buuin ang iba kung hindi ka pa tapos buuin ang sarili mo? Hanggang saan ang kayang gawin ng pag-ibig?