Chapter Fourteen

15 3 0
                                    

Chap FOURTEEN

"Long time no see, Ezra."

I was dumbfounded and starstrucked about what I am seeing right now.

"After you stood me up at the bar, hindi ka naman mamansin ngayon?"

Napalunok ako at ilang na napangiti. "P-paano?"

Kita ko ang pagguhit ng ngisi sa napakagwapo n'yang mukha at kahit ang pagkamot n'ya sa kilay n'ya ay nagmumuka s'yang modelo.

"Tinadhana nga siguro talaga tayo." He looked at me in the eye habang nakapamulsa, waaaah, ang gwapo ni Genesis. Nagpapakamarupok na naman ako eh, kanina, kay Dionne, tapos ngayon kay Genesis? Tsk, Ezra.

Pansin ko ang mga titig ng mga taong napapadaan.

Ngiti lang ang tanging nabigay ko sakan'ya at nagsimula naman s'yang lumapit para maupo sa tabi ko kaya't inayos ko ang pagkakaupo, I could even smell his heaven scent perfume, mas kinakabahan ako ngayon.

"So, what were you doing here?" Sinimulan ko ang usapan at tinipon ang buong lakas para makatingin sa mga mata n'ya nang diretso.

"Actually, dito talaga ako nakatira. Nag-aaral ako sa Dumaguete pero umuuwi din naman. I had no reason to come back here,"

Napakunot ako ng noo, what about his family?

"Oh, iniisip mo siguro ang tungkol sa pamilya ko, I have none." Kita ko ang pait sa ngiti n'ya.

"P-pero bakit ka nandito?"

Hindi n'ya ako sinagot kaagad at tinitigan n'ya lang ako, panay naman ang lunok ko. Siguro ay nakita n'yang hindi ako komportable kaya s'ya na ang umiwas ng tingin, that's so ideal of you, Genesis.

Mahaba ang pilik-mata ni Genesis and he looks good enough para maging model o artista. Para akong nakatagpo ng anghel, that character of his was what I always prayed for.

"Dahil, umasa ako na makikita ko ulit 'yung destiny ko..." he slowly fixed his gaze towards me at tumingin na ulit sa mga mata ko.

"...and I did."

WHAT?

Napaawang ako ng bibig, my heart is beating inexplicably fast!

Tumikhim ako para mabasag ang nakakabinging katahimikan, tumingin ako sa harap ko habang nakalunok pa rin at kinakabahan.

"Ahhh, ano namang ginagawa mo dito sa grocery?" Tumingin ako saglit sakan'ya at pilit na tinatago ang kaba.

"I...I was searching for wine."

Tumango lang ako habang hindi nakatingin sakan'ya.

"Ikaw? Bakit nakaupo ka lang dito?"

Kasi kinidnap ako ng alien at iniwan rin dito, Genesis.

"M-may kasama ako, si Di..onne..." inilibot ko pa bahagya ang tingin sa buong lugar at hinahanap si Dionne dahil wala na s'ya sa kung saan man s'ya kanina.

"Si D-Dionne?"

Napatingin ako agad kay Genesis dahil sa tono ng boses n'ya. "Oo, bakit? Kilala mo ba s'ya?"

"No," dali s'yang sumagot at tumaas na naman ang lebel ng curiosidad ko, talaga ba? Argh, 'wag ka ngang ano, Ezra. He's not a criminal and you're not even a lawyer yet.

"I was just wondering if... boyfriend mo ba s'ya?"

"What? Hindi ah," dali-dali ko s'yang sinagot at napakunot pa ng noo.

"Tayo na," halos mapatalon ako sa gulat nang may biglang sumulpot at kumausap sa'kin galing sa likuran. Napahawak ako sa dibdib ko at hinabol ang hininga.

"Ano ba, Dionne?!" Hindi ko mapigilang mainis at masigawan s'ya dahil muntik na'kong atakihin sa puso. "Sorry, Genesis pero kailangan ko nang umalis." Hindi  ko na hinintay ang sagot n'ya at agad nang tumayo para lumabas na sana ng shop.

Pero hindi pa man ako makalakad ay biglang nagring ang phone ko dahil may tumatawag, hinugot ko ito mula sa bulsa ko at nakitang si Auntie pala 'yun.

"Hello, Auntie?"

