Kabanata 1.2

19 1 0
                                    

S.S.C. Campus

Hi I'm Lorenzo Garcia kaututang dila ni Kenzo dela Cruz. Andito nga pala kami ngayun sa classroom namin at kinukulit si Mrs. Evelyn Gomez.

Eto nanaman po sya magsisimula nanamang magpanic. Nakaupo lang ako at nakaharap sa kanya at pilit inabsorb ang sinabi nya.

Teacher Gomez : Kenzo, Lorenzo, Jasper... Inayus nyo na ba lahat ng kailangan nyo para sa PT (Practice Teaching) nyo? Sabi ni Mrs. Gomez habang nakapamewang sa harap naming tatlo.

"o0 naman po ma'am plantsyado na lahat kami pa." Sagot ko naman sa kanya.

"o0 ikaw... kayo nga.. Kaya nga nag-aalala ako baka pumalpak kayo. Naturingan pa man kayong mga estudyante ko, ayokong mapahiya ako at ang school natin..." *sad face*

Dagdag pa nya.

Itong si Jasper naman biglang sumabat habang binubuksan ang wrapper ng chewing gum ,"Si Ma'am talaga... kaya yan... madami po bang magaganda dun?"

Bigla namang kinuha ni Mrs. Gomez ang chewing gum at isinubo..at nginuya ng nginuya...

Jasper: Huh? Ma'am naman eh...

Teacher Gomez: Hay naku, ikaw talagang bata ka.

At sumali na din si Kenzo sa kakulitan, lumapit na sya kay Mrs. Gomez at minasahe ng dahan-dahan ang balikat nya. "Binibining Gomez wag kana pong mag-alala."

"Ahehe... *kilig* anu kaba iho Ginang Gomez hindi na ako dalaga..."

"Oh?! Hindi po ba kayo nagbibiro? Eh sa maamong mukha nyo palang eh para ka lang 26 o 27 po ba?

"Ahy.. Anu ba yan iho doble pa dyan ang edad ko."

"Pasensya na po... Hindi po kasi halata eh."

Marasa pa.. Kadurat (Malandi)

Ito nanaman po silang dalawa parang mag-ina lang kung maglambingan. Lukohin ba naman ang matanda, hayy si Kenzo talaga. Buti nalang at naniniwala sa kanya ang matanda kahit ang layo layo sa katutuhanan.


Ang Crush kong HoodlumWhere stories live. Discover now