CHAPTER 16: I LOVE YOU

63.6K 766 92
                                    

CHAPTER 16

"I LOVE YOU"

"Hindi mo ba inaasahan na hindi pa din sila nagbabago nagbabago kahit pa ilang taon na ang nakalipas? Nalimutan at natandaan mo na ang lahat pero ganun pa rin sila." Tumawa pa siya pero halata namang peke. Hindi ko makita ngayon ang ngiting nagustuhan ko noon sakanya.

"You're worried about her. Alam ko rin na may gusto ka sakanya pero heto ako, pushing myself because you can't have her. You can love her but you can't be with her Aldrin."

"Bakit ba ganyan ka magsalita ngayon?"

"Masama ba? I'm not guessing Aldrin. Alam ko naman e. Noong hindi mo pa alam na kambal kami ni Lena ay sinabihan mo akong mahal mo ako kahit na hesitant ka dahil sa biglang pagbabago ng ugali na ipinapakita ng Lady na nasa harapan mo. Malamang ay alam mo na rin noon na magkaibang tao kami pero in denial ka lang."

"Hindi ko alam na magkaiba kayo pero oo nagduda ako at inisip ko ngang magkaiba kayo."

"Even though alam kong may gusto ka sa kapatid ko hinayaan ko pa rin ang sarili kong magkagusto sayo. If I can just make you fall for me again then I will."

"Bakit ba bigla ka nala---"

"See? Hindi ka man lang nagdeny!" Nagulat nalang ako dahil sa biglang pagtaas niya ng boses. Anong gagawin ko? Ang labo nila. Alam na nga nilang may ibang gusto ang taong gusto nila pero malabo pa rin silang kausap. Hindi ko talaga maintindihan ang takbo ng isip nila. "Ano ba kasing nangyayari sayo? Hindi ko naman sinabi sayo na gusto ko siya. Ikaw na nga ang lagi kong kasama. Ano pa ba ang dapat kong gawin?"

"I saw it! You kissed her! Ginagawa mo lang ito dahil gusto mo ang siyang makita! She's still the reason kung bakit nakikisama ka saakin kahit alam kong naiinip kang kasama ako." Mariin kong ipinikit ang mga mata ko. Ayaw kong nakikita si Lady na ganito. Ako ba ang nanira ng maganda niyang ngiti? Kaya ba hindi na siya ngumingiti katulad ng ngiti niya noon?

"I don't regret loving you. I don't regret waiting for you. I don't regret anything, Aldrin." Hindi ko inasahan ang sumunod niyang ginawa. Hinalikan niya ako. Pero agad ko rin naman inilayo saakin,

"Bakit? Because I'm not Lena? Now, I regret kissing you."

"Lady please huwag naman ganyan."

"Wala ka naman mapapala sakanya! Sa ibang tao ay patay na siya. Para sakanila ako lang ang nandito! No one knew her existence!"

"Ano bang---"

"Hangga't buhay ako walang Lena na dapat lumabas. Wala siyang mapapala. Para sa pamilya namin, she's just a part of me."

Umalis na siya at iniwan ako pagkatapos. Hindi ko maintindihan kung bakit niya iyon nasasabi. Alam kong mahalaga sakanya ang kapatid niya. Susundan ko pa sana siya kaya lang nakasalubong ko si Lena. Bahagya lang siyang ngumiti at parang walang balak na pansinin ako.

"Le---" Shete! Nababakla nanaman ako. Paano ko ba kakausapin ang taong nakipaghiwalay saakin? Langya!

"Hello." Kaswal lang niyang bati saakin saka nilagpasan na niya ako. Aish!

"Teka nga."

"Bakit?" Lumingon siya saakin na para bang walang nangyari. Tipong hindi naging kami at hindi kami naghiwalay.

"Mag-usap tayo."

"Nag-uusap na nga tayo oh. Para mo naman akong niloloko."

"Lena." Ngumiti lang siya. Hindi ko alam kung anong tumatakbo sa isipan niya ngayon. Parang ipinapakita lang niya saakin na okay lang siya maski wala ako. Badtrip!

"Alagaan mo ang kapatid ko ah." Nakangiti niyang bilin.

"Bakit ka nakipaghiwalay saakin? Anong dahilan?"

"Obviously, hindi kita mahal."

"Bakit hindi ka makatingin saakin?" Lumapit ako sakanya at hinawakan siya sa braso. Nakayuko lang siya at ayaw niya talagang tumingin. This is hopeless. Huminga ako nang malalim bago ko sabihin sakanya ang nararamdaman ko.

