Stay by Zenpaii Axl

47 0 0
                                    



"Hey, Mika. Let's go." Aya ni Mikael sa girlfriend niya na si Mikaela.

"Wait." Sabi nito tsaka binilisan ang pag-aayos ng gamit. Nang matapos siya inabot niya ang kamay ni Mikael.

"Let's go." Magkahawak kamay silang nagtungo sa cafeteria.

"Kael, may tanong ako." Tanong ni Mika habang kumakain na sila.

"What is it?" Nakangiting tanong ni Mikael. Kahit 3 years na sila, di pa rin nawawala ang sparks. Kinikilig pa rin siya sa bawat kibot lang ni Mikael.

"Pano pag.....nawala ako? Anong gagawin mo?" Tanong ni Mikaela na ikina-kunot ng noo ni Mikael.

"What are you saying? Hindi ka mawawala, okay? Nandito naman ako at," ngumisi ito, "papakasalan pa kita." Gusto niyang maluha sa sagot nito. Mahal nga talaga niya ako. Pano nga kung iiwan ko na siya?

"Eh kapag nakipag-break ako sa'yo?"

"Sinong nagsabing makikipag-break ka sakin? No. I'm not gonna let you go. Teka, kaya mo nga bang iwan ako?" Mapagbiro ang emosyon sa mukha ni Kael. Umiling kaagad siya.

"Ayokong iwan ka. Mahal ata kita." Nakangiting wika niya. Ngumiti si Mikael bago dumungaw at inabot ang kanyang labi. Saglit lamang ang halik na 'yon ngunit nagdulot kaagad ng mga paru-paro sa tiyan niya at pagbilis ng tibok ng puso.

"I love you too." Mahinang napa-buntong hininga siya. Hindi ko iiwan si Mikael. Papakasalan ko pa yan eh.

Nang makauwi si Mikaela tumungo muna siya sa kusina kung nasaan ang Mommy niya.

"Hi, Mom." Humalik siya sa pisngi nito.

"How's school? Hinatid ka ba ni Mikael?" Nakangiting tanong ng Mommy niya. Yes, legal sila both side.

"Yes po." Umupo siya sa stool at pinanood ang Mommy niyang magluto.

"Kumusta naman ang pakiramdam mo?" Her mom worriedly asked.

"I'm okay, Mom. You don't have to worry." Nakangiting tugon niya para hindi na magtanong ito. I'm still trying my best to be okay.

"Anak, nasabi mo na ba kay Mikael ang tungkol sa kundisyon—"

"Mommy...... Ayoko po." Malungkot na pigil ni Mikaela sa ina.

"Anak, ayoko lang na masaktan kayo pareho. Pero kung 'yan ang gusto mo, sige." Hinawakan ng Mommy niya ang kamay niya. Ayokong malaman ni Mikael. Oo nga't makakasama sa isang relasyon ang may inililihim sa isa't isa, pero mas makakabuti yun e.

"Thank you, Mom. Sige po, pahinga na po ako." Tumango naman ang mommy niya bilang pagtugon. Pumanhik na siya sa kwarto niya tsaka nagbihis at humiga sa kama. Nakita naman niyang umiilaw ang cellphone niya, tumatawag pala si Mikael.

"Hi, Kael. Nakauwi ka na?" Bakas sa boses ni Mika ang pagiging masaya. Palagi naman siyang masaya, basta't nasa piling siya ni Mikael.

[Yes, babe. May ginagawa ka ba ngayon?]

"Wala naman. Why?"

[Nothing. Akala ko na-istorbo kita eh.] Mikael chuckled.

"Ikaw pa ba? Kahit ano pa 'yang ginagawa ko tapos tumawag ka, ikaw uunahin ko." Nakangiting wika niya na para bang nakikita ito ng kasintahan.

[Wow. Ang girlfriend ko bumabanat.]

"Ewan ko sa'yo." Natatawang aniya. Pero napatigil siya nang may maramdaman siyang mainit na likidong galing sa kanyang ilong. Agad siyang bumangon at pinahid yon.

Blood.

[Hello, babe? You still there?]

"Sorry...." Sabi niya habang pinipigilan ang paghikbi. Bakit ba kasi sa'kin pa nangyari 'to? Sa dami ng tao sa mundo, bakit siya pa?

