CHAPTER 6: WRONG MOVE

75.5K 867 50
                                    

CHAPTER 6

"WRONG MOVE"

Hanggang gabi raw si Lady ngayon kaya naman sinabihan niya akong hintayin ko siya. Wala raw kasi siyang ibang makakasabay papunta sa sakayan ng bus. Naiinip na nga ako dahil kanina pa naman akong naghihintay sakanya. Napatambay na nga lang ako sa computer shop para mag-dota kahit na mga weak naman mga kalaban ko.

"Paano ba yan mga ser? Yung mga pusta niyo ah." Mayabang kong sabi.

"Lul pare! Quarter to 9 na! Late na late ka na sa girlfriend mo." Oh sht! Para akong natauhan nang sabihin iyan ng isa kong kasama sa team. Agad nalang akong napatayo at tumakbo papunta kay Lady. Hindi ko napansin na kanina pa rin pala siyang tumatawag saakin.

Patay. Baka galit na siya niyan.

"Lady Lyn. Ay mali! Ano... spicy pala." Parang siraulo talaga ang tawagan namin. Ay teka nga! Anong irarason ko skanya?

"Galit ka?" Tanong ko pa dahil wala akong narinig sakanya na pangbubulyaw. Nakangiti lang siya saakin. Pakshet ayan nanaman yung ngiti niyang nakaka-in love.

"Hindi naman." Malumanay pa niyang sagot at hindi pa rin nawawala ang ngiti niya saakin.

"Masama nanaman ba ang pakiramdam mo?" Ang tahimik. Ang wirdo. Parang mas gusto kong maingay siya. Hindi ko kasi alam kung galit ba siya saakin dahil late ako. Kapag tahimik kasi siya parang kinakabahan ako.

"Hindi ah. I'm completely fine."

"Weird mo rin e. Dati sabi mo kapag tumatahimik ka masama ang pakiramdam mo. Para tuloy dalawang tao ang nakakasama ko."

"Talaga? Magkaiba? Weird ba kapag tahimik ako?" Malumanay talaga ang boses niya. Isa pa ay babaeng-babae siya ngayon. Ngayon ko lang yata siya nakitang naka-lipstick.

"Mas gusto ko siguro tuwing tahimik ka kasi mas mabait ka at mas madali mahandle pero mas kumportable ako tuwing maingay at makulit ka. Yung sigaw lang nang sigaw. Siguro kasi mas madalas kang ganun at nakasanayan ko na rin." Hindi ko alam kung anong nangyari sakanya. Kung bakit siya huminto sa paglalakad.

"Oh napaano ka?"

"Aldrin what if—hindi mo napulot ang pictue ko? What if hindi mo ako nakilala? May girlfriend ka kayang iba?"

'Yan ba ang dahilan kaya ang tahimik niya? Iniisip ba talaga niya 'yan?

"Siguro?"

"Paano kung hindi kita pinilit na maging boyfriend ko?" Ang weird niya.

"Liligawan pa rin kita." Hindi ko alam kung bakit 'yan ang naisagot ko. Hindi naman ako sure kung makikilala ko siya kung hindi ko napulot ang picture niya.

"Bakit naman? E hindi mo naman ako kilala." Tanong niya kaya naman napaisip ako.

"Lady Lyn---" Huminga ako nang malalim dahil iniisip ko kung sasabihin ko ba sakanya. Hindi kaya matakot ko siya?

"Lady kasi tingin ko mahal na kita noon pa. Kahit na sa litrato lang kita nakita. Kaya naman--- Liligawan pa rin kita kahit na hindi mo ako pinilit. Kahit na hindi ko alam ang ugali mo. Kahit na sabihin mo pang ayaw mo saakin." Bigla nalang siyang natahimik. Wrong move ba?

Hindi ba niya ako gusto? Mali ba ang nasabi ko? Natakot ba siya dahil ang wirdo ko na rin katulad niya?

***

Pagkatapos kong sabihin iyon sakanya kagabi ay wala na akong natanggap na sagot mula sakanya. Wala na siyang imik at hinatid ko lang siya hanggang sa sakayan niya. Nak ng tokwa. Hindi naman ako nag-expect pero syempre bakit niya pa ako niyayang maging boyfriend kung hindi naman niya ako gusto? Nagtataka lang kasi ako. Bakit ba bigla nalang siyang naging malungkot? Hindi ba dapat masaya siya kasi sinabi kong mahal ko siya?

"Hoy! Hindi ka nanaman nakikinig kanina. Tapos heto tulala ka nanaman." Tumabi saakin si Aireen at hinatawan nanaman ako ng isang batok.

"Oo nga tol. May problema kayo ni Lady?" Tanong naman ni Jolo.

"Ewan! Hindi ko siya maintindihan e. Sinabi ko lang naman na mahal ko siya." Pero maski ako ay hindi kumbinsido sa sinabi kong iyon. Baka akala niya hindi ako sincere? Pakshet talaga.

