Chapter 7

346 18 5
                                    

*Elaiza Ikeda as Diana Mendoza

*The picture of the actress, Elaiza Ikeda, is not mine.

Source: animenewsnetwork.com




FIRST-NAME BASIS


September na ngayon at Preliminary Exam na namin sa lahat ng mga subjects namin next week. August kasi ang pasukan dito sa University na pinapasukan ko kaya Prelim. pa lang namin. Ceasefire naman kami ni Sir Kyle nitong mga nakaraang linggo dahil sa napag-usapan namin na huwag na siyang high blood para hindi ko sabihin 'yung tungkol sa pag-overnight niya sa'min at lalo na 'yung tungkol sa ipis. Kaloka!

"Uy Ateng, bakit sulat ka ng sulat d'yan? Mamaya mapansin ka ni Sir Kyle, yari ka. Alam mo naman na isa sa mga classroom rules niya ang bawal magsulat habang nagdi-discuss pa siya," bulong ni Kim.

"Ay oo nga pala," sagot ko ng pabulong din.

"Eto pa pala," tinuro niya ang cockroach toy sa table ko. "Bakit ba hanggang ngayon nagdadala ka pa rin ng cockroach toy sa school at tuwing klase lang ni Sir Kyle nakalabas? Although nasabi mo na dati na trip mo lang pero nakakasimi pa rin," pagpapatuloy ni Kim.

Sasagot na sana 'ko nang biglang lumungkot ang mukha ni Kim at nagsalita na naman siya pero mahina lang. Buti na lang din, huminto sandali sa pagdi-discuss si sir dahil nagsulat ulit siya sa whiteboard.

"Kung may mabigat kang dinadala, nandito lang naman kaming mga kaibigan mo. Alam mo naman na pwede mo kaming sabihan ng mga problema mo. Hindi kailangang umabot sa gan'to," dagdag ni Kim.

"Ha? Anong pinagsasabi mo, Kim?"

"Ang akin lang naman, kung kailangan mong magpatingin sa psychiatrist, 'wag ka mahihiya. Para sa ikabubuti mo naman 'yun."

"Sira, okay pa mental health ko 'no!" Akala ni Kim nasisiraan na 'ko ng bait.

"Since I have already introduced myself, let me now discuss the classroom rules. First, you're not allowed to be late in my class. Since our class is 1:30 to 4:30 pm, I will be here at 1:40 pm to give you an allowance, so you have no excuse to be late. Second, always be ready in my class for a recitation, especially before I discuss a new topic. Third, you're not allowed to copy what's written on the board during my discussion, because I'll give you time for that. All you have to do is listen. Fourth, arrange your chairs before I arrive, and make sure your area is clean. I hate disorganized and an unclean room."

"Ateng, ang dami naman classroom rules nito ni Sir Kyle. Huwag mong sabihin hanggang ten 'yan," bulong ni Kim.

"Oo nga e. Naku, 'wag naman nga sana. Ano 'yan? Ten Commandments of Sir Kyle, ganern?" sagot ko ng pabulong din.

"Fifth, as related to the Third Rule, since all you have to do is listen, being talkative in my class is not allowed. Huwag kayo magchikahan dito sa classroom." Nagkatinginan naman kami ni Kim. Narinig ba kami ni sir? Pabulong lang naman. Ay assuming ko. Rules niya na 'yan malamang last sem pa.

"Sixth, the last rule, cheating is not allowed. I'm sure you're all aware of that, but I still want to mention it. Integrity is very important, especially in our field. And I'm also sure that you're all aware of the consequences, right future accountants and auditors?"

"Right po, sir," sagot ng buong klase.

"Then we're good."

I Can't Help MyselfWhere stories live. Discover now