Chapter 3

7 1 0
                                    

Dhona's POV

2 days na ko sa hospital kasi halos 1 month na kong di kumain ng ayos, nanghina na ko ng sobra kaya natakot na sila. Nung una kala namin normal na singaw lang kaso sobrang tagal bago gumaling tas dumadami pa, yun pala aphthous stomatitis na

Madami daw dahilan kung bakit nagkakaroon nito pero sa case ko mukhang dahil sa blood disease kasi nga may leukemia ako

"Tumawag si doctora sabi kailangan daw bukas na gawin yung bone marrow aspiration and biopsy ni Dhona para maagapan na" sabi ni ate Mae na nurse dito sa hospital

Pagkarinig ko nun si Paeng agad ang pumasok sa isip ko, may usapan kasi kami na pag ginawa sakin yung procedure dapat nandun siya

"Sige gagawan namin ng paraan para may pera nang nakahanda bukas" - Tatay Ben

"Ano Dhona kaya ba?" - Ate Mae

Naramdaman ko biglang magluluha yung mata ko, hindi ko alam kung kakayanin ko to

"Kaya yan eto pa matapang yan" sabi ng pinsan kong si Patrice na nakaupo sa hospital bed

"Isang sakitan lang naman yun, pag tapos nun okay na magagamot ka na ng tuluyan" - ate Mae

Tumango na lang ako sakanila bilang sagot

"Okay ka lang?" Bulong ni Patrice

Nilapit niya yung ulo niya sakin para marinig yung sasabihin ko kasi hirap parin ako magsalita "Rafael"

"May work siya bukas ah? pero sige try kong sabihan kung makakapunta siya" - Patrice

Kinuha ko yung cellphone ko tas chinat siya kahit alam kong mamayang gabi pa mag oonline yun

9:40 AM
[May sasabihin ako
Kailangan kita bukas
Please]

Rafael's POV

Pag bukas ko ng facebook ko nakita ko yung chat ni Dhona pati ng mga kaibigan niya

9:40 AM
[Dhona: May sasabihin ako
Kailangan kita bukas
Please]

8:04 PM
[Bkt boss
Boss
Boss bkt? Bat kailangan mo po ako bukas?
Boss
Boss
Boss]

[Dhona: bukas na yung procedure ko]

[Bukas na agad boss
Pano yan boss d ako papayagan. Sa linggo lng talaga ako pwede]

[Dhona: ah]

[Bkt ang bilis]

Hindi pa siya nagrereply, parang gusto kong umiyak kasi wala ako sa tabi niya ngayon tas ganto sitwasyon niya. tinignan ko yung ibang chat sakin

[Aly: Raf puntahan mo nmn si Dhona oh]

[Sa linggo po. Di po kc ako makakapunta ngayon kc may pasok ako. Pero lagi ko nmn syang kausap]

[Aly: puntahan mo ha]

[Opo pupuntahan ko yun
Miss ko na po sya eh]

[Aly: salamat]

Sunod kong tinignan yung chat ng pinsan niya

[Pat: Rafael]

[Po]

[Pat: may pasok ka ba bukas?]

[Meron po eh. Alam ko na po
Naiiyak nga po ako eh]

[Pat: yung bone marrow aspiration kc eh. Test na gagawin yun kay Dhona]

[Oo nga po kaso wala ako bks. Dapat nandun ako ehh kaso di ako papayagan tapos d pa ako makagawa ng paraan.  Diba napaka walang kwenta ka 😭😭😭]

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Nov 03, 2019 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

LDR? No Its DLRWhere stories live. Discover now