Chapter 25

3.5K 86 7
                                    

Chapter 25

This is the last chapter. Thank you for supporting this story. Goodbless.
----

"Kita mo na, mas uunahin mo pa iyang offer sayo kesa kay Zk?" Aniya.

"Mas uunahin mo pa din ang pakikipagdate sa kabit mo kesa kay Zk?" Balik tanong ko sa kanya.

"Pwede ba, hindi ako nakipagdate. Nagtrabaho ako."

"Talaga ba?"

"Wala akong balak patulan iyang si Myrthel." Sagot nya nalang sabay upo sa tabi ni Zk.

Hindi na ako sumagot at doon naman pumwesto sa kabila ni Zk. Hinipo ako ang leegan nya at naramdamang medyo mainit pa. I fixed a basin with alcohol and a face towel. Sinimulan kong punasan ang katawan ni Zk while Emoji's watching me.

Wala kaming imikan na dalawa, he's just looking at his son.

"I'll order food. What do you want?" Basag nya sa katahimikan.

"Di ako gutom." Matamlay kong sabi.

Hindi naman sya umimik at may kinausap sa cellphone nya. Hinaplos ko ang buhok ni Zk, mainit pa din sya pero hindi na gaano. Humila ako ng mono block chair at naupo sa gilid. Emoji stared at me, pero hindi ko sya tinapunan ng tingin.

Actually, kinokonsider ko naman na ayaw nyang tanggapin ko iyong offer ni Rocky, nagmamayabang lang ako kay Myrthel kanina. Medyo kumulo ang dugo ko sa kanya.

"Nagpadeliver ako. Fifteen minutes daw."

Tumango nalang ako. Mula sa pagkakatayo nya ay hinubad nya ang coat nya at nilapag sa sofa doon.

Emoji's about to speak when his phone rang. Nakita ko ang pangalan ni Myrthel doon, pag angat ko ng tingin ay nakatitig sya sa akin. Nawala ang tawag pero agad na nasundan uli iyon.

"Sagutin mo na iyan, maingay baka magising ang anak mo." Inis kong sabi.

He answer it. Kumunot ang noo nya.

"I didn't say it, Myrthel. Wala. You just assume it. Nasa ospital ako, mas kailangan ako ng anak ko. Bye." Dire diretso nyang sabi bago pinatay ang tawag.

Iniwas ko ang tingin ko at kinutingting nalang ang cellphone ko.

Ako:
Rocky, about the offer... Di ko sure ha, ayaw ni Eris.

Rocky:
Hala. The contract is finished. Tyaka ipapadeliver na para formal mong makita iyon.

I sighed and looked at Emoji. Nakasandal sya sa headboard ng kama ni Zk at nakapikit.

Rocky:
Sayang kasi to. Kahit ito lg, iyong ibang offer, tanggihan mo na.

Ako:
I'll think about it. Pag uusapan namin ni Eris.

Rocky:
Mas mabuti pa noong single ka. Walang hassle.

Dumating iyong pagkain na deliver. Inayos ko iyon at sinulyapan si Eris. Humihilik na.

I cleared my throat.

"Eris... kumain na muna tayo."

He snorted and open his eyes. Agad na dumapo iyon kay Zk. He sighed and kissed Zk's forehead.

"Di pa nagigising?"

"Gigising na din iyan mamaya. Kumain na muna tayo."

Tabi kaming naupo pero hindi tulad ng dati, na nagsisilbihan kami. Sobrang nakakabingi nga ang katahimikan sa pagitan namin.

"About Myrthel. Hindi ko sya inayang kumain sa labas." Aniya. "Huwag kang mag isip ng kung ano."

"Alam ko."

You're Still The One (Book2 Of You're Duology)Där berättelser lever. Upptäck nu