Kumatok at Manawaran.

26 1 0
                                    

Maaga pa sa araw si Jared ng pumasok papuntang Talon Elementary School, maulan ngayon at makulimlim kaya hindi pa rin umuusbong ang araw kahit alas sais imedya na. Tanghali na ako, sa isip-isip ni Jared.

Nagbigayan ng libro kahapon, mukhang mas mapapatagal pa yata ang pag pasok ni Jared papuntang school. Wala pa siyang pamasahe kaya hindi rin siya makakasakay ng tricycle, sakto lang ang pera niya para sa pagkain. 

Pagdating niya ng school, basa ang bag niya't halos mabasa rin ang libro sa loob. Inis na inis si Jared sa sarili, hindi dahil masisira ang libro, kundi dahil late siya't halos kainin siya ng tingin ni Ma'am Kayube. 

Terror si Ma'am Kayube, guro ng mga grade four, nanakit daw ng estudyante 'pag hindi makuha sa tingin, kaya naman sobrang yuko si Jared ng mapansing lumapit na si Ma'am sa kanya. 

Tinawag siya ni Ma'am Kayube't tinanong ng guro kung anong ginawa kahapon bago umuwi, sabi naman ni Jared na sa computer shop. Makikita ang inis ni Ma'am Kayube sa mga kilay nitong sobrang inahit. Nalimutan kong coveran ng manila paper ang libro ko. Yari na talaga. Buong araw siguro akong titigan ng masama ni Ma'am.

Buong maghapon ang dumaan at naging okay naman na ang kalagayan ni Jared dahil kausap niya ang kaibigang si Hector. Halos buong araw nilang pinaguusapan ang bagong laro sa computer.

Si Ma'am kayube naman ay may kausap na guro, nagpapainit sa apoy sa labas ng room nila. Mainit din ang tingin sa kanya ni Ma'am Kayube. Marahil pinag uusapan kung bakit lagi akong late.

Kinahapunan bago mag uwian, sinabihan ako ni Ma'am Kayube na kailangan naming mag usap. Bakit daw lagi kong kausap si Hector, masamang bata daw si Hector, 'wag kong lalapitan. Ilang minuto ako ni Ma'am kausap na sa tabi kami ng apoy, nakayuko lang ako't umo-oo sa kanyang mga sinasabi. Hindi nakapag tiis si Ma'am at pinaka kuha sa akin ang mga gamit ko.

Pagbalik ko sa room, nakita kong nakatayo si Ma'am malapit sa Apoy, mas malakas ito kaysa kanina, gabi na pala. Halos anino lang ni Ma'am ang naaninag ko. Nag simula siyang mag salita ng marinig ang pag bukas ng pinto. Keyso marami na daw ang namatay sa tokhang, keyso isa daw ang tatay ni Hector sa mga tulak, maraming napatay ang gubyerno, at magdadagdagan pa daw ito kung hindi ko lalayuan si Hector.

Kinuha ni Ma'am ang libro ko, nagmamaka awa naman akong pag bigyan pa ako ng pagkakataon, siguradong bukas may cover na ang libro ko. Ang kaso, nakatitig si Ma'am sa akin na parang gusto niya akong ibato sa apoy. Hindi 'yon ang problema, sabi ni Ma'am, baka daw tulak din ako kagaya ni Hector. Nagulat ako sa paratang ni Ma'am, hindi ako makapaniwala sa pag akusa niya sa akin, hindi ako makahanap ng dahilan para mag benta ng droga.

Nagmamaka awa ako sa kanya, hindi ako tulak at lalong hindi ako magiging tulak. Patuloy ang pagmamakaawa ko. Umiiyak na sana'y hindi niya ako parusahan kagaya ng mga ginawa niya sa estudyante niyang grade four. Lumuhod ako. Nagmaka awa. Subalit walang salita sa mga labi ni Ma'am, puno lang ng galit ang kanyang mga mata.

Sinunog niya ang mga libro ko, dahil baka daw doon ko tinatago ang mga kontrabando. Pumasok siya ng room at nagsimulang mag impake para sa kanyang pag-uwi. Bago umalis si Ma'am Kayube ay nagkasalubong kami ng mga mata. Umiiyak ang akin at malamlam.

Sa isip-isip ko, si Hector, mag-kano kaya ang maibebenta niya ngayon?

Você leu todos os capítulos publicados.

⏰ Última atualização: Sep 22, 2019 ⏰

Adicione esta história à sua Biblioteca e seja notificado quando novos capítulos chegarem!

Mga Kwento ni Jackson Sa PUP.Onde histórias criam vida. Descubra agora