Kabanata 1.4

24 1 0
                                    

"Mine!!"-Ica-

And pagkatira ko ng bola eh napamali kaya natamaan ko yung lalake na nakatalikod malapit sa field. Ay kawawa.. Hahahaha *Evil laugh*

"Aray!"-Lalake- (Hinihimas ang ulo dahil sa pagkakatama ng bola)

"Time out muna"-Ica-

Naguilty naman ako at nilapitan ko sya. Yumuko ako at humingi ng paumanhin sa kanya. Hay..kailangan ko bang gawin 'to..gosh..

"So.. Sorry.. A.. Ako.. 'yung nakatama sayo, pasensya na.." Lumingon sya sakin hawak-hawak ang ulo nya.

"May kamukha ka... Hmmm... Oo tama! Ikaw nga! *giggle*-Ica-

"Huh? Anung ako?"

"Ikaw.. Ikaw 'yung... Ikaw si CRUSH!!! Ikaw nga. Hindi mo ba ako naaalala? Ako yung babaeng tinulungan mo nung isang araw. Ako yun sa may tricycle..sa tapat ng gate nitong school namin remember? Cassandra Ica Sarmiento is my full name" at inabot ko ang kamay ko para makipagshake hands. Pero parang nagdadalawang isip pa sya na hawakan ang kamay ko kaya ako na ang humawak sa kamay nya at nakipagshake hands with a wide smile on my face.

"Ah.. eh.. Nagagalak akong makilala ka munting binibini ngunit kailangan ko ng umalis marami pa kasi ang gagawin ko. Sige paalam." -Kenzo-

"Uy, teka!!! Hindi ko man lang nalaman ang pangalan mo!! Uy!" -Ica-

iiihhhhhh... I'm super kilig to the bones OMG. Pero bakit ganun di man lang nya binigay ang

pangalan nya. Tandaan mo 'to, kapag nagkita tayo ulit hinding-hindi kana makakawala sakin!!! Bwahahaha!! *Evil laugh*

At umepal nanaman yung classmate ko..

"Ica!!! Game na!!!"

Introducing Jerick Duran, ito yung kinaiinisan kong classmate na lalake.. to the highest level!!

Hindi ko nga alam kung bakit naging classmate ko nanaman ini na maruduypudoy na lalake na ini ('tong panget na lalake.. Hindi naman talaga sya panget sa totoo lang ang tangkad nya slim and kayumangi ang balat..gwapo naman talaga sya kaso nga lang panget ang ugali nya binubully nya kasi ako palagi...)

*Flashback tayo ng kunti*

Alam nyo bang nilagyan nya ng daga ang locker ko nung 2nd year high school kami. Masayang-masaya ako nung araw na 'yun eh.. basta masaya ako eh... Naglalakad ako nun papuntang locker para kunin yung baon ko lunch na kasi. Binuksan ko na yung lock tapos bumulaga ba naman sakin yung daga.. as in yung daga sa kanal.. grabe talaga napa-iyak ako nun eh.. Sobrang ayoko sa daga talaga at nadidiri ako sa kanila at natatakot na baka kagatin ako hindi ko alam ang gagawin ko.

Itong si Jerick naman nakita ko sya sa malayo na tumatawa pero napatigil sya nung nakita nyang tumutulo na yung luha ko. Napahinto sya sa pagtawa at ako naman pinunasan ko ang luha ko at tinignan sya ng masama at naglakad ako ng mabilis papunta sa kinatatayuan nya. And the next thing happened?? Ayun tinuhod ko ang parte sa gitna ng hita nya... Awts... Masakit yun dba? Ang ending napaluhod sya sa sakit.. BASAG!!!

"ARAYY!!! HoOoO!!!! Ang SAKIT!!!!"-Jerick-

"Tsk... Tsk... Tsk... Hindi lang yan ang makukuha mo sakin kapag inulit mo pa yan. Sinasabi ko sayo... Hinding-hindi ka na magkaka-anak DURAN." -Ica-

"Wow padi bu-ak!! (Pare BASAG!!!)Tignan ko nga kung basag.. HAHAHA"-Ron-

"Ica!!! Balik na! Ang tagal!" -Jerick-

"Oo na, pabalik na po..sorry." -Ica-

(Kahit kelan talaga panira to, nagkkwento pa nga ehh..hmmpp! Tsaka simula nun kunting-kunti nalang yung pambubully nya at kapag nilalapitan ko sya iniiwas na nya talaga yung aness nya sakin baka maulit daw eh..hahaha.)

Later that day.

"Boi!!!!!!!" -Ica-

"Bakit?" -Aira-

"Nakita ko si CRUSH!!! OMG!! I think I'm going to die!!!!" at nagtatatalon ako sa tuwa. At ayun binatukan nanaman ako..*sad face* Anu pa ba inexpect ko sa kanya..marasa pa.

Later that day sa bahay.

Busy-busyhan si Aira sa... ginagawa ang assignments namin, nakaupo lang ako sa sahig at nagddrawing ng kung anu-ano. Nang dumating ang kuya ko introducing Michael Brian Samiento ang super the best kuya ever!! Mahal na mahal ako nyan at sobra akong spoiled sa kanya,kaya nga natatakot ako mawala sya kasi hindi ko alam kung anu ang gagawin ko kapag nangyari yun.

"Ica.. ito oh linusak meryenda nyo.. Ubusin mo to ahh.. Ikaw din Aira kumain ka ah sa inyo lahat yan."-Michael-

(Linusak is Pounded Banana pala nilagang saging siya na may asukal na may kinayod na niyog, see picture sa side.)

Si Aira talaga ayaw pang ipahalata na kinikilig sya OBVIOUS naman. Napatulala pa sya kay kuya nung pinansin sya kanina..hoOoO.. may kalandian din 'tong Best friend ko nasa loob lang hindi pinapahalata..hoOoO..

"Ah.. Opo kuya Michael salamat. Sigurado masarap yan kasi ikaw ang naghanda."- Aira-

"Salamat sa papuri Aira, suhol ko kasi yan sayo sa pagtulong mo sa kapatid sa mga gawain nyo sa school. Ayaw kasi nito mag-aral, ewan ko ba sa batang 'to katugas san alimantak (Matigas ang ulo.. Hard headed.. Sutil.. Pasaway.. Yun ang ibig sabihin nun guys, sige kuya ituloy mo na po ang sasabihin mo.)

"Ikaw talaga kulet.. sige maiwan ko na kayo dito ah, maglalaba pa si Manoy mo na gwapo eh. Mag-aral kayo ng mabuti, tsaka Aira tawagin mo ko kapag hindi nag-aaral 'to ah." -Michael-

At naglakad na papalayo si Manoy tapos 'tong si Aira naman parang statue na sa kilig. "Grabe boi ang O.A. mo kiligin, wala na sya mag-aral na tayo."-Ica-

" Wow.. Did that really came out of your mouth??"-Aira-

"Page 17 'yong assignment natin boi hindi page 9."-Ica-

"Page 17 nga.. Hindi ba mag-scan ng ibang page?"-Aira-

*smirk* palusot ka pa eh, tulo laway mo kay Manoy -Ica-

Yayımlanan bölümlerin sonuna geldiniz.

⏰ Son güncelleme: Sep 03, 2015 ⏰

Yeni bölümlerden haberdar olmak için bu hikayeyi Kütüphanenize ekleyin!

Ang Crush kong HoodlumHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin