Chapter 10

25.4K 766 62
                                    


Electricity

Hindi ako matigil sa pag-iyak nang makarating kami sa hotel room ko. Reid followed me all the way here in my room. Parang sa isang iglap ay nagkamalay tao ako't napag-isip ang mga nangyari kanina lang.

I heard him locking the door. Kung normal na gabi lang siguro ito ay naghuramentado na ang puso ko dahil magkasama kami sa iisang kwarto pero dahil kinakain pa din ako ng trauma sa ginawa sa akin ng kasama niya kanina ay mas pinangunahan ako ng galit at pag-iyak.

"Sino ba 'yon?! Bakit hinayaan mo siyang takutin ako ng gano'n?! Muntik na akong atakehin sa puso sa ginawa niya!" galit kong bulyaw sa kanya nang harapin ko siya.

He titled his head while looking at me. Tila hindi natitinag ang pagkarahas ng aura niya kahit na nakikita niyang umiiyak ako dahil sa nangyari! I hate him so much! Subukan niyang kampihan ang lalaking kasama niya't talagang makikita niya ang hinahanap niya sa akin!

"It's Vash. I apologize if he scared you that way," simpleng wika niya.

Vash? Iyon ba 'yong isa sa mga kaibigan niya? Iyong leader ng isang secret organization na nagbibigay ng mahigpit na sekuridad sa mga bigating negosyante ng bansa? Iyon ba 'yon?!

"Hindi mo man lang siya pinigilan!" Paghihisterya ko. Nahagip ng kamay ko ang pouch sa side table at walang pakundangang ibinato 'yon sa kanya. "Alam mo ba ang naramdaman ko?! Akala ko mamamatay na ako! Sira ulo kayo!"

Mabilis ang paghinga ko dahil sa galit. Wala na akong pakialam kung mukha na akong basura sa paningin niya dahil alam kong kalat na ang make up sa mukha ko. Sa tindi ng galit ko ay parang walang magpapagaan sa akin!

Tinignan lang ni Reid ang nalaglag na pouch sa sahig. Nang bumalik ang titig niya sa akin ay napasinghap ako. Wala pa siyang sinasabi pero may hatid na agad na banta ang titig niya sa akin.

"Hindi ito mangyayari kung hindi ka naglayas, Aliyah." He stated in a dangerous tone.

"Still! He doesn't have the right to threaten me that way!" depensa ko.

"Alright," he sighed in defeat. "I'll ask him to apologize for what he's done to you. Tumahan ka na."

Matalim ko siyang tinitigan. Bakit pa kasi niya ako hinanap? I want to be free and yet he's here trying to captivate me again!

Gusto ko lang naman ng kakarampot na kalayaan pagkatapos ay sisirain niya? I am freaking mad right now. Kung puwede ko lang ibato sa kanya ang lahat ng matitigas na bagay na mahahawakan ko ay ginawa ko na. Sa huli, nagmartsa na lang ako papuntang kama at dumapa doon, binaon ko ang mukha ko sa unan. Sa sobrang inis, gusto ko na lang tapusin ang pag-aaway na ito!

"Hindi ka dapat gumagala ng gabi. You don't even know if the village you visited is safe."

"Shut up!" sigaw ko habang nakabaon ang aking mukha sa unan.

"I'll call your father to inform them that you're safe. Please don't do anything stupid. Get some rest," he said in a lower tone.

He went out after that. Humihikbi akong nilingon ang pintong pinaglabasan niya. He's very cruel. Paniguradong isusumbong na naman ako no'n kila Papa! Bwisit!

Kinabukasan ay halos wala akong gana sa pagkain ng almusal. Una, pinilit ako ni Reid bumangon sa kama kahit ayaw ko silang sabayan sa pagkain. Pangalawa, kasama namin sa mesa si Vash, ang walang hiyang nagtututok sa akin ng baril kagabi.

Chasing Reid AlvedoWhere stories live. Discover now