[Why, babe? May problema ka ba? Feel free to tell me...]

"Nothing. I just want to..... rest."

[Oh, okay. Sige, pahinga ka na. I love you, Mika ko.]

"I-I love you too, K-Kael ko." Binaba na niya kaagad ang tawag atsaka ibinaon ang mukha sa mga unan niya at doon umiyak nang umiyak.



"Hey babe, you okay?" Tanong ni Mikael habang nakatambay sila sa may bench.

"Oh, yeah. I'm okay." Medyo sumasama na kasi ang pakiramdam niya.

"Tell me what's your—Oh shit." Nagulat si Mikaela sa pagpahid ni Mikael ng kung ano sa ilong niya. Nanlaki ang mata niya nang mapagtantong dugo na naman 'yon.

"What—"

"That's nothing, Mikael," she tried to smile, "mainit lang ang panahon." Sinubukan niyang ngumiti ulit at pinunasan ang dugo na galing sa ilong niya. Not now, please. H'wag sa harap ni Mikael.

"Are you sure?" Nag-aalala pa ring tanong nito.

"Yes. I'm one hundred percent sure." Nag thumbs up pa siya para mapaniwala ito. Tumango naman ito na alam niyang naniwala na.

"Okay, para masigurado kong okay ka na talaga, date tayo?" I would love to, Mikael. Kakayanin ko. Say no, Mikaela!

"S-Sige." Abot langit ang ngiti ni Mikael habang hawak-hawak ang kamay niya patungo sa kanilang pupuntahan para sa date nila.

Sa Amusement Park.

Favorite kasi ni Mikaela doon, kahit pa sabihing isip bata daw siya. Dahil doon sila nagkakilala ni Mikael. Kaya favorite spot na niya yon. Lahat ng rides sinakyan nila, kumain ng favorites nila, nag-asaran, nanood ng fireworks nang mag-gabi na. That was supposed to be a happy day or perfect day, rather. But for Mika, it's a big no. Pagkauwi na pagkauwi niya sa bahay nila, nawalan siya ng malay habang kausap ang Mommy at Daddy niya. At sabi ng doctor, her leukemia is getting worse. She's not taking chemotherapy dahil ayaw niya. Pero ngayon, mukhang mapipilitan siya.

3 years ago, nang malaman ni Mikaela na mayroon siyang leukemia. Bago niya sagutin si Mikael, noon. Nag-alinlangan pa siya kung sasagutin nga niya ito, dahil baka iwan lang din naman niya ng maaga. Hindi niya sigurado kung kaya niyang ibigay ang salitang pang-matagalan dahil hindi siya iyon. But Mikael is her strength. God gave her another 3 years to live. With Mikael.

Pero mukhang matatapos na ang panugit na binigay sa kaniya. Her life is about to end. But still she wants to live. Sino ba naman tao ang ayaw na mabuhay? 'Di ba? Gusto pa niyang makasama ang pinakamamahal niya. Araw-araw siyang nananalangin na sana, sana magkaroon ng himala at mawala ang sakit niya. O kahit bigyan pa siya ng marami pang taon para mabuhay.

"Mas mapapadali ang paggamot sa sakit niya kung dadalhin niyo siya sa States." Pakinig ni Mika na sabi ng doktor. Nagtutulog-tulugan siya upang marinig ang mga pagu-usapan ng mga ito.

"Okay, Doc. We'll bring her to States." Rinig niyang sabi ng Daddy niya. No! I don't wanna go there! Mas mabuti na mamatay siya rito 'wag lang pumunta don. Kaya rin ayaw niyang magpa-chemo dahil sa malalayo siya kay Mikael. Ayaw niyang mangyari ang bagay na 'yon.

"Daddy...." Halos pabulong nang wika ni Mikaela pagkamulat niya ng kaniyang mata kasabay nito ang pagtulo ng luha niya. Nandito na naman siya sa puting kwarto na ito. Yung amoy gamot na kwartong 'to. Ayaw niya dito. She wants to be with Mikael, always. Pakiramdam niya, normal siya, walang sakit kapag kasama niya si Mikael.

"Yes, baby?" Umupo sa tabi niya ang Daddy niya at pinunasan ang luha sa mukha niya. Pilit ang ngiti nito. Palagi naman simula nang malaman nilang lahat ang tungkol sa sakit niya.

