Epilogue

19 3 0
                                    

---Epilogue---

"Alam kong you deserve the best and that, I am not worthy of you, Ezra, aminado ako do'n." Kita at pansin ko ang pagbaba ng tingin n'ya, what is he thinking? Hindi ko s'ya kailanman inisipan no'n!

Magsasalita na sana ako pero pinipigilan kasi ako ng kaba at napababa nalang rin ang tingin ko.

"Kaya aalis ako,"

Agad akong napatingala sakan'ya nang nakakunot. So gano'n nalang 'yun? Pagkatapos n'yang kutawin at guluhin ang sistema ko...goodbye message lang pala 'yun?

Kaya mo 'yan, Ez. Magaling ka naman sa pagpepeke ng ngiti eh, gawin mo na ngayon.

Pero bakit mahirap? Sanay na sana ako eh pero bakit nahihirapan ako ngayong ipakita na okay lang ako?

But despite that, I did my best, ngumiti nga ako pero--- tumulo bigla ang luha sa isang mata ko. Agad ko 'yung pinunasan at tumalikod na para tumakbo, nakakahiya!

Papa G, it hurts so, very, much.

At pagkalabas na pagkalabas ko do'n ay bumuhos na nang sunod-sunod ang mga luha ko, at kahit anong punas ko do'n ay hindi nagawang tumigil.

"Ez, wait!" I heard his voice following me. I wasn't able to move or run away, nanatili lang ako sa pagpunas ng mga luha, bahala na kung ano'ng isipin n'ya.

"Hindi ko pa natapos ang sasabihin."

I didn't reply. Hinayaan ko nalang s'yang sabihin ang kung ano'ng gusto n'ya, let it be, kahit masakit.

"You know me, Ezra. And if you don't, gusto ko lang ipaalam na napakamakompitensya ko. At ibig sabihin no'n, kung hindi man ako marapat sa'yo,...ipipilit ko." I heard him take steps toward my back. Hindi ko alam kung pa'no nagawang tumibok nang napakalakas ang puso ko kasabay ng pag-iyak ko!

"Kailangan kong umalis, Ezra. Kailangan kong itama ang mga pagkakamali ko, at alam kong sa lahat, ikaw ang pinakamakakaintindi no'n." It wasn't his cold and emotionless voice, it was the one full of comfort and softness.

I suddenly stopped crying as he held my shoulders to face him. Sheeeemsss, nakakahiyaaaa.

Patuloy lang ang pagluha ko at sinagad ko nalang din ang panahong 'yun, hindi ko alam kung ano'ng pumasok sa isip ko at kung ano'ng nakain ko pero agad ko s'yang inakap.

I felt tenderness in how he caressed my hair smoothly.

"Will you wait for me until then?"

Napangiti ako habang naalala ang pangyayaring 'yun, yes, Dionne, I am still waiting even if 5 years have passed.

Traffic got on my way so I grabbed my phone then. Napangiti ako nang makita ang lockscreen kong Bible verse, papalit-palit kasi 'yun eh and the verse today is just so right.

“In the right time, I the Lord, will make it happen.”  -Isaiah 60:22

Kasabay no'n ay ang pag-usad ng traffic, so I drove again with all courage.

Nakarating na din ako sa BJMP.

"Goodmorning, Attorney." Bati sa'kin ni SPO1 Lopez at nginitian ko naman s'ya.

I then took steps papasok sa pupuntahan. As I was passing by, nakakita ako ng mga babaeng inmates, I was captured by a familiar face of an old lady.

Sa'n ko nga ba s'ya nakita ulit?

I neglected the thought at nagpatuloy nalang sa paglalakad. My heart started to flutter when I had the thought that I'll be seeing him again, the reason why I chose not to study in Manila.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jun 15, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

I'm in Love with a CriminalWhere stories live. Discover now