Chapter 6

26.8K 776 58
                                    


First love

Hindi ko alam kung paano ko natagalan ang nakakailang na paninitig sa akin ni Reid. Ang tanging alam ko lang ay mabilis ang tibok ng puso ko dahil sa sobrang kaba. He's too close and intense. My body can't seem to function well while he's holding me firmly. Ang mga tuhod ko ay nanghihina. Kaunti na lang ay mabubuwal na ako sa panghihina at takot...

"I am here because my parents ordered me to apologize to you..." mariin ang naging boses ko at pagkatapos ay lakas loob siyang tinulak.

Sa isang iglap ay nakawala ako sa kanya. Nag-init ang pakiramdam ko doon ah! Galit ko siyang tinitigan samantalang ngumisi ito na para bang basang basa niya ang mga galaw ko.

"As if you're really going to apologize, Aliyah." He said in a mocking way. "I am surprised to see you here though. You look good."

My forehead creased. Is that a compliment or an insult? I pouted my lips and just looked away.

That's okay, Aliyah. Ang mahalaga ay nagpunta ka dito kagaya na nga lang ng gustong mangyari ng mga magulang mo. Riley must've reported this visit to my parents. Iyon lang naman ang importante- ang makita ng parents ko na sumusunod ako sa kasunduang pinagplanuhan nila.

"I still owe you a lunch, right? Stay so we can eat," ani Reid dahilan para balingan ko siya ng katiting na tingin.

"No thanks. Malamang ay nagreport na ang bodyguard ko kay Papa. I can just leave and take care of my own meal." sambit ko sa matabang na tono.

Pinanood ko kung paano niya punasan ng tuwalya ang kulay mais niyang buhok. His damp hair looks very refreshing. Madalas kasi ay pirmi ito at naka-wax kapag nagkukrus ang landas namin.

Saglit na bumaba ang tingin ko sa dibdib niya. It's firm and well shaped too. Bumaba pa ang tingin ko. I swallowed hard while checking on his six-pack abs. Parang walang kahirap hirap na hinulma ang mga 'yon... His board shorts is also too short that I could see the firm muscles on his legs, plus the high definition hidden bulge between it.

"I won't let you leave without eating a proper meal, Al." wika niya sa seryosong tono.

Hindi ko naiwasan ang pag-irap. Talaga bang narinig ko iyon sa bibig ng isang Reid Alvedo?

"Hindi naman tayo close para maging concern ka sa pagkain ko."

He stepped forward again. For a moment, my mouth ran dry as his aura makes me tremble. Parang panaginip ang sunod na nangyari. Hinawakan niya ang kamay ko at hinila ako sa loob ng mansyon.

"T-teka!"

"You can stay, Al. You'll be fine here with me," he said coolly that gave me a warm feeling.

Nagpatianod ako sa kanya. Nadaanan namin ang malawak nilang sala kung saan nandoon si Kimberly kasama ang isang lalaki. Suminghap ako nang mapansin ang pagiging intimate nila. Kimberly's on the lap of this man who's very charismatic and good looking too just like...

Oh, well.

Huminto si Reid dahilan kaya nauntog ang noo ko sa matigas niyang likod. Nang mag-angat ako ng tingin ay nakatitig na siya sa mga taong nasa couch. Kimberly and this man she's with both glanced at us. Tumayo si Kimberly at nangingiting humarap sa amin. Tumayo din ang lalaki pero mukhang suplado din kagaya ni Reid.

Chasing Reid AlvedoWhere stories live. Discover now