What If I Never Left by Lovely Joy Kedavra

42 1 1
                                    

"Grr. Ang ginaw!" I exclaimed bago pinagkiskis ang mga palad ko.

Inip na inip na ako habang naghihintay rito sa labas ng bahay ni Laimer, best friend ko.

He invited me to be his date to his friend's party. Malapit na raw kasi ikasal 'yong kaibigan niya kaya nagpa-party.

N'ong una nagtaka ako kasi baka bachelor's party 'yon tapos isasama niya ako pero sabi niya nandoon din naman ang mga kaibigan ng magiging asawa nito kaya okay lang.

"Hey, sorry for making you wait." Nakangising anito habang sinasara ang gate ng bahay nila.

"Oh my gosh, I can't believe you made me stand here outside, under the falling snowflakes and cold night!" naiinis na reklamo ko sabay irap sa kaniya.

Winter season na ngayon dito sa America kaya talagang expected na ang pagbagsak ng snow.

"Silly girl, it was just five minutes or less!" Tumatawang anito bago ginulo ang buhok ko at inakbayan ako kalaunan.

Grr. Palibhasa matangkad 'tong Amerikanong hilaw na 'to!

"Come on, I'll drive," masungit na wika ko sabay pasok sa driver's seat. "You should have brought your car. For all I know, you just invited me so you could have a driver." Tapos ay inistart ko na ang kotse.

Alam naman kasi ni Laimer na hindi ako mahilig mag-party tapos isasama niya ako. Ang sabihin niya ay tinatamad lang siyang mag-drive!

"What? You're so mean to me! You should thank me for asking you out! You're stressing yourself in work. Trust me, you need this break!" Then he snatched my hand and kissed the back of it.

"Geez, Laimer, your gestures are creepy." Nakangiwing wika ko.

Laimer groaned then turned the radio on instead. The song 'Never Had A Dream Come True' was playing and Laimer seems to enjoy the song so much so I asked him why.

"Are you kidding me? It's our theme song!" he said while pouting.

"What theme song are you talking about?" Kunot noong tanong ko.

"You're hurting my feelings, Aki. It was the song during our acquaintance party way back when we were college!" Tapos ay lalong humaba ang mga nguso nito at nag-cross arms.

Nahulog ang panga ko sa winika niya. That was, I think, seven years ago? Tanda niya pa pala!

"I forgot, sorry!" Tumatawang wika ko nang makabawi sa pagkagulat.

"Tch. Maybe the only song you remember is the song when you're dancing with Kevin," anito na nagtatampo ang tono.

Hindi ako nakasagot dahil totoo naman. Tanda ko pa ang kanta na 'yon maging ang itsura ni Kevin nang gabing 'yon.

Buong biyahe ay natahimik ako dahil sa mga alaalang nag-flashback sa isipan ko.

"Should I remove my coat?" tanong ko kay Laimer nang makarating kami sa bahay ng kaibigan niya.

"Nah. It's still cold inside," sagot niya bago hinapit ang bewang ko para pumasok sa loob.

Dumeretso kami sa pool area dahil nandoon ang totoong party at maging ang kaibigan ni Laimer.

"Bro!" tawag niya sa grupo ng mga kalalakihan na nakaupo palibot sa bilog na mesa at masayang nagtatawanan habang umiinom.

Lumapit kami sa kanila at isa-isa nilang binati si Laimer na medyo matagal na rin pala mula noong huli nilang nakausap.

"By the way, this is Aki, my girlfriend," aniya tapos ay inakbayan ako at hinalikan sa noo.

Masyado akong nagulat sa sinabi niya kaya hindi ko na rin iyon nabawi at nakipagkilala na lang sa mga kaibigan niya.

Mixtape of Lullabies Where stories live. Discover now