"Dad, I don't wanna go there. Dito lang ako." Pagmamatigas ni Mikaela.

"Baby, hindi pwede. Mas makakabuti kung sa States ka." Hinaplos ng Daddy niya ang kaniyang buhok. Parang yung ginagawa nito dati noong bata pa siya na palaging dinadala sa hospital kapag inaatake siya ng anemia niya. O di kaya naman kapag tinatabihan siya ng mga magulang niya sa pagtulog.

"Pero mamamatay din naman ako, please dad, I want to stay." Umiiyak na naman siya.

"Mikaela! Don't even say that you're going to die! Dahil hindi mangyayari 'yun! Hindi namin hahayaan..." Naiiyak na saway ng Mommy niya. Napa-buntong hininga na lamang siya.

"But it's true. Let's just face it. Please let me stay here with Mikael. I want to be with him in the rest of my life. Di ko—"

"Don't be selfish, anak. Kung ikaw gusto nang mamatay, paano naman kaming mga iiwan mo? Paano kapag nalaman ito ng lalaking mahal mo? Gusto mo bang malaman pa niya ang kalagayan mo na ayaw na ayaw mong mangyari?" Agad siyang umiling sa huling sinabi ng tatay niya.

"You're going to States. And that's final."



Isang linggo na noong huling nagkita si Mikael at si Mikaela. Ilang beses na rin pumunta si Mikael sa bahay nito, pero bigo siya. Walang tao doon, kundi ang mga katulong. Nagtanong siya sa mga ito at sinabing umalis na ang dalaga pero ayaw ipasabi kung nasaan si Mikaela. Iniwan na talaga niya ako?

Araw gabi, lasing. Hindi na pumapasok. 'Yan na ang routine ni Mikael ngayon. Para siyang sirang robot na paulit-ulit na lamang ang ginagawa.

"P*tang ina naman, Mikaela! Bakit ba tinataguan mo ako? May problema ba tayo? Bakit mo ako iniwan?! Akala ko ba, hindi mo ako iiwan? Na mahal mo ako? Fuck your lies!" Binato niya ang picture ni Mikaela na nakaframe dahilan para mabasag ito. Ilang buwan ang lumipas, wala pa ring Mikaela na nagpakita.

Sinabi niya sa sarili na hindi na siya magpapaapekto rito. Kaya ngayon pumapasok na siya, pero sa gabi nasa club, iba-iba ang babae. Pinangako niyang kakalimutan na niya si Mikaela, na tapos na sila. Kahit nakakaramdam siya ng konsensya dahil baka naman may dahilan si Mikaela, pero isinawalang bahala niya yon.

Si Mikael na pilit kinakalimutan si Mikaela, si Mikaela na pilit lumalaban para kay Mikael. Kahit araw-araw na ito sumusuka ng dugo dahil sa mga therapy niya. Iniisip nalang niya palagi si Mikael para lalong lumakas ang loob niya. Pero kailanman, hindi siya nawalan ng balita tungkol sa kasintahan. Sa loob ng walong buwang pakikipagsapalaran, parang ayaw na niya. Nalaman niyang iba-iba ang babae nito, palaging lasing. Kinalimutan mo na talaga ako, Mikael?

"Maganda raw ang resulta ng chemotherapy mo, baby. Pwede na tayong umuwi sa Pilipinas." Nakangiting tugon ng Daddy niya. Ngumiti lang siya dito. Hindi kasi alam ng parents niya na may koneksyon pa siya sa Pilipinas.

"Parang 'di ka mukhang masaya, anak? Aren't you happy? Makikita mo na ulit si Mikael." Nakangiting sabi ng Mommy niya. Umiling siya rito. Ako lang ang magiging masaya. Hindi siya.

"Wala na akong babalikan, Mommy." Malungkot niyang sabi kasabay ng pagtulo ng luha niya.

"What are you saying ana---"

"Ma, ako yung nakasakit sa kaniya. Ako yung nang-iwan ng walang paalam. Not him. I deserve this." Tulo na ng tulo ang luha niya.

"Baby...."