'Rang, nahihilo na naman ang Uncle mo, hindi kasi s'ya nakainom ng gamot n'ya kanina para sa high blood n'ya eh.' Dinig ko ang pagkakataranta ni Auntie.

"Sige, papunta nako d'yan Tie. Dadaan muna akong botika para bumili ng gamot." Dali-dali ko rin s'yang sinagot at tatakbo na sana pero biglang may humawak sa braso ko at si Dionne 'yun. "Bitawan mo'ko Dionne, kailangan kong bumili agad ng gamot para kay Uncle." Natataranta kong sabi at napabaling naman ako kay Genesis dahil sa pagtayo at pagsalita n'ya,

"Ihahatid na kita, Ezra. I brought a car."

"Hindi s'ya sasama sa'yo," agad namang sumingit si Dionne at mas nagpainis pa 'yun sa'kin. "Look, Dionne, kailangan ako ng Uncle ko in this very moment of time and I don't need your permission just to decide in anything."

Napabitaw nga s'ya sa pagkakahawak sa'kin, "Then, sasama ako," sinabi n'ya 'yun at agad namang umuna si Genesis, "What are we waiting for? Let's go."

Napalunok ako at sumunod na kami sakan'ya. Dumaan muna kami sa  Mercury Drug at bumili nga ako ng gamot ni Uncle, pagkatapos no'n ay agad naman kaming nakarating sa  bahay dahil sa bilis ng pagmamaneho ni Genesis.

Tahimik ako buong biyahe at pagkarating na ay tumakbo ako palabas ng kotse ni Genesis matapos magpasalamat. Hindi ko na nabigyan ng pansin si Dionne at agad namang nakapasok sa bahay. Pumasok ako sa kwarto nina Auntie at naabutang pinapaypayan n'ya si Uncle habang nakahiga. "Ito na po, Auntie." Tinago ko ang pagkahingal at inabot sa kanya ang plastic na may lamang gamot.

"Salamat sa Diyos at nakarating ka na, Rang." Huminga nang maluwag si Auntie. "Pakikuha nga ng warm water Rang, papainumin ko lang ng gamot ang Uncle mo." Inutusan ako ni Auntie at sinunod ko rin naman  ito agad.

...

Nakabalik na'ko sa kwarto dala-dala ang tubig na hiningi ni Auntie.

"Itong tiyahin mo, Rang, napakaover reacting," natatawa pang ani Uncle habang nahihirapang magsalita.

"Anong OA? Alangan mang hayaan nalang kitang manigas d'yan?" Inis na inis ang tono ni Auntie.

"'Yan kasi'ng napapala mo sa pagsasabong-sabong mo. Ano? Tutulungan ka ba n'yang mga bulik mo kapag inatake ka? Pa'no kung isang araw nagdederby ka tapos bigla ka nalang aatakihin n'yang high-blood mo, hah?!" Sinuway s'ya ni Auntie at sa inis ay padabog s'yang naglakad palabas. "Ikaw na'ng bahala sa napakamasunurin mong tiyuhin, Rang," sabi n'ya bago isara nang malakas ang pintuan at iniwan kami ni Uncle na agad namang nagtawanan.

"Ikaw kasi, Uncle eh. 'Wag mo na kasing kalimutan ang gamot n'yo." Natatawa ko pa ding ani.

"Yes, pamangkin, pasensya na at nagulo ko pa ang date ninyo ni Dionne," nakagrin pa si Uncle!

Dahan-dahang nawala ang ngiti sa mga labi ko at kumawala pa'ko ng singhal. "Uncle, 'wag n'yo po akong itukso du'n sa Dionne na 'yun," matamlay kong sabi.

"Aba, bakit naman hindi? Napakabait noong batang 'yun, Rang." Nakangisi pa ring ani Uncle.

Talaga ba, Uncle?

"Kahit na mag-isa nalang s'ya ay ang galing no'ng dumiskarte. No'ng isang linggo ay kasama ko pa nga s'ya sa pagsasabong---"

"Ho?!" Napakunot ako ng noo at hindi maimagine ang sinabi ni Uncle. Ang malamig na si Dionne ay nagsasabong? Ano ba talaga'ng trip n'ya?

I'm in Love with a CriminalWo Geschichten leben. Entdecke jetzt