"Baka ayaw na niya sayo." Natatawang kumento ni Jolo kaya sinipa ko nalang siya.

Hindi namin namalayan ang paglapit saamin ng dating kaklase ni Lady.. Napansin lang namin siya noong nagsalita siya.

"Iba-iba na ba ang ipinapakita niyang ugali?" Tanong niya.

"Medyo. Ganun ba talaga siya?"

"Ewan din e. Basta noong high school kami ay ganoon na siya. Wirdo." Leche 'to ah. Hindi na nga nakatulong tatawagin pang weird ang girlfriend ko.

"Basta ang alam ko ay maraming naiinis sakanya dahil sa ugali niyang hindi maintindihan. Isa pa lagi niyang binabasted ang mga nanliligaw sakanya. Kaya ayaw sakanya ng mga nagiging kaklase niyang babae. Pinagbabawalan niya kaming magpunta sa bahay nila. Ang weird lang."

"E sa ayaw niya e." Kontra ko nalang. Pero ngayong sinabi niya 'yan naalala ko tuloy na ayaw niyang ihatid ko siya sa bahay nila.

Pinag-uusapan nila ngayon kung paano ko ba naging girlfriend si Lady. Hindi makapaniwala si Ivan sa mga naririnig niya.

"Hindi ko nga siya niligawan. Pinilit niya ako." Nakasalumbaba kong sagot sakanila na ngayon ay hindi na maipinta ang mga mukha nila. Problema nila?

"Napaano kayo?" Walang ganang tanong ko.

"Ah e kasi—" Hindi na nila itinuloy ang sinasabi nila basta nalang itinuro ni Aireen yung sa likuran ko kaya sinundan ko nalang din ng tingin.

Pinapatunog ni Lady ang kanya mga daliri nang lingunin ko siya. Shete.

"So pinilit pala kita." Aniya na ngayon ay parang may nakabalot na itim na aura sakanya.

"Lady Lyn kasi---" Teka nga? Bakit ba ako natataranta? Mali! Bakit siya nandito? "H-hindi joke lang yun."

"Hindi pala e! Bakit mo sinabing pinilit kita?" Pero kagabi lang siya na mismo nagsabi na pinilit niya ako ah. Lokong 'to. Baliw talaga.

"Sorry na." Napakamot nalang ako ng ulo ko kasi hindi ko siya maintindihan. Idagdag pang nagagagalit pa yata siya saakin gayong siya naman nagsabi mismo saakin na pinilit niya ako. Ang labo talaga ng mga babae.

"Sorry na." Suyo ko sakanya pero pinaikot lang niya yung mga mata niya na parang 360 degrees! Hinila ko nalang tuloy siya para paupuin sa tabi ko. "Sorry na pati yung kagabi, sorry na." Bulong ko pero nanlaki lang ang mga mata niya at tila hindi niya alam ang tinutukoy ko.

"Anong sinasabi mo? Bakit ka nagsosorry? May ginawa ka bang ikakagalit ko?"

"Hindi wala naman. Nag-aalala lang kasi ako dahil bigla ka nalang nalungkot kagabi. Parang hindi kasi ikaw."

"Masama lang pakiramdam ko kagabi."

"Akala ko ba hindi? Saka bakit ba madalas na masama ang pakiramdam mo?"

"Syempre ayaw ko lang ipahalata sayo. Saka kasi ano---" Huminto siya at naging seryoso bigla. "Mahina ang puso ko."

"HAH? HINDI NGA?" Chorus naming apat. Hindi ako makapaniwala sa narinig ko. Seryoso ba siya?

"OMG! Hahahahaha! Mga engot! Syempre JOKE!" Binatukan tuloy siya ni Aireen. Masamang biro naman kasi kung tutuusin.

"Bakit ka ba nandito? Umalis ka na nga!" Naiinis na sabi pa ni Aireen.

"Masama bang bisitahin ang boyfriend? Pero kaya talaga ako pumunta dito kasi may sasabihin sana ako ang kaso ano---." Pinaglaruan pa niya ang mga daliri niya samantalang kami ay naiinip na sa kung ano ang sasabihin niya. Ang mga babae talaga ay maraming paligoy.

"uhmm nakalimutan ko na e. Sige aalis na ako!"

"Teka!" Hinawakan ko ang kamay nya para pigilan siya, "kiss ko?" Nagbibiro lang naman ako saka isa pa normal lang naman na tanungin ng boyfriend 'yun kaya baka makalusot ako. Hindi naman ako nag-expect pero hindi ko inasahan na bigla siyang yumuko at hinalikan ako sa harapan ng mga kaklase ko.

Lahat sila pati na rin ako ay nanlalaki ang mga mata. Pakshet. Naguguluhan ako. Kagabi ay hindi siya ganyan pero ngayon. Gees! Wrong move ba talaga ako kagabi?

Picture of You (season 1 and 2) (FIN)Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt