Chapter Twenty-Two

8 1 0
                                    

Chap TWENTY-TWO

"I-ikaw ba 'yung bumaril?" Napakunot ako ng noo at sunod-sunod na napalunok.

"Hindi ko na 'yan kailangang sagutin pa, ako ang pakinggan mo. Ibigay mo na ang flash drive para makita ka pang buhay ng Auntie at Uncle mo, Ezra."

Mas nanginig ako nang marinig kong banggitin n'ya sina Auntie at Uncle! They treated him well!

Nanghihina ang mga tuhod ko at napahagulgol nalang ako habang nakasquat. "Wala akong alam sa tinutukoy n'yong drive na 'yan!" I kept crying at gusto ko nalang mahimatay ngayon at kunin na ni Papa G.

I felt hands touching my shoulders kaya't napatingala ako nang dahan-dahan.

"Kailangang makuha ko 'yun bago kay Ivan." For the first time, nakakita ako ng emosyon sa mga mata n'ya at kahit hindi ito ngayon ang tamang panahon para maramdaman ko 'to, pero ang gaganda lang ng mga mata n'ya, for once, I saw him talking sincerely.

"Kailangan ko 'yun... para mapalaya ko na ang kapatid ko, Ezra."

Ano'ng mapalaya? Ano'ng kinalaman ng flash drive? Bakit gusto ko s'yang tulungan do'n kahit na hindi ko alam kung tama ba 'to o mali?

"I really don't know," napailing-iling ako habang tumutulo ang mga luha ko.

"Fuck! Fuck it!" Sumigaw s'ya sa pagmumura at napakunot naman ako ng noo, I hate hearing those kind of words.

Pero agad n'yang hinawakan ang braso ko para patayuin at tinago n'ya ako sa likuran n'ya habang kumukuha ng baril sa bulsa n'ya. Tsaka ko lang narealize na may isang van na tumigil at sumunod nang bumaba ang maraming mga lalaking nakablack!

"Dionne, ibigay mo 'yan sa'min." Sabi nu'ng isang lalaking nakablack ng t-shirt at sa tirik ng sikat ng araw ay klarong-klaro ng mga mata ko ang tattoo na nasa pulsuhan nila! 'Yung poison sign tattoo na saktong nakita ko sa mismong panahon na binaril 'yung mama sa bus!

Ang bilis lang ng mga pangyayari dahil agad s'yang binaril ni Dionne at pagkatapos ay 'yung iba din! Para kaming nasa isang action movie dahil sa nangyayari ngayong maski ako hindi makapaniwala, hindi ko alam kung bakit kahit sa gitna ng mga nangyayaring 'to ay ang kamay pa ni Dionne na nakawahak sa akin ang mas napansin ko. Argh, ang lakas ng kabog ng puso ko! Napalunok nalang ako at tumingin sa mga kalaban ni Dionne nang mangiyak-ngiyak.

Sobrang dami nila at klarong hindi 'yun kakayaning mag-isa ni Dionne! I immediately closed my eyes at nagdasal.

'Papa G, whatever it may take, kahit masakit, kahit nakakatakot, I still believe your plans are the best.'

...

I woke up in pain at napagtantong nasa isang madilim na rehas ako. Napatingin ako sa mga kamay ko at nakagapos ang mga 'yun nang mahigpit gamit ang kadena, ang mga binti ko naman ay salamat at hindi pa putol, hindi kasi 'yun tinalian.

I am alone in this dark room physically, tanging nakikita ko lang ay mga semento at rehas, inilibot ko ang paningin sa buong lugar at nahagip ko ang taong tahimik kong hinahanap. Nanginig ako nang makitang nakahandusay s'ya at napakadaming pasa sa mukha! Dumudugo din ang gilid ng labi n'ya at sa bandang t'yan!

"Dionne!" Kahit pa medyo masakit ang iba't ibang parte ng katawan ko ay sinikap kong tumayo at lumapit sa banda ni Dionne. May rehas na pumapagitna sa'ming dalawa.

Nakapikit pa rin ang mga mata ni Dionne at dahan-dahang tumulo ang mga luha ko, Lord, sana buhayin n'yo pa si Dionne, hindi ko man alam ang buong storya ng pagkatao n'ya, I know there's something, something special in him--- a hidden good heart.

