Seven

1.5K 22 1
                                    

PASULYAP-SULYAP si Clementine kay David mula sa may rearview mirror ng sasakyan nito. She was silently observing his face; he really looks like a cherub. Mapupungay ang mga mata nito at mahahaba ang pilik-mata. Parang maski pagpatay ng lamok ay hindi nito kayang gawin. And despite what happened earlier, she still feels so incredibly comfortable with him.

And his clothes feel incredibly comfortable too, wika niya sa isip. Iniyakap niya ang kaniyang mga braso sa sarili para damhin ang malambot na tela ng T-shirt nito. She felt like being squeezed by tons of feathers.

"Maalala ko pala, hindi ko pa naitanong kung anong pangalan mo," sumulyap ito sa kaniya kaya naman agad niyang ipinaling sa may bintana sa gawi niya ang kaniyang paningin. "What is your name?"

Pasimpleng ipinaling na uli rito ni Clementine ang kaniyang ulo. Nakita niyang titig na titig na naman ito sa kaniya. It's as if his deep set of hazel eyes is talking to her.

"Clementine," balewala namang tugon niya rito kahit ang totoo talaga ay na-excite siyang sabihin ang kaniyang pangalan rito. "But call me "Tine" so it won't sound too formal."

Tumango lamang si David. Napansin niya na napasok na nila ang kanilang subdivision. Ilang sandali lang at natanaw na rin niya ang kanilang bahay; napakagat-labi siya. Kung sinuswerte siya ay maaaring hindi pa nadidiskubre ng kaniyang ama ang kaniyang pagtakas lalo pa at ihinagis niya pabalik sa bintana ng kaniyang kuwarto ang ginamit niyang lubid. Kung sa likod siya dadaan, puwede siyang mag-over the bakod at dumaan sa may kusina. At kung sitahin siya ng mga maid—na sigurado naman niyang hindi mangyayari dahil takot ang mga ito sa kaniya—puwede niyang idahilan na nagutom siya kaya bumaba siya saglit para kumuha ng pagkain. Napangiti siya; sounds like a perfect plan.

"Where is your house here?" tanong sa kaniya ni David na nagpalinga-linga sa matataas na bahay mula sa may bintana.

"Um, just keep going," malabong sagot niya rito. "I'm gonna give you a cue if we're there already."

David gave her a look of suspicion. Hindi niya ito pinansin. Nang marating na nila ang tapat ng kanilang bahay ay pinaikot niya ito nang sa gayon ay maisagawa niya ang kaniyang plano.

"Thanks for the lift," sabi niya rito nang makababa sa may sasakyan nito. "I remember your address. Don't worry. I'll send you my payment."

"You don't have to pay me, Tine," wika nito. He pronounced her name so distinct that it made Clementine's heart skip a little bit. "Just look after yourself and that's enough."

Pinagkalooban siya nito ng isang matipid na ngiti bago siya tuluyang talikuran. Parang nag-awitan ang mga anghel sa kalangitan nang dahil sa ngiting iyon; natulala si Clementine. Ihinatid niya ito ng tanaw mula sa pagbalik nito sa sasakyan at hanggang sa tuluyan na itong maglaho sa kaniyang paningin. Wow, she thought, that guy is really... something.

ALMOST AN ANGEL [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon