Chapter 22

2.5K 69 10
                                    

Chapter 22

Days passed by smoothly. But Emoji and I are became busy with works. Mas dumami ang client ng Petticot ngayong buwan pagkatapos ng engrandeng birthday ni Lola Yolly. But all in all, we still save time for each other.

Makikipagkita ako ngayon kay Eli para sa final touches ng kanyang wedding reception. Nauna nga ako doon sa capistra cafe, wala pa si Eli pero umorder na ko ng frappe iwas inip. Nagtext naman sya sakin na on the way na daw sya.

I review my tablet. May konting idea na binigay si Betsy na tiyak daw na magugustuhan ni Elizabeth iyon. Sa susunod na buwan na iyong kasal nya. Sa susunod na sabado na ang fitting ng mga gown para sa abay nya.

Ilang saglit pa ay nakita ko na si Eli na papasok sa loob ng cafe. Kinawayan ko sya. Four months na iyong tiyan nya pero hindi sya hassle kasi baka hiyang sya sa pagbubuntis. Pagkatapos namin magbatian ay syang pagpapakita ko sa kanya noong mga ginawa ko. Wala namang naging problema sa kanya dahil mas lalo pa syang na-excite sa kasal nya.

"Actually. Dinaanan lang talaga kita dito para makita yan. May check up ako ngayon sa doctor, susunduin ako ni John." Nakangiwi nyang sabi.

"Oh! Sige, ingat kayo."

"Ikaw ba?"

"Dito muna ako. Ang positive ng ambiance dito eh."

Nagpaalam na din naman agad sya pagkatapos humalik sa pisngi ko. Nakita kong sumakay sya sa owner ni John. Binalingan ko ang tablet ko at sinave na ang mga dinagdag ni Eli.

I stayed there for awhile. Inaliw ang sarili sa interior ng Capistra Cafe. Ang cute lang nung mga design doon.

"I knew it was you, baby." I saw Cristian standing right next to me.

"Cut the baby off."

He chuckles. "Can I join you?"

"Sure." Inalis ko ang envelop na nasa lamesa. "Kumusta? Kelan balik mo ng Abroad?"

"Maybe tomorrow."

"Good. Enjoy mo lang ang pagkamit sa pangarap mo."

He nodded after sipping on his coffee.

"Sana kasama pa din kita sa pag abot noon."

"I'm still your friend, Cristian. Hindi man nagwork out, atleast we stayed as friends." Ngumiti ako.

He made a face. "You seem really happy. Nahanap na ba ni Ej ang balls nya?"

"Cristian.." suway ko. Nagkibit balikat sya.

Hinawakan nya ang kamay ko. "You deserve to be happy, Sinag."

I was about to answer nang may tumawag kay Cristian. Sabay naming nilingon kung sino iyon.

"Oh god!" Napa-face palm sya ng makita si Adie at ang nanay nito na nagpalaki sa kanya. "Mami." Tumayo sya para salubungin ito kasi nanatili ang titig sakin ni Tita Melow.

"Hi hija. We've meet again." Nagbeso beso kami. Maging si Adie. "How are you? Itong si Cristian, makikipagkita lang pala kay Sinag di mo agad sinabi sakin."

"Mami,"

"Anyway, kumusta? Babalik na uli si Cristian sa ibang bansa. Hindi mo ba pipigilan? Diba ikakasal na kayo? Have you proposed already anak?"

Adie excuse herself. Napailing si Cristian.

"Pinaghandaan ni Cristian iyong proposal nya. Pahirapan ang pagpapaalam nyang humingi ng leave ng one week for that."

Sa sinabi ni Tita Melow, mabilis na dumapo ang mata ko kay Cristian na hindi na maipinta ang mukha. Sinubukan nyang pigilan ang ginang kaso lang ay dire diretso ito.

You're Still The One (Book2 Of You're Duology)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon