Chapter 1

6 2 0
                                    

Dhona's POV

Paeng calling...
Accept | Reject

"Hello asan ka na?" - Rafael

"Ewan ko kung san na to banda"

"Palakad na ko, intayin mo na lang ako dun" - Rafael

"Oo. Malapit na ata ako"

"Pag nakita mo ko wala na, yun na yun di ka na ulit makikipag kita sakin" - Rafael

"Bat naman?"

"Panget ako eh ma-turn off ka lang sakin pag nakita mo ko" - Rafael

"Edi wow" bat ba laging sinasabi nito na panget siya kahit hindi naman

"Sige na mamaya na ulit. Tawagan na lang kita pag nandun na ko" - Rafael

Pagka-end niya ng tawag tumingin ako sa labas ng van baka kasi lumalagpas na ko. First time ko lang bumyahe ng ganto kalayo tas ako lang mag isa, galing pa kong Laguna mga pre tas nakarating ako ng Cavite dahil lang sa kanya nagawa ko to.

Matagal tagal ko na rin siyang nakaka-chat kaya naisipan na namin mag kita, dapat talaga siya ang pupunta ng Laguna kaso di natuloy yung bakasyon sana nila sa Laguna. Kaya ako na lang ang pumunta dapat nga may kasama ako ngayon kaso napagalitan naman si Dine ng mama niya wala tuloy akong kasama ngayon.

Ang weird na pumayag agad ako na makipag kita kahit di ko pa naman siya ganong kilala, ni di ko nga alam kung ano ba talaga ugali nun. Pero ewan malaki tiwala ko sakanya

Makalipas ang halos isang oras na byahe nakarating na ko ng SM Dasma, nag text na ko sakanya na nandito na ko pero di naman nag reply.

Pag tingin ko ng oras 1:56 PM na pero wala pa rin siya, dapat nga mas mauuna pa siya sakin kasi taga Rosario siya.

[traffic po ehhh sorry basta malapit na kami] - Rafael 2:19 PM

Lah anong oras na kanina sabi papunta na tas wala parin, malapit sa entrance na lang ako nag antay para pag dating niya madaling hanapin. Nakakaramdam na ko ng kaba kasi ako lang mag isa tas di ko pa kabisado tong lugar na to, pag 3:00 wala pa rin uuwi na ko bahala siya

[Dito na kami] - Rafael 2:43 PM

[San banda?]

[Dito sa baba] - Rafael

[Saang baba]

[Kakapasok lang namin] - Rafael

Nagpalingon lingon ako sa paligid ko di ko naman siya napansing dumaan eh di naman ako umalis sa pwesto ko

[Lah nasa may entrance kaya ako]

[Dito sa sm appliances
Wait mo ko jan] - Rafael

Nagtanong ako sa guard kung saan dito yung sm appliances para ako na mismo pupunta

Paeng calling....
Accept | Reject

"Ano na kaninang kanina pa ko nag iintay"

"Nasa entrance kami" - Rafael

"Dito ako sa food court"

"Sige dyan ka na lang ako na pupunta dyan" - Rafael

Sa tapat ng food court na lang ako tumambay napapagod na ko sa kakalakad

Paeng calling....
Accept | Reject

"Nasa food court na ko" - Rafael

"Saan? Dalian mo kanina pa ko nag iintay"

May dumaan sa harap kong dalawang lalake, yung isa may kausap sa cellphone kaya tinignan ko yung itsura niya. Sure ako siya to

Naka lagpas na sila sa harap ko di man lang ako pinansin, in-end na din niya yung tawag tas kita ko sila naka tayo medyo malayo sakin. "bahala ka dyan ikaw ang lumapit di ako mag aadjust para sayo" sabi ko sa sarili ko





LDR? No Its DLRWhere stories live. Discover now