Chapter 18

9.5K 200 4
                                    

Yaz's Pov

Nandito ako sa malapit sa dagat at binabantayan ang dalawang bata. Tumayo ako at pumunta malapit sa may Bato, at umupo doon

'Kailan rin kaya ako mag kaka-anak?' Tanong ko sa sarili ko

'Wala ka ngang jowa, mag kaka-anak ka pa?' sabi sa likod ng isip ko

"Oo nga naman. Hayst"

"Tita si Spaun nasaan po?" nagulat ako sa tanong ni Zeles

"Naglalaro kayo kanina diba?"

"Ha? Tita sabi po kasi niya pupunta daw po siya sayo kaya nung matagal tagal na po akala ko po kasama mo" kinakabahan na ako sa sinasabi ni Zeles

"Walang lumapit dito Zeles" sabi ko na kinakabahan

"Tita promise he said na pupunta siya sayo" tumayo na ako at hinanap si Spaun

'Nasaan na ba ang batang iyon?'

Kanina pa ako hanap ng hanap bumalik ako ng hotel baka sakaling bumalik si Spaun doon. Kaso wala

"Oh Ate anyare sa mukha mo?" tanong ni Naih

"Mommy si Spaun nawawala kaya hinahanap ni Tita Yaz" sabi ng pamangkin ko

"ANO ATE?! SI SPAUN NAWAWALA?! MAAAAAAAAXXXXX!!!" sigaw ng kapatid ko

"Tss bakit Naih?" sabi ni Max

"ATE IKAW NA ANG MAGSABI!!!" Natatarantang sabi ni Naih sa akin

"M-max yung an---" naputol ang sasabihin ko ng magsalita ang aking kapatid

"ANAK MO NAWAWALA!!!" sabi niya

"Ha?! Si Spaun?! Nasaan?! Nasaan ang anak ko?!" biglang sulpot ni Deib at natatarantang lumabas upang hanapin ang anak sumunod din kami sa kanya at nag kanya kanyang hanap kay Spaun

Maya maya habang nasa gitna kami ng paghahanap nag salita si Zeles

"Tita bago tayo lumabas ng hotel i saw a guy kasama lang po natin. Tpos sumusunod po siya. Nung nagpaalam po si Spaun napupunta sayo, nakita ko po ulit siya si Spaun naman po ang sinundan niya papunta sa direksyon niyo tpos po hindi ko na pinansin kasi naglalaro ako" mahabang sabi niya at natulala ako sa kwento niya

Third Person's Pov

Nakangiti lang ako habang hinahanap pa rin nila si Spaun. Napagisipan kong bumalik muna sa ibang hotel dahil nandoon ang batang Enrile

"Hindi dapat nila malaman na nasa atin ang anak nila Ate" sabi ng aking kaibigan

'Gagawin ko ang lahat para sa akin na mapunta ang nararamdaman mo sa kaniya' Matagal ko ng gusto ang aking kaibigan simula ng malaman niya na nagkaanak na ang dating iniibig niya

'Mapapasa akin ka rin'

"Who are you?" tanong ni Spaun sa akin. Gising na pala ang Batang Enrile. Nasa kabilang kwarto ang aking kaibigan at ang Ate niya.

Pinlano na talaga nila ito simula pa noon.

------Pls. Vote. Thank You------

Sana magustuhan niyo po yung STORY ito na po yung sinasabi kong suprise na mangyayari sa Palawan.

HE'S INTO HERWhere stories live. Discover now