Chapter 14

2.1K 61 2
                                    

Chapter 14

I gasped, "Eris, are you even aware on what you are saying?"

"I am. Sige, ilang linggo na kayong di nagkakausap? And what do you feel?"

"Naiinis ako. Kasi iyon naman ang talagang maramdaman ko diba?"

Tumitig sya sa mata ko. "Look at me in the eyes."

"Eris ano ba!"

"Break up with him and be with me." Aniya sa seryosong boses.

"Ewan ko sayo!" I continue eating.

Humithit sya sa vape nya at bumuga ng usok.

"Takot ka, Sinag." aniya.

"I'm not. Nirerespeto ko lang ang relasyon ko kay Cristian, please stop it."

Ngumisi sya. "Hindi mo man lang naisip na baka may iba syang pinagkakabalahan kaya hindi sya natawag?"

"Alam mo, hindi ka nakakatulong. Umuwi ka na nga."

Humalakhak sya. "Chill babe. Uulitin ko, break up with him and be with me."

"Naririnig mo ba iyang pinagsasabi mo?" Pinanliitan ko sya ng mata.

"I know what I'm saying." He blow another set of smoke. "Take a risk. Ako muna habang wala pa sya. Or did you already broke up with him?"

Ayokong isipin na baka nasabihan na sya ni Bryan kaya sya nandito at kung ano ano ang sinasabi. Shit! Bestfriend sila!

"Consider this one. Again, break up with him and be with me. Be with Zk."

HINDI ako nakatulog dahil sa naging pag uusap namin ni Emoji. Pasikat na ang araw pero dilat na dilat pa din ako.

Ginulo ko ang buhok ko sa inis na nararamdaman. I took a glanced at my phone. Tulad ng dati, wala pa ding reply si Cristian. Dinampot ko iyong cellphone ko.

Ako:
I need space. Kung busy ka sa trabaho mo, hindi kita pipigilan. Ingat palagi. Break na muna tayo.

Pikit mata kong sinend iyon. Wala nang bawian, Sinag. Tangina.

Nagbilang pa din ako dahil baka magreply si Cristian pero wala. I visited his facebook and leave him a message.

Sinag Aguilar:
Sorry but we need to broke up. Sorry. Naiintindihan kong mahal mo ang trabaho mo pero nakakapagod maghintay,

Online sya ng 17 hours ago. See?! Nag online sya kagabi pero wala man lang syang reply sakin?! Ano bang tingin nya sakin? Tanga! Kung gusto nya dun sa trabaho nya, sabihin nya hindi iyong ganito.

Idagdag pa ang kung ano anong sinabi ni Eris kagabi. Imbes na hindi ko pinaghihinalaan si Cristian. Ngayon, kung ano ano na ang pumapasok sa isip ko. Paano kung nakabuntis na yun dun? Or baka may babae na!

Muli kong ginulo ang buhok ko at tumayo. Kahit lutang ay lumabas na ako ng kwarto ko. Mabuti at wala akong trabaho ngayon dahil kung meron, baka isa na din ako sa nasigawan ni Mrs. Verjes.

Si Mama ang naabutan ko doon sa kusina. Naghilamos ako sa lababo kaya nakita nya ako.

"Ang aga mo ata. Wala ka namang trabaho ngayon ah."

"Di na ko makatulog, Ma. May mainit na tubig na?"

"Oo. Kakakulo lang."

Gumawa ako ng kape, pangpagising lang sa sistema ko. Naupo ako sa upuan at tumitig sa kawalan. Maya maya pa ay naghain na si Mama ng pagkain at sabay kaming kumain.

"Sasamahan ko nga pala si Merlie ngayon. Bibili kami ng tela para sa kurtina nya. Ibibilin ko sayo ang mga kailangan ng kuya mo ha."

"Ma, kaya na ni kuya yun."

You're Still The One (Book2 Of You're Duology)Where stories live. Discover now