"No Dad. It's okay. I'm o-okay. Babalik tayo sa Pilipinas. Ano naman kung nawala siya hindi ba? At least nandyan kayo ni Mommy. I love you both." Niyakap siya ng Mommy at Daddy niya. Kahit ang totoo ay tila nawawala ang kalahati ng puso niya sa nangyayari.


"Uy gago pare, nakabalik na raw ng Pilipinas si Mikaela ah?" Balita ni Jack kay Mikael. Nginisian lamang niya ito bago nagsalita.

"E'di bumalik siya. Ano namang pakialam ko? Mang-iiwan pagkatapos ay babalik, tss." May halong pait sa boses niya. Pero parang may masakit sa puso niya na itinatago niya lang. Pero bakit parang gusto niya ito puntahan at tanungin kung bakit siya nito iniwan, tapos okay na. Balik na ulit sa dati. Hindi naman kayang gamutin ng walong buwan ang tatlong taon eh. Sobrang hirap lalo na kung lunod na lunod ka na sa kaniya.

"Wow pare. Parang nung nakaraan ay nagmumukmok ka pa?" Binato lang niya ng papel si Jack. Dati 'yon, hindi ngayon.



"Mommy, gagala lang po ako sa subdivision." Paalam niya rito. Kasama niya ang aso niyang si Mikmik. Pinagsamang pangalan nila ni Mikael.

"Sure, honey. But be careful, huh? Balik kaagad kayo." Nakangiting tugon ng Mommy niya.

"Yes po." Habang naglalakad-lakad sila ng aso niya, si Mikael lang ang pumapasok sa isip niya. Naupo si Mikaela sa bench dahil napagod kaagad siya kahit di pa kalayuan ang bahay nila. Mabilis na siyang mapagod. At dahil mabait ang aso niya, nakaupo lang ito sa may paanan niya at nakalabas ang dila. Awtomatikong napangiti siya.

"Hay nako, Mikmik. Iniwan na tayo ni Daddy mo ano?" Natawa naman siya nang kumahol ito na para bang naiintindihan siya nito. Regalo ni Mikael si Mikmik nung second anniversary nila. Magt-two years na ang aso na 'to sa kaniya.

"Pero, Mik. Si Mommy mo naman talaga ang may kasalanan. Ako talaga yung nang-iwan kay Daddy mo. Bakit kasi ako pa yung nagkasakit e. At saka tama na sigurong pinagpalit niya ako. Tingnan mo naman ako? Ang pangit ko na. Hindi na kami bagay." Kumahol naman ang aso nya kaya hinaplos nya ang balahibo nito.

"Pero ayos na rin siguro 'yon. At least malaya na siya sa'kin. Puwede na siyang maghanap ng babaeng hindi siya talaga iiwan. Yung pang-matagalan." Nag-angat naman siya ng tingin nang makarinig siya ng tahol pero hindi galing sa aso niya.

Kung hindi kay Kaka. Asong regalo niya naman kay Mikael. After eight months, hi to you Mikael. Lalo siyang gumwapo ngayon. Titig na titig rin ito sa kaniya pero ni isang emosyon, wala kang makikita. Hindi siya ang Mikael ko. Hindi na. Nagbaba ulit siya ng tingin sa aso niya.

"Nakabalik ka na pala?" Mikael mockingly said. Nasasaktan siya na dapat hindi dahil sariling kagagawan din niya ito. Hindi nalang siya sumagot. Kung sila pa nito, babarahin niya lang ito at sasabihing, obvious ba? Pero iba na kasi ngayon. Awkward na.

"Kamusta naman ang States? Masaya ba? Masaya bang may iniwan ka dito?" Naiiyak na siya. Pero pinigilan niya. Mahina na nga siya, pero ayaw na niyang maging mahina pa ulit. Nakakasawa.

"Hindi..." Mahinang sagot ni Mikaela.

"Pero salamat sa pag-iwan sakin. Thank you for setting me free. Kaya ko ng gawin kung anong gusto ko talaga, and thanks to you. Pero ewan ko ba kung bakit ko kinakausap ang tulad mo." Narinig niya ang yapag ng paa papalayo. Tulo nang tulo ang luha niya. I am not setting you free, but if that's what you want, I will.