"Mahal kita at kahit sabihin mo pang hindi mo ako mahal ay mahal pa rin kita. Tandaan mo 'yan." Binitiwan ko siya at umalis na ako sa harapan niya. Ayokong magalit dahil sa mga walang kwenta niyang sinasabi. Ayaw kong magalit sakanya nang dahil lang sa hindi niya ako matignan. Bwisit.

Saan ba ako pupunta? Aish!

"Hoy."

"Hoy sabi!" Tumingin ako sa paligid at pagkatapos ay doon sa babaeng tumawag saakin. Hindi ko naman siya kilala. May pagkawirdo ng kaunti ang damit niya. Baliw yata 'to.

"Sino, ako?" Nakaturo ako sa sarili ko nang tanungin ko siya.

"Sino pa nga ba? Kung ano man ang problema mo sir sasabihin ko na sayo na kahit napakaraming babae dyan including ako ay nag-iisa pa rin siya." Wirdo. Hindi ko siya pinansin at nagpatuloy lang ako sa paglalakad. Baliw yata talaga 'to dahil hindi niya ako tinatantanan.

"Alam mo kasi nagti-train ako bilang isang manghuhula!" Napailing nalang ako dahil sa kakulitan nitong isang 'to. "Promise nag-iisa lang ang babaeng yun!"

"Paano mo naman nasabi?" Tuloy-tuloy pa rin ako sa paglalakad kahit na pinapatulan ko na ang kalokohan ng babaeng ito.

"Syempre! Wala siyang kamukha! HAHAHA"

"May kambal siya."

"Walang kapantay ang ugali!"

"Pareho kayong makulit."

"Ayaw ka niyang saktan."

"Sinasaktan na niya ako. Ano namang klaseng panghuhula ang ginagawa mo? Puro kabaliktaran ang sinasabi mo!"

"Hindi joke lang. Nawawala kasi ako. Magtatanong lang sana ako kung saan yung Happy Valley Street?" Tinakot pa ako nito. Akala ko pa naman baliw na.

"Diretsuhin mo lang iyang kanto na yan at pagkatapos ay kumaliwa ka sa pangalawang street na makikita mo. Magtanong ka na rin doon kasi paniguradong nawawala ka na nun." Hindi naman ako tiga-rito. Malay ko ba kung saan ang tinutukoy niya.

"Okay! Salamat."

Kahit papaano ay nawala naman ang mga iniisip ko nang panandalian dahil sa makulit na 'yon.

"Nga pala kung ano man yang inaalala mo kuya mas mabuting sundin mo lang ang alam mo ay tama. Malay mo nahihirapan din siya. Manghuhula in the making ako, remember? Bye!" Kumaripas na siya sa takbo pagkatapos niyang sabihin iyon.

Gusto kong uminom pero aish! Kailangan kong bumalik. Kailangan kong kausapin si Lena. Kailangan kong ---

"Aldrin." Paglingon ko ay isang nakayukong Lena pala ang tumawag saakin. Nakalayo na ako sakanila pero heto siya at sinundan pa ako? "Aldrin." Ang hina ng boses niya at halatang kagagaling lang niya sa iyak.

"Bakit ba kasi hindi kita matiis?" Nanginginig ang boses niya. "Sinundan kita dito tapos wala ka man lang imik? Nakakainis ka na."

"Aldrin! I love you." Umiiyak siya samantalang ako ay nakangiti ngayon dahil sa sinabi niya. Para kaming baliw. Magbibreak pero hindi naman kayang tiisin ang isa't-isa saka isa pa hindi naman ako pumayag na makipaghiwalay sakanya. Baliw na talaga siya.

"Huwag mo na ulit akong iiwanan! Hindi ko kayang tinatalikuran mo ako Aldrin. Hindi ko kayang makita kang naglalakad palayo saakin." Nilapitan ko siya habang pinupunasan niya ang mga luha niya gamit ang dalawang palad niya. Hanggang sa pagpupunas talaga ng luha ay magaslaw pa rin siyang gumalaw.

"Aish tahan na. Hindi ka maganda kapag umiiyak." Sabi ko kaya naman noong hahampasin na niya ako sa dibdib ko ay hinila ko nalang ang kamay niya at niyakap siya. "Arte mo pa kasi. Makikipaghiwalay ka pa. Hindi mo naman pala kayang mawala ako."

"Tse! Nakakainis ka." Inis na inis niyang sabi saakin sa pagitan ng mga paghikbi niya. Buti nalang gabi na at walang gaanong dumadaan. Kung hindi iisipin pa nila na nagpapaiyak ako ng babae.

"Huwag ka nang umiyak ulit. Mas maganda ka kapag nakangiti."

Picture of You (season 1 and 2) (FIN)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon