Anong Lasa ng Lumpia Ni James?

59 3 0
                                    






July 17, 2017. Monday.






I.


Hapon na pala? 


Malapit nang bumagsak ang langit at kumagat ang gabi, lumalabas na ang mga pinaka maliliwanag na tala sa maruming kalangitan. Malamig ngayon kahit nasa kalagitnaan ng Hulyo, hindi naman umulan, hindi rin naman malakas ang amihan, hindi rin naman nagyeyelo ang mga kalapit bansa. Bakit kaya ganito kalamig ngayon?


Marahil, dahil naglalakad ako ngayon sa gilid ng isang malaking daanan, sa harapan ng isang malaking kapilya ng mga Katoliko at isang paaralanang aking pinapasukan, o marahil, malamig dahil sa mga nangyari nitong nakaraan? Hindi ko sigurado. Ang sigurado ko lang ay umuwi ngayon sa aming tahanan para ipahinga ang naliligaw na sarili sa kung anong tunay na ibig-sabihin ng buhay.


Ang daming mga nangyari nitong nakaraan, halos masuka na nga ako sa dami ng mga sinubo ko na nagmula pa sa masakit na katotohanan. Halos hindi ko na kayang tumanggap ng kahit ano.


Inilagay ko ang mga nilalamig kong kamay sa mainit na bulsa ng aking pantalon at inyuko ang aking ulo, ayaw ko munang makakita ng kahit ano bukod sa aking mga paang sabik na makauwi.

Sa kalagitnaan ng aking pag lalakad, hindi pa ako nakalalampas sa kapilya't paaralan, ay may tumawag sa akin, dalawang pamilyar na boses, parehong mataas ang adyangaw, kasabay ng mga paang humahampas sa lapag. "Red!"


Bahagyang naubos ang tubig sa dagat ng aha na aking pinagkakalunuran.


"Red!" Sabay nilang ibinuga mula sa kanilang mga bibig. Mas mababang adyangaw sa pagkakataong ito. 


"Sama ka na?" Napapagod na sinabi ni Em, habang nakatingin naman at masayang nakangiti si Kyle.


Nararapat ba?


Nararapat ba akong magpalunod pa sa aha?


Patlang.


Isa pang patlang.


Bakit nga ba ako nag papakalunod pa?






July 14, 2017. Friday.


Umaga. 


Mga Kwento ni Jackson Sa PUP.Where stories live. Discover now