Nang mag-open si Mika ng account sa facebook. Nakablock na siya kay Mikael. Iyak tawa siya habang binabasa ang convo nila sa Messenger. 'Yan ang naging aliwan niya sa loob ng eight months. Pinapagaan ang loob niya e. At dahil desperada siyang makausap si Mikael, gumawa siya ng dummy account at in-add si Mikael. Agad naman siyang ni-confirm nito kaya madali na niyang macchat.

'Pssssst.'

Unang chat nya. Sineen ito at saka nagreply ng

'?'


'Sungit'


'Wtf?'


'Jokiess! Hehehe sungit mo naman po.'


'Stop calling me Kael.'


'Bakit? May iba bang tumatawag sayo ng Kael?'

'Uyyy sungit mo.'

'Mahal kita:)'
seen


'Don't say I love you for someone you just met.'


'Mahal kita sabi ni Mikaela'

'Mahal kita kahit i-seen mo lang ako. Mahal pa rin kita at hindi nagbago yun sabi ni Mikaela'

'Pasensya na kung sa chat ko nalang sinasabi ha? Wala na akong lakas ng loob eh. Hehe. Alam mo ba sa loob ng walong buwan na nawala ako, di ka nawala sa isip ko? Hihi. Gwapo mo kasi eh. Tapos sinasabi ng puso ko, dugdug Mikael dugdug dugdug Mikael. Puro ganyan HAHAHA'


'Tang ina. Tigilan mo na ako, Mikaela. Awat na'


Tumulo na naman ang luha niya.

'Last na 'to Mikael. Last na. Kael ko. Malapit na naman ako mawala e. Malapit na. Pero okay lang naiintindihan ko, Kael ko. Di na pala kita pwedeng tawagin na akin, ano? Hehehe. Sorry. Sorry talaga sa lahat. Atsaka sapat na yung nakita kita. Wag mo na ako i-block dito huh? Medyo masakit eh. Hihi. Kaya magdedeactivate nalang ako. Uunahan na kita! Hahaha!'

seen

'Sana maging masaya ka, Kael. Tanging hiling ko 'yon bago ako umalis ulit.'


Tulad nga ng sabi nya, nagdeactivate na nga siya sa lahat ng accounts niya kasabay ng pagpasok ng nurse sa kwarto niya dito sa hospital. Sinugod na naman siya dito. Okay lang, walong buwan na akong nakatira dito. Sanay na ako.

"It's time for your therapy na po." Nakangiting sabi ng nurse. Ngumiti naman siya dito. Panay ang sigaw at inda niya, nalalagas na rin ang buhok niya dahil kasama raw ito sa side effects ng therapy. Panay pagsuka ng dugo, nose bleed. Wala na syang mapagkuhanan ng lakas ng loob kasi wala ng Mikael.



Panay ang isip ni Mikael kung bakit sinasabi palagi ni Mika sa kanya na mawawala na ito. What does she mean? Literal na mawawala? Gaya ng ginawa niya sakin? Mawawala na parang bula. Bumaling naman siya sa pinto ng bahay nila dahil may kumakatok. Agad syang lumapit dito at binuksan. Nagulat naman sya sa nakikita nya. Si Tita Mira. Ang nanay ni Mikaela.

"B-bakit po?" Tanong niya rito. Dahil namumugto ang mga mata nito. Hinawakan ni Mira ang kamay ni Mikael.

"Mikael....." Hinawakan din nya ang mga kamay nito.

"Tita? What happened?" Nag-aalalang tanong nya.

"My.... daughter needs you...." Nagulantang naman ang puso nya. Bakit niya ako kailangan? Wala na kami diba?

"A-ano po bang nangy—"

"She has leukemia, Mikael. And she badly needs you. Alam kong wala na kayo ng anak ko pero, mahal na mahal ka niya, Mikael. Hindi siya tumigil sa pagmamahal sa'yo. Napakaswerte mo kasi mas gusto niyang mamatay ng nasa tabi mo kaysa magpagaling. Kaya siya nawala ng eight months because she wants to survive. For you. Gusto pa niyang madagdagan ang buhay niya para sa'yo. She never stop loving you. Naiintindihan ko kung di mo na mahal ang anak ko. Pero kahit ngayon lang mapagbigyan mo ako. Ako na ang magmamakaawa sa'yo. Please, Mikael. Gusto ko lang na makita ka niya bilang regalo ko na sa kanya bago pa niya tayo iwan." Hindi na niya namalayan na lumuluha na rin pala ang sya. S-so all this time, ako ang nang gagago sa kaniya?

