Chapter 42📌

3.9K 139 18
                                    

ARABELLA'S POV

6 years, anim na taon simula ng umalis ako sa Pilipinas. Kumusta na kaya sila? Lalong lalo na si Vienne? Kumusta na kaya sya, siguro masaya na sya sa piling ng kanyang tunay na iniibig, kay Aranella. May mga anak na siguro silang dalawa. Pinahid ko ang kuha kong tumulo mula sa mga mata ko. Hindi ko talaga mapigilan ang hindi maiyak sa tuwing naiisip ko ang mga posibleng nangyari sa kanila sa Pilipinas. Kahit masakit, alam kong tama ang ginawa ko. Hindi pwedeng maging kabit ako at tawaging home wrecker kapag ipinaglaban ko ang nararamdaman ko sa kanya. Simula ng iniwan ko si Vienne ay hindi naging madali ang buhay ko. Naging mahirap para sa akin ang lumayo, hindi ko na nagawang kontakin pa sina Yaya Lolita at Ellie sa London, I just called Atty. Valdez, ang personal kong abogado at sinabi ko sa kanya na ibigay ang mga dokumentong nagsasaad na ibinibigay ko na ng buo ang property sa London, masaya ako dahil alam kong nasa mabuting sitwasyon na sina Yaya Lolita at Ellie.

"Ano na naman ba ang iniisip mo Bella? Mukhang ang layo ng tanaw mo ha hindi ko maabot" pagbibiro sa akin ni Kristel. Yes, Kristel Monte, ang estudyante ko sa Matthew University kung saan ako nagtuturo noon.

I met her dito sa New York at halatang hiyang na hiyang sya dito sa klima ng New York dahil lumitaw ang tinatago nyang ganda. She is now a very beautiful woman inside and out.

"Here, nagdala ako ng mga baked cookies at pineapple juice. Mag meryenda muna tayo" she added bago nagsalin ng inumin sa baso ko at sa baso nya.

"Thank you.." sambit ko sa kanya bago kinuha ang baso at tumungga.

"Are you still thinking about Vienne?" She asked me, alam na lahat ni Kristel ang tungkol sa buhay ko. Naikwento ko na sa kanya ang lahat lahat. Hindi pa nga sya makapaniwala noong una pero sa huli naniwala na din sya.

"Partly yes, hindi naman mawawala basta basta ang koneksyon ko sa kanya dahil sa regalong bigay nya sa akin" nakangiti kong turan.

"Mommy!!!!" sigaw ng tatlong babies ko. My angels sent from above.

Tumakbo sila patungo sa direksyon ko kasama nila si Robert. Yes, Kristel and Robert were together. Naayos na nila ang problema nilang dalawa. Sa U.S. sila nagkaayos at dito tumira sa New York. Nagkita kita kaming tatlo dito at naging matalik na kaibigan, mga bago kong pamilya aside from Yaya Lolita and Ellie. Kagaya ngayon, binibisita nila ako every weekends.

"Mommy, Tito Robert bought me a Funko Pop" pagbibida sa akin ng anak kong bunso na si Savannah Fuentabella. She is bubbly at mahilig magpinta kagaya ko. She really looked like me.

"Me too Mommy, Tito Robert gave me a new set of Avengers Squad" hindi din magpapatalo ang pangalawa kong anak na si Sachilles Fuentabella. He is a loving and caring child. Kamukha ko sya at ng daddy nya, kumbaga hati kami ng mukha when it comes to Sachilles.

"I also have a new launch set of transformer cars Mommy" ang pinakahuling nagsalita ay ang panganay kong anak na si Schneider Fuentabella. An overprotective kuya to his siblings.

Lumapit si Robert sa amin. Nagbeso beso kaming dalawa bago sya lumapit sa asawa nyang si Kristel at hinalikan ito sa labi.

"Grossss!!!!" Sabay sabay na sabi ng anak ko na ikinatawa namin.

Pinaupo ko na ang apat kasama si Robert doon, nagsalin ako ng inumin sa babies ko habang si Kristel naman ang nag-asikaso sa asawa nya. My babies love to bake at tinulungan naman sila ni Kristel.

"Highest bid na naman ang painting mo Lady Victorina" wika ni Robert habang kumakagat ng cookies.

Ngumisi naman ako bilang pagpapakita ng kasiyahan ko. I have lots of money at ang perang kinita ko sa ibang painting ko ay ibinibigay ko sa mga charities na tinutulungan ko. I have hundreds of charities na natulungan, inside and outside of New York including Philippines. Mas marami akong charities na natulungan sa Pilipinas, my homeland. Si Robert ang tumulong sa akin para makapaglabas ako ng painting, nakipag negosasyon sya kay Ellie. Si Ellie naman ay palagi syang kinukukit tungkol sa akin everytime na ibibigay ni Robert ang painting ko sa kanya.

Marrying My Sister's FianceeWhere stories live. Discover now