Chapter 13

277 17 6
                                    

NANG DAHIL SA BAHA




Simula mamayang hapon hanggang bukas ay inaasahan ang malakas na pag-ulan. Bagama't walang bagyo, ito ay dulot ng habagat. Inaabisuhan ang lahat na mag-ingat.

"Shocks! Naiwan ko payong ko. Bibili na lang ako mamayang break." Nasa UV Express Van ako ngayon, bumabiyahe papuntang school, nang marinig ko sa radyo ang balita na uulan ng malakas ngayon.

Dahil Monday nga pala ngayon, may klase na naman kami kay Sir Kyle. Tatanungin ko nga siya mamaya after class kung ano 'yung importanteng sasabihin niya.

***

"That's all for today. I'll just continue my discussion about Accounting for Inventories next meeting," Sir Kyle said after the class ended.

"Hala! Kumukulog na Ateng," gulat na sabi ni Kim. Oo nga pala. Nakalimutan ko naman kaninang break bumili ng payong. Napaka makakalimutin ko naman.

"Wait lang guys, kausapin ko lang sandali si Sir Kyle," paalam ko. Lumapit na 'ko kay Sir Kyle. Nagliligpit pa siya ng gamit niya.

"Sir Kyle," pagtawag ko pero hindi siya tumingin.

"Ano 'yun? Bilisan mo. Busy ako," tugon niya, pero hindi pa rin siya nakatingin. Nang matapos na siyang magligpit ng gamit, sinara na niya ang kanyang bag.

"Wala po, next time na lang." Tumalikod na 'ko at pumunta sa mga kaibigan ko. Bigla naman bumuhos ang malakas na ulan. Hindi naman na sumagot si Sir Kyle kaya lumabas na kami ng room. Busy nga.

"Ano 'yun, Ateng?" pag-uusisa ni Kim sa paglapit ko para kausapin si Sir Kyle.

"Wala, may tatanong lang sana 'ko tungkol sa topic kanina," pagdadahilan ko.

"Kung may hindi ka maintindihan, sa'kin ka na lang magtanong," pagsingit ni Richard.

"Hindi pwede, duma-da moves ka na naman Richard ah," pagtutol ni Kim.

"Tutulong lang e. Malisyosa mo Kim," sagot naman ni Richard.

Dahil sa patuloy ang pag-ulan ng malakas, sa canteen na lang kami kumain ng mga kaibigan ko. Pagsapit ng 5:30 pm, nakita namin sa mga post sa facebook na medyo mataas na ang baha sa mga kalapit naming university. Sa'min, hindi pa naman masyado pero baka mamaya tumaas na. May klase pa naman kami mamayang 6:00 to 9:00 pm.

"Uy guys, classes are suspended in all levels. Kaka-post lang," masayang sabi ni Clint. Ayun, wala na palang klase mamayang 6:00 pm.

"Yes, uwian na haha," masayang sabi ni Kim.

"Hatid na kita, Cath," banggit ni Clint.

"Hatid naman kita, Zette. Wala ka pang payong 'di ba?" alok ni Richard.

"Huwag na, may mga nagbebenta pa naman ng mga payong d'yan sa labas ng school. Ako na bahala."

Hinatid ako ni Richard hanggang sa bilihan lang ng mga payong sa labas ng school. Umalis na siya nang nakabili na ako ng payong. Si Kim, susunduin na lang daw ng driver nila. Gusto niya ngang isabay na lang ako kaso gusto ko na makauwi agad. Baka anong oras pa makarating ang driver nila. Nagbabaha kasi sa lugar namin. Kapag nagpatagal pa 'ko rito sa school, mahihirapan na 'kong dumaan sa'min dahil sa baha.

Ang hirap mag-abang ng masasakyan ngayon. Nahihirapan dumaan ang mga sasakyan. Kapag may dumaan naman, puno na. Habang nag-aabang ako, may huminto naman na black na kotse sa harapan ko. Tinted 'yung car windows kaya hindi ko makita kung sino ang nasa loob. Bigla naman bumukas ang car window.

I Can't Help MyselfWhere stories live. Discover now