Nanatili lang akong nakatitig sakan'ya, gusto ko man s'yang hawakan at gamutin ay hindi ko 'yun magagawa sa ganitong sitwasyon.
Naalala ko lahat ng nangyari sa'min, from the first day I met him, I found him so weird, it was as if may kung ano sakan'yang kahit ano pa'ng gawin at pilit ay hindi ko lang maintindihan.

Nasabi ko din noong hindi ko s'ya pwede magustuhan, dahil nga hindi ko pa s'ya masyadong kilala, hindi ko pa nasisigurong mabuti s'yang tao, ang dami kong alibis but I still ended up this way. I'm admitting it, I like him. Hindi ko alam kung bakit, pero kapag tinamaan ka nga naman, tinamaan ka talaga eh. Hindi ko naman controlled ang sarili kong damdamin eh, all I have to do is to see kung hanggang saan 'tong nararamdaman ko sakan'ya.

Hindi ko maintindihan ang mga nangyayari but that didn't make me like him less. Natatakot ako, natatakot akong sabihin at ipaalam 'yun sakan'ya dahil kagaya nu'ng kay Genesis, it could pop up just in a snap. Susulitin ko nalang 'to, no label.

I can't just help but praise every part of his face including even the smallest pores. Ang gaganda at ang kakapal lang ng mga kilay n'ya at pilik-mata. Pati na ang balat n'ya, ang fair lang, ang ilong n'ya din, sakto lang pero pointed, at kahit nakapikit s'ya, I could still imagine those shimmering sparkling eyes he has. Ang gwapo n'ya lang din talaga tignan lalo na sa buhok n'yang kagaya kay Leonardo diCaprio as Jack Dawson. S'yempre, 'yung lips n'ya? Hindi naman kakulangan eh, kung tutuosin, kahit sinong babae ay mapapatitig do'n, uy, titig lang sinabi ko.

That's shameful of you, Ezra. Isipin mo nga? Nakakulong ka! You are in a place you are not familiar of! Anytime from now ay pwedeng pwedeng may pumasok at barilin ka nalang bigla sa ulo, and still, may oras ka pa para magpantasya?

I closed my eyes in irritation.

"Ezra, Ezra, Ezra. Kaya naman pala nawala na 'yung spark sa'tin dahil...may iba na." I immediately looked at where the voice was coming from.

At nakita ko ang taong kahit ngayon ay hindi ko pa rin mapaniwalaang kayang gawin 'to. S'ya ba ang pasimuno ng lahat? Inakala ko pa ngang s'ya na 'yung destiny ko, aaaahhhh, it was not the picture I painted on my head.

Lumapit pa s'ya sa'kin at itinuko ang isang tuhod sa sahig. He gave me a look I never thought he would have. Nakakatakot at nakakainis, pero nagpipigil pa rin akong ipakita 'yun.

"Genesis, you planned this all... didn't you?" I looked at him unbelievably.

"Ano sa tingin mo?" He smirked evilly. "'Wag mong sabihing naniniwala kang coincidence lang lahat simula nu'ng sa restaurant? Hmp...," pinipigilan n'yang matawa.

"Sa bagay nga naman, mga babae, ang dali-dali lang paikutin." He had this playful look on his face, he just showed me the real Genesis. Indeed, he was the start of something, something that would cause me pain.

Mas inilapit n'ya pa sa rehas na bakal ang mukha n'ya para tuksuhin ako nang nakangisi. Dahan-dahan din naman akong lumayo sakan'ya. "Tss, kahit nakakulong ka na, napakapakipot mo pa din, Ezra. Com'on baby, I know you like me." He sounded so awful at mas nairita ako sa pambabastos n'ya. Magsasalita na sana ako nang---

"Get lost, Ivan," kalma lang naman ang boses n'ya nang sabihin 'yun pero napaka-maawtoridad, lalo na sa'kin, ang lakas ng dating nu'n.

"Ikailan ko ba dapat uliting akin s'ya?"

My heart raced beats in the very moment he said those words. Kahit na takot na takot na'kong mag-assume at magtiwala pa ulit ay hindi ko pa rin mapigilang isipin ng malalim lahat ng mga salitang galing sakan'ya.

I'm in Love with a CriminalWhere stories live. Discover now