"Wait for me, Tita. Magbibihis po muna ako. Sasama ako." Agad agad siyang nagpalit atsaka bumaba para sumama sa ina ng babaeng mahal niya. Oo mahal niya, hindi nagbago yun.

Parang dinudurog ang puso nya sa nakikita. Ang Mika ko. Sobrang payat na niya, mas payat pa nung huli niyang nakita ito. At nakakalbo na rin ito. Maputla. Anlayo kumpara noon. Nang makita siya ng daddy ni Mika lumabas muna ito para maiwan sila ni Mika na mahimbing na natutulog sa hospital bed. Umupo sya sa upuan sa tabi ng kama nito.

"Mika...." Sambit niya kasabay ng pagtulo ng luha nya. Hinawakan niya ang kamay nitong malamig.

"Mika naman. Bakit hindi mo sinabi? Huh? Natatakot ka na baka iwan kita? Hindi. Nagkakamali ka. Hindi kita iiwan." Di na siya nag-abalang pahiran ang luha niya dahil tutulo rin naman yon muli. Unti-uting dumilat si Mika mula sa pagkakatulog dahil sa pagod niya sa therapy.

"M-Mi-Mikael." Nahihirapang banggit nito.

"Mika, don't talk. Mahihirapan ka." Pero matigas ang ulo nito, nagsalita pa rin.

"Mika—"

"I'm f-fine." Nginitian sya nito. Pero hindi na kagaya ng ngiting masaya talaga sya. Yung abot tenga?

"Ayan ka na naman sa I'm fine mo. Hindi ka okay!" Tumaas ang kamay nito at inabot ang pisngi nya. Pinahid ang luha niya.

"To-totoo naman k-kasi eh. T-teka, bakit ka na-nandito?" Pinilit nitong ngumiti.

"Ayaw mo ba? Pinapunta ako ng Mommy mo. Mikaela naman! Why you didn't bother to tell me about your situation?!" Naiinis na kasi siya sa sarili niya. Bakit ba ang tanga niya? Di ba nya napapansin na madalas itong nilalabasan ng dugo sa ilong?

"A-ayokong mahirapan ka, Mikael. Ayokong ma-stuck ka sakin. Gusto ko, malaya ka. Malaya ka sa kahit anong gawin mo. Gusto ko masaya ka kahit wala ako. Nangyari naman diba? Sa loob ng eight months na wala ako, naging masaya ka sa piling ng ibang babae. Napapaligaya ka nila, na di ko kayang gawin. Yun ang gusto ko. Kahit mahirap sakin, wala na akong pakialam basta masaya ka." Tumulo ang luha sa pisngi nitong maputla.

"Mika..... What's the meaning of happiness kung wala ka? Mika naman...."

"Sa loob ng eight months na 'yon, inintay kitang tumawag. O kaya magtext kung kamusta na ba ako? Nahihiya kasi akong magtext sa'yo. Baka sabihin mo, ako nang-iwan tapos babalik-balikan kita? Tulad nung sinabi mo, 3 months ago, nung nakita kitang kasama si Kaka. Diba? Ang saya ko noong araw na 'yon, kahit masasakit na salita ang binato mo sa'kin, masaya pa rin ako. Tanggap ko. Kasi finally after eight months, nakita ulit kita. Tapos chinat kita, gamit yung dummy account ko, kahapon lang. Diba? At totoo lahat ng sinabi ko sayo do'n." Nakangiting tugon ni Mika.

"Sorry Mika.... sorry..... Wala ako kung kelan kailangang kailangan mo ako. I'm so sorry.... Di ko alam kung pano ko mapapatawad ang sarili ko..... Habang ako busy sa pag-iinom, ikaw pilit na nilalabanan ang sakit mo. Mikaela.... Sorry..... Patawarin mo ako..... Hindi mo deserve lahat yan... Dapat ako yung nandyan eh.... Dapat ako nalang...." Pinipigilan niyang humagulgol

"Hush. O-Okay na ako Mikael. Absolutely fine. Lalo namang di mo deserve 'to. This is my fate. Ang pangit ano? Ang aga naman akong tinawag ni Lord." She laugh.

