Chapter 13

23.4K 830 93
                                    


Bad girl

Pakiramdam ko ay umurong ang lahat ng dapat na iduduwal ko sa nakikita ko. Hindi naman sila magkahawak ng kamay o kung anuman, pero ramdam ko ang pagkainis... Hindi ko mapigilan.

"Are you alright?" nag-aalalang tanong sa akin ni Seiji at pagkatapos ay bumaling ang tingin sa dalawang taong palapit sa counter. "Reid..."

Reid's eyes immediately darted on me. I could really tell that he's kind of pissed off with me. Madilim ang pagkakatitig niya sa akin na para bang may ginawa na naman akong mali.

Humawak ako sa bar stool. Nahihilo man ay nagawa ko pa ding pigilan ang sarili sa pagkabuwal. I can't be stupid in front of him... in front of her...

Cassandra smiled at Seiji. She looks elegant on her champagne colored long sleeve top partnered with a brown khaki jeans. Mahaba ang natural na kulot na buhok at tanging nude lipstick lang ang kolorete sa mukha pero nagmistulang dyosa sa paningin ko.

Samantalang ako... I look very wasted at this moment.

Can I just die now?

Lumapit si Reid sa akin. Sa bawat hakbang niya ay nanghihina ako. Nahihilo man ay kita ko kung gaano kapanganib ng emosyon sa kanyang mga mata.

"It's been a long time, Seij. Narito si Skylus at Riyuki. Have you seen them?" Cassandra's voice is purely gorgeous too. Everything about her is just beautiful...

She sat on the bar stool gracefully.

"They are in a private room at the second floor, Cass."

"Aliyah," Reid called me with his dangerous tone. Nasa harapan ko na ito ngayon.

Kinagat ko ang dila ko para pigilan ang sarili sa kung anong maaari kong sabihin. Nag-angat ako ng tingin sa kanya. He's looking at me in a dangerous way. His lips formed a thin line and I could see how his jaw clenched.

"W-why..." Bumalik ang tingin ko kay Cassandra na ngayon ay nakatingin na sa amin ni Reid. Hindi ko mabasa ang emosyon sa mga mata niya. Tila nag-aalala sa kung ano'ng kayang gawin ng ex-boyfriend niya. Tila maingat na naghihintay...

Tumikhim ako. Bakit sila magkasama?

"You're drunk, Al." wika ni Reid. Hahawakan sana niya ako ngunit agad akong umatras.

"K-kaya ko..." I looked away and prayed that Sydney would come and rescue me.

I heard him breathe heavily. Tila nagpipigil at pinipilit magpasensya sa akin. Despite the loud music, I heard how Seiji cleared his throat. I glared at him and he seems apologetic... Oo nga't siya nga pala ang kumuha ng litrato ko at sinend iyon kay Reid.

"I'll drive you home. You're drunk already, Aliyah." seryosong saad ni Reid at sinubukan ulit akong hawakan.

Hindi na ako nakaangal nang mahagilap niya ang mga braso ko. I was electrified by his touch. Ang malalapad niyang kamay na nakahawak sa magkabilang braso ko ay nagpapahina pa ng tuhod ko. Suminghap ako at tumingin ulit kay Cassandra.

She smiled a bit at me. My forehead suddenly creased. Agad ding nawala ang ngiti sa labi niya.

"Ali..." Reid called me once again.

Chasing Reid AlvedoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon