Chapter 48📌

3.6K 99 7
                                    

ARABELLA'S POV

"No! Vienne hindi pwede ang hinihingi mo sa akin. Hindi pwedeng makita ng mga anak ko ang asawa mo! Ano nalang ang iisipin nila sa akin?!" histerikal kong pagkakasabi na may dalang pagmamakaawa.

"Then prepare to lose my children, kukunin ko sila mula sa iyo" and with that ay umalis sya at nagtungo sa taas kong saan dinala ni Ellie ang mga bata.

Pinahid ko ang mga luha ko at agad siyang sinundan sa taas. Mula sa kinatatayuan ko ay narinig ko ang huli nilang mga sinabi ni Ellie.

"Naku! Mr. Elizalde! Pinatulog ko po ang mga bata kanina pa po kasi iyak ng iyak si Savi dahil pinagsasabihan ng mga kuya niya" medyo hindi komportableng pagkakasaad ni Ellie kay Vienne.

"It's okay, gusto ko lang naman silang makita kahit tulog sila" tumango naman si Ellie at nagpaalam na. Nakita kong pumasok sa loob ng kwarto si Vienne.

Naglakad na si Ellie nang makasalubong niya ako. She stop and smiled at me na halatang pilit, she even gave me a sympathetic look. I just nod tanda na okay lang ako.

"I'm okay Ellie .. " then I walk towards the door kong saan ko nakitang pumasok si Vienne kanina. Naiwang nakabukas ang pintuan kay kitang kita ko mula sa labas ang ginawa ni Vienne sa mga anak ko.

Inayos niya ang kumot ng mga anak ko, mga anak namin to be exact, then he kissed the forehead of the triplets at umupo sa isang silya palapit sa kama kong saan naroon ang mga bata. Tinitigan niya lang ang mga ito at ilang sandali ay nagpahid siya ng luha.

Pumasok ako sa loob at isinarado ang pintuan. Dahan dahan akong naglakad papalapit sa kanya.

"Vienne .. pwede ba tayong mag -usap?" pakiusap ko sa kanya. We really need to talk and clarify things between us.

Hindi siya sumagot pero tumayo siya at naunang lumabas sa pintuan. Humugot naman ako ng isang napakalalim na hininga bago sumunod sa kanya. Nakita ko siya papunta sa garden.

"Now talk .. " he begin habang nakatalikod parin sa akin.

"Please Vienne, nakikiusap ako sa iyo, huwag mo namang kunin sa akin ang mga anak ko. Sila ang lahat sa akin, mamamatay ako kapag nawala sila sa akin" madamdamin kong saad na may bikig sa aking lalamunan.

"Anong gusto mong gawin ko? Ang iwanan sila sa iyo? Bella?! Nakikita mo ba na kinamumuhian ako ng mga anak ko?!" sa wakas ay lumingon na siya sa gawi ko. "Noong iniwan mo ako! Para akong baliw kakahanap sa iyo! Kaya pala ang hirap mong hanapin dahil may itinatago ka! Buong akala ko ay may kinalaman ang pamilya mo dito! Iyon pala, itinatago mo sa akin ang mga tagapagmana ko!!" he was now furiously mad at me, buong puso ko itong naramdaman.

"Patawad Vienne... Patawad" ang tanging usal ko na lamang.

"Sabihin mo sa akin ngayon Bella. Ano ang dahilan kong bakit mo ako iniwan? Bakit ka nagtatago? Bakit ayaw mong magpahanap? Sabihin mo ngayon sa akin ang dahilan. Huwag mong sabihin sa akin na you don't owe me an explaination Bella" I looked at him, ang kaninang mukha niyang galit na galit ay napalitan ng isang malamlam na reaction. Ang Vienne na mahinahon.

Lumapit si Vienne sa gawi ko at tinitigan ako. Ang mga mata niya ay nakikiusap na para bang naghihintay ng isasagot ko sa tanong niya kanina. I know he really needs an answer at karapatan niyang malaman ang katotohanan sa lahat ng ginawa ko.

"Nagpa imbestiga na ako tungkol sa iyo at sa ginawa mong pagpapanggap. I already have an answers on that question. Ang tanong lang na gusto kong sagutin mo ay kung bakit ka umalis Bella? Bakit mo ako iniwan pagkatapos ng gabing iyon?" napayuko ako at nagsimulang magkwento.

Marrying My Sister's FianceeWhere stories live. Discover now