"No. Ikakasal pa tayo, Mika. Kaya please, fight again. Fight for me, for your parents, and for yourself. At hindi ka lalaban mag-isa. Kasama mo na ako. Hindi kita iiwan. Mika ko." Desperado na ang boses ni Mikael. Handa siyang gawin ang lahat mabuhay lang ng matagal si Mikaela. Kahit hindi na para sa kaniya kung hindi para sa sarili nito.

"Mikael..... Wala ng pag-asa. I'm in stage four. Inuubos nalang ng cancer ang cells ko. Iniintay ko nalang. Kahit gusto ko pang maranasan ang maging asawa mo, hindi na pwede. Hindi na pwede, Mikael." Tumulo na ang luha nito.

"Mikaela...."

"I l-love you, Kael ko."

"I-I love you, too. Mika ko."

Nang araw din na iyon ay pinayagan silang lumabas ng doctor sa kuwarto ni Mika. Tulak-tulak ang wheelchair kung saan nakaupo ang kasintahan, ay nagpunta sila sa garden ng hospital. May iilan ding pasyente rito na kasama ang iba nilang mahal sa buhay. Tila sila bumalik sa dati. Yung wala munang iniisip na sakit si Mika. Talking about nonsense things, basta may mapag-usapan lang. Masaya na sila doon.

"Mika," tawag-pansin ni Mikael sa nakangiting si Mika. Maganda pa rin ito sa kabila ng lahat. Hindi kumukupas. Hinawakan niya ang kamay nito bago huminga ng malalim.

"Hmm?" Nakangiti pa rin ito. His eyes watered.

"C-Can you stay?" Halos mabasag ang boses ni Mikael nang banggitin niya ang lintanya na iyon. Napawi ang ngiti ni Mikaela at napalitan ng pagluha.

"S-Sorry, Mikael. I-I c-can't."

Lumipas pa ang araw at natunghayan talaga ni Mikael kung gaano hirap na hirap si Mikaela sa mga therapy nito. Nahihirapan siyang huminga pag nakikita niya ang itsura ni Mika kapag iniinda ang side effects ng therapy nito. Araw-gabi nandun siya, nakabantay kay Mika. Walang ibang ginawa kundi alagaan ang babaeng mahal niya. Ilang beses na nitong sinabi na gusto nalang nyang bumigay na pero para kay Mikael, lalaban siya. Yan si Mikaela, matapang.

"M-Mikael."

"Yes, babe?" Hinawakan ni Mika ang kamay niya. Siya naman ay hinaplos ang buhok nito.

"I-I lo-love y-you." Pinilit ni Mikaela na ngumiti.

"Kahit alam mo na ang sagot ko dyan, babe. Hindi pa rin ako magsasawang sabihin sayong, Mahal din kita." Nginitian sya ni Mikael.

"S-sa-salamat h-ha? W-wag m-mo-mong ka-kalimutan a-ang n-ngumiti p-palagi k-kahit w-wala na a-ako." Tumulo na naman ang luha ni Mikael. Bakit ba parang nagpapaalam ito?

"T-tsaka, p-pwe-pwede m-mo bang a-alagaan s-sina M-Mommy p-para sakin? T-tapos s-si Mik-Mik? T-tapos k-kailangan maging m-magaling n-na a-architect b-balang a-araw—"

"Mika.....you don't have to say that. Tayong dalawa ang mag-aalaga sa kanila. Wag mo akong please?" Pagsusumamo ni Mikael. Naluluha na rin siya ngunit pinipigilan niya. Hindi ito ang tamang oras para bumigay siya. Para maging mahina siya. Parang na ngumiti si Mikaela.

"P-pagod n-na a-ako, M-Mi-Mikael... P-pagod n-na p-pagod," huminga ito ng malalim. "M-mikael, i-inaan....tok—n-na a-ako. P-pwede n-na b-ba a-akong ma-magpahinga?" Hindi na napigilan ni Mikael ang umiyak nang umiyak.

"M-Mika.... W-Wag mo akong i-iwan... Please, stay. Nagmamakaawa ako..." Pinilit pa ring ngumiyi ni Mikaela kahit na pumupungay na ang mga mata niya.

