Forty-three

1.1K 15 0
                                    

"A-ANONG nangyayari?" tanong niya sa naturang mga nurses ngunit wala ni isa sa mga itong nagtangkang sumagot sa kaniya. Mabibilis ang mga galaw ng mga ito. Parang hindi siya nakita habang labas-masok sa kuwarto ni David. "Hey, ano ba! Hindi n'yo ba ako narinig? Ang sabi ko, anong nangyayari?!"

Wala pa ring pumansin sa kaniya. Sinubukan niyang silipin si David sa may kuwarto nito ngunit nakasara ang kurtina. Biglang binundol nang matinding kaba at takot ang kaniyang dibdib. Nagpalinga-linga siya. Nakita niya si Amber sa isang sulok na umiiyak.

"Amber," bulalas niya nang makalapit siya rito. "A-Amber, anong nangyayari? B-bakit ang daming nurses sa kuwarto ni David? Please, tell me."

Sinulyapan siya ni Amber. Ilang beses nitong sinubukang ibuka ang bibig ngunit tanging mga piping hikbi lamang ang lumalabas doon. Napahapay ito sa kaniya.

"Amber, please naman," naiiyak na pakiusap niya rito. "Magsalita ka. Tell me kung anong nangyayari. This is killing me."

Hindi pa rin nagawang magsalita ni Amber. Kumalas siya mula sa pagkakahawak nito. Hinawakan niya ito sa dalawang balikat at matamang pinagmasdan.

"Amber, I need you to calm down, okay?" sabi niya rito. "Please, calm down and tell me what the hell is happening here!"

Napalunok si Amber na mistulang natauhan. She was obviously struggling for words. Gayunman ay matiyaga siyang naghintay hanggang sa makaya na nitong magsalita.

"B-bumagsak ang vital signs ni David," garalgal ang tinig na sabi nito. "Now, he won't get awake and they're trying to revive him."

Parang pinagbagsakan ng langit at lupa si Clementine sa narinig. Kumuyom ang kaniyang mga palad at nalukot ang hawak niyang mga papel na dapat sana ay ipapakita sana niya kay David. Nanghihinang napasandal siya sa may pader. Hindi, ang paulit-ulit na sinasabi niya sa isip habang patuloy ang muling paglaganap ng mabigat na pakiramdam sa kaniyang dibdib. Matagal na nakatulala lamang siya habang si Amber naman ay patuloy ang pag-iyak sa kaniyang tabi. Natauhan siya nang biglang bumukas ang saradong-saradong pinto ng kuwarto ni David. Kumaripas palabas doon ang isang nurse na sa kamamadali ay hindi nagawang tuluyang isara ang pinto.

Sa kabila ng panghihina ng kaniyang mga tuhod ay pinilit niyang tumindig. Malalaki ang mga hakbang na lumapit siya sa may kuwarto ni David. At mula sa nakabukas na pinto, sinilip niya ito. She saw him lying unconscious on the bed while the doctor is trying to revive him; there was not a bit sign of life in his weak body. Natutop niya ang sariling bibig. Gustuhin man niyang patuloy itong makita ay hindi niya magawa. Pakiramdam niya ay may kung anong pumipiga sa kaniyang puso. Sumandal siya sa may pader at doon ay tahimik na umiyak.

Diyos ko, sa kauna-unahang pagkakataon ay pagtawag niya sa Diyos. Iligtas n'yo po si David, pakiusap.

ALMOST AN ANGEL [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon