CHAPTER 10: Nakakapagtaka

67.3K 767 78
                                    

CHAPTER 10

"Nakakapagtaka"

Nasabi ko na yata lahat ng mura pero ang pintuan sa klase nila ay hindi ko pa rin nabubuksan! Sh*t talaga!

"LADY! BUKSAN MO 'TO!"

"WAAAH! ALDRIN! DALIAN MO!" Leche bakit ngayon pa kasi nagsiwalaan ang mga estudyante sa corridor! Napakamalas!

Sinusubukan ko ngayong sirain ang pintuan.

"Aldrin bilis!" Ilang beses ko pa binangga ang pintuan bago ito tuluyang bumukas. Pero pagbukas ko ay nagulat ako hindi dahil sa kalagayan ni Lady kung hindi sa kalagayan nung prof. Tumba na siya ngayon sa sahig. Samantalang si Lady naman ay nasa taas ng lamesa at umiiyak.

"Bakit ka sigaw nang sigaw kung hindi ka naman pala inaano nitong lokong 'to?"

"E kasi." Pinunasan niya ang luha niya at sinubukan niyang tumahan. "Yung da---ga."

"Daga?" Tumango pa siya at muling pinunasan ang mga luhang dumaloy nanaman sa pisngi niya.

"Hindi ako makababa kasi yung daga." Hindi ko na napigilan ang sarili ko at bigla nalang tumawa nang malakas. Abnormal talaga siya.

"Pinakaba mo ako tapos---HAHAHAHAHA-daga lang pala!" Hindi ko na talaga mapigilan ang sarili ko sa pagtawa. Adik kasi e. Kabadong-kabado ako tapos daga lang pala.

"Aldrin naman e! Tulungan mo ako. Ayaw ko sa daga." Anak ng mayaman talaga.

"Halika na." Tumalikod ako para pasampahin ko nalang siya sa likuran ko.

"Sasakay ako?"

"Oo. Dali na."

"Mabigat ako."

"Tapos?"

"Sige na nga."

Sumampa na siya sa likuran ko. Ang ipinagtataka ko lang talaga ay kung paano niya napatulog yung kumag niyang prof? Grabe ang lakas naman niya. Parang ayaw ko na yata siyang galitin pa. Ngayon na naisip ko iyon ay bigla nalang pala niya ako nasasampal kapag inaasar ko siya. Mukhang delikado siyang babae.

"Tanong ko lang, anong ginawa mo sa prof mo?" Nakalabas na kami sa classroom nila pero mukhang wala naman siyang balak na bumaba kaya hinayaan ko nalang.

"Edi pinatulog ko! Manyak e! Tama bang hawakan niya ang pwet ko? Loko yun. Hindi niya alam na marunong ako ng self-defense. Binagsak ko siya sa sahig tapos ayun tulog na siya."

Loko yun ah! Ako nga hindi ko pa nahahawakan. Dapat yata ay binugbog ko pa siya kahit na tulog na siya.

"Okay ka lang ba? Hindi ka naman ba na-trauma?"

"Trauma? Naku hindi. Dati rin naman kasi sa bus noong siksikan. Gees! Ganyan ba kayong mga lalaki? Hindi makapagpigil?"

"Idinamay mo pa ako. Basta simula ngayon sabay na tayo uuwi. Saka isa pa may driver ka naman bakit hindi ka nalang magpasundo sakanya?"

"Depende kasi. Pero ngayon susunduin ako." Paliwanag niya. "Aldrin..." Mahina lang ang pagtawag niya saakiin.

"Oh?"

"I love you." Ngumiti nalang ako at saka sinagot ko siya nang "Oo na, alam ko na 'yan."

"Kapal mo talaga." Bigla pa niya akong binatukan at aaminin kong masakit yun. Saan ba gawa ang kamay niya? Sa bakal ba? Masyado na siyang namimisikal a.

"Masakit na yun ah."

"Ikaw kasi e! Nagsabi ako ng I love you tapos ikaw wala lang. Epal ka talaga."

"Mahal din kita at hindi naman kailangan laging sabihin iyon."

"E kasi e! Ah basta. Thank you sa pag-alala mo kanina ah."

"Lahat naman mag-aalala dahil doon. Nga pala pwede ka na bumaba. Mabigat e."

"TSe! Ang sama nito." Bumaba rin naman siya pagkatapos ay tinanong kung talagang mabigat siya. Syempre sinabi kong oo. Mabigat naman kasi talaga e.

Sinamahan ko siyang hintayin ang sundo niya sa may bench. Kung sinu-sinong kaklase ko na nga ang napadaan at bawat may dumadaan sakanila ay niloloko lang kami. Parang mga siraulo lang.

"Bakit ka nga pala takot sa daga?"

"Ewan ko. Siguro kasi nakagat ako ng daga noong bata pa ako."

"Loko 'to. Bakit ka naman kasi nagpakagat sa daga?"

"Hindi mo ba naaalala?" Puno ng pagtataka ang boses niya.

"Maalala ang alin? Nakagat ka ba ng daga habang kasama mo ako?"

"Wala." Sakto naman na dumating na ang sundo niya. Nakakapagtaka lang na may lumabas na lalaki mula sa sasakyan.

"Anong ginagawa mo rito?" Sinalubong agad ni Lady yung lalaki. Pinsan ba niya yan? Kapatid? May kapatid ba siyang lalaki?

"Sabi ng kapatid mo sunduin daw kita e. Oh? Aldrin long time no see." May kapatid siya at kilala ako nitong lalaki?

Tinitigan ko lang siya dahil hindi ko naman siya kilala. Baka nakwento ako ni Lady sakanya.

"Bakit mo ako kilala?"

"Hindi mo na ako naaalala? Kung sabagay matagal na 'yun. Sige pare, next time nalang. Hinihintay na kasi kami sakanila."

"Aldrin, mauna na kami ah. Huwag kang mag-alala. Kaibigan ko lang siya." Pagkatapos ay hinalikan na niya ako na ikinagulat naman nung lalaki. Psh asa. Hindi naman ako nagseselos. Ang nakakapagtaka lang ay kung bakit ako kilala nung ugok na 'yun.

Picture of You (season 1 and 2) (FIN)Where stories live. Discover now