"H-Hush, M-Mikael, w-wag m-mong pipigilan ang s-sarili m-mo n-na su-sumaya h-ha? B-babantayan ki-kita p-palagi. P-pag n-nagloko ka? M-mumultuhin kita." Nakuha pa nitong magbiro kahit hirap na syang huminga. Naninikip na ang dibidb niya na tila pinagpapahinga na talaga siya.

"M-Mika! Please! Ayoko.... Ayoko..... Ayokong iwan mo ako..... Ikaw nalang ang natitira sa'kin kaya please, Mikaela." Ngumiti si Mikaela sa kanya bago unti-unting pinikit ang mata.

"Mikaela....." Lumuwag na rin ang paghawak ni Mika sa kamay nya na kanina lang ay sobrang higpit.

"I thought you're going to stay with me? What happened?" Halos pabulong na sabi ni Mikael. Nagdatingan naman ang parents ni Mikaela. Humagulgol naman ang Mommy ni Mika. Siya naman tahimik lang sa tabi ni Mika hawak ang kamay nito. Bakit mo ako iniwan, Mika?


Years passed by, mahirap palang mabuhay ng wala si Mika. Si Mika na masayahin, makulit, malambing, maingay, mahal na mahal si Mikael. Sa una nahirapan si Mikael mag-adjust pero tulad nga ng sabi ni Mika, kailangan maging magaling na architect siya. At natupad na rin nya ang wish na yon ni Mika. Nagawa na rin nyang maging masaya pero hindi sa piling ng ibang babae. Kundi sa buhay niya at para kay Mika. Araw-araw simula nang mamatay si Mika, hindi pumalya si Mikael sa pagdalaw kay Mika sa puntod nito. Kinukwentuhan tungkol sa nangyari sa araw niya, pero natigil lang nang makakuha siya ng project abroad. Pero naglagay siya ng tao para araw-araw linisin ang puntod ni Mika. At ngayon kakabalik lang niya galing Paris.

"Hi, Mika ko! Sorry ngayon lang ulit ako nakadalaw sayo. Na-miss kita, Mika ko. Isang taon yun ah? Wala ni isang araw na hindi kita naisip. Kumusta naman? Alam kong masaya ka. Wag ka mag-alala, masaya din ako. Pero mukhang ayoko na magmahal ulit. Because my heart only belongs to you. Forever. Nga pala, gusto mo bang kantahan kita? Para sayo 'to, Mika ko." Kinuha niya ang gitara at nagsimulang mag-plucking para sa intro.

"I want you to stay

Never go away from me

Stay forever

But now, now that you're gone

All I can do is pray for you

To be here beside me again

Why did you have to leave me?

When you said that love will conquer all?

Why did you have to leave me

When you said that dreaming was as good as reality?~"

Pinahid ni Mikael ang luhang tumakas mula sa mata nya.

"And now I must move on

Try to forget all the memories of you and me

But I can't let go of your love that has thought me

To hold on~"

"I want you to stay never go away from me

Stay forever

But now, now that you're gone

All I can do is pray for you

To be here beside me again

Why did you have to leave me

When you said that love will conquer all?

Why did you have to leave me

When you said that dreaming was as good as reality?~"

Bumalik ka na, Mika ko.

"I want you to stay never go away from me

Stay forever

I want you to stay never go away from me

Stay forever~"

Ganoon naman talaga, kung kailan masaya ka na tsaka naman mawawala ang kaligayahan mo. Kung kelan mo siya gustong makasama ng matagal, tsaka mawawala. Ang kailangan mo nalang gawin, tanggapin yon at hintayin ang susunod na kabanata ng buhay mo.

Habang nakasakay sa kotse, nanlalabo pa rin ang mga mata ni Mikael dahil sa patuloy na pagragasa ng luha niya. Mikaela, miss na miss na kita....

Ang huling narinig nalang niya ay ang malakas na busina ng isang truck. Bumagal ang paggalaw ng paligid. Ang alam niya, bago niya ipikit ang mga mata nakita niya ang imahe ni Mikaela na nakangiti sa kaniya. Hintayin mo ako, mahal ko. Malapit na ako at magkakasama na tayo.

Mixtape of Lullabies Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon