Thirty-eight

1.1K 22 0
                                    

DAHAN-DAHANG binuksan ni Clementine ang pinto ng silid ni David. Naabutan niya itong nakaupo sa kama at nakatingin sa may bintana. Nang maramdaman siya nito ay luminga ito. He smiled at her, faintly.

"Hey," bati nito sa mahinang tinig. Napatingin ito sa hawak niyang mga bulaklak. "Are those for me?"

Tumango lamang siya. Dumiretso siya sa may vase sa may tabi ng bintana. She arranged the flowers there. Tahimik naman siyang pinanood ni David.

"K-kamusta na pala yung pakiramdam mo?" tanong niya rito nang muli nang makapa ang sariling tinig. "Are you okay now?"

Nagkibit-balikat si David. Inabot nito ang isa niyang kamay. Gamit ang buong lakas nito ay kinabig siya nito at niyakap habang nakatayo siya.

"I think I do now," sabi nito na hinigpitan pang lalo ang pagkakayapos sa kaniyang beywang. "God, I'm sorry you have to witness me in that state. I swear I'm not always like that. It's just that, the pain earlier is so deep that I can't help but scream."

Napahikbi si Clementine. Nagsisimula na naman mangilid ang luha sa kaniyang mga mata. Inilagay niya ang isang kamay sa ulo nito at marahang sinuklay-suklay ang buhok nito gamit ang kaniyang mga daliri.

"Don't worry," sabi niya rito na pilit pinanlalabanan ang pagpatak ng luha sa kaniyang mga mata. "Ilang chemotherapy sessions pa at sigurado ako na unti-unti na ring bubuti ang kondisyon mo."

Hindi nagsalita si David. But she felt his tight grip as if he's telling her the exact opposite of what she told him. Hindi niya napigilan ang sarili. She pulled back and cupped his cheeks.

"H-hey," naiiyak na pukaw niya rito. "You know you're going to get well, right? Gagaling ka and then I'm going to finally introduce you to dad and my mom. Malapit na siyang makalabas."

Sinalubong ni David ang kaniyang paningin. Ngumiti. Ngunit hindi iyon umabot sa mga mata nito.

"I don't know if I can meet them anytime soon, Tine," malungkot na saad nito sa kaniya. "I don't know if I can even—"

"Please, don't say that, David," putol niya sa sinasabi nito. Hindi na niya nagawa pang pigilan ang pagpatak ng kaniyang mga luha. "Alam kong gagaling ka. Nararamdaman kong gagaling ka. Trust me, okay?"

He was out of words for a few seconds. Kinuha nito ang kaniyang kamay. Matagal na pinagmamasdan lamang nito iyon bago muling salubungin ang kaniyang paningin.

"I trust you, Clementine, but I don't trust my illness," sabi nito sa kaniya pagkatapos. "I honestly don't feel any significant improvement in my body since the chemotheraphy started. Sa totoo lang, parang lalo pa nga akong nanghihina. My lips are drying and my hair is starting to fall off. I know it's just a matter of time before my whole system give in. I just want you to be ready when that happens."

Puspos ang kaniyang pag-iling. Hindi niya kayang tanggapin ang mga sinasasabi nito. Pakiramdam niya ay sasabog ang kaniyang dibdib.

"Please, stop crying now, okay?" masuyong wika nito na pinahiran ang mga luha sa kaniyang pisngi gamit ang likod ng kamay. "Ayokong makita kang malungkot. Lalong ayokong makita kang umiiyak. Especially because of me."

Hindi siya nagsalita. Kinuha niya ang mga kamay ni David. Dinampian niya iyon ng isang masuyong halik.

"At ayoko rin na mawala ka sa akin," sabi niya rito. "Please, ipangako mong lalaban ka, David. Lalaban ka para sa akin. Para sa atin."

Hindi sumagot si David. Sa halip ay niyakap lang siya nito. And she embraced him back, hoping that she can keep him forever.

ALMOST AN ANGEL [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon