Manhid Ka [Scene 04]

6.7K 159 20
                                    

This is an original story.

People, places or events that are similar to others are purely coincidental.

All of the matters written and shall be written are all fictional.


Ang Seatmate Kong Manhid

Written by: iHeartCMU

All Rights Reserved | 2012

***

Chapter 4


 "Aine!" sigaw ng isang nilalang.


Ke aga-aga, may sumisigaw agad. Di ba niya maintindihan na napaka-peaceful ng paligid para lang sa sigaw niya? Tsk.


"Ano?" pasigaw ko ring sabi sa kanya. Tutal, sinira na niya ang paligid, might as well do the same.


"Nakapasok ako sa Varsity!" sabi niya. 


Para siyang bata na excited masyadong ibinabalita sa mga magulang niya ang tungkol sa pagkapasok niya.


Alam ko Gian. Alam ko kasi nandun ako. Lihim kang sinusuportahan dahil nga ayaw mo kong makita.


"Oh tapus?" pagtataray ko.


"Ok ka lang ba? Ba't ang init ng ulo mo? May problema ba?" tanong niya na halatang nag-aalala talaga masyado.


Oo, may problema! Ang problema ko, ikaw! Bakit ba kasi ang manhid mo? Ang manhid manhid mo!


"Che! Kung umasta ka, parang wala kang atraso sakin. Mag-isa ka!" At tumalikod na ako at nagsimulang maglakad papaalis.


"Oi, Aine! Teka lang!" Habol niya sakin. "Sorry. Di ko naman sinasadya eh. Masyado lang akong kinakabahan nun kaya nasabi ko yun. Wala ako sa sarili ko nun."


Wala sa sarili? So ganun-ganun nalang yun? Pag wala siya sa sarili, pwede na niya akong tratuhin ng ganun?


"Alam mo namang mahal kita eh. Di kita kayang saktan."


Napatigil ako ng dahil sa sinabi niya. Ano raw? Tama ba ang pagkakadinig ko? Masyado niya akong mahal? 


Mahal mo rin ba ako Gian, gaya ng pagmamahal ko para sayo?


"Ha?" pagpapatay malisya kong sagot habang lumilingon sa kanya na para bang pinapahiwatig ko sa kanya na naguguluhan ako sa sinabi niya.


"Close friend kita. Seatmate kita. Malapit ka sakin."


Kaibigan. Seatmate. Hindi ba pwedeng ako nalang magmay-ari ng puso mo instead na maging malapit lang sayo?


Ang Seatmate Kong ManhidTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon