Chapter 7: "Breakfast at Tiffany's"

12 1 0
                                    

Kumportableng nakatulog si Nadia sa bahay. Ni hindi nito namalayan ang oras at nagising na lamang nang makarinig siya ng ingay mula sa kusina. Galing ng kwarto ay agad na lumabas si Nadia at nakita ang isang dalagita sa kusina.

"Oh gising kana po pala!" aniya ng makita si Nadia
"Magandang umaga. Ako nga po pala si Maliya. Apo ni Nay Nita" dagdag pa niya.

"G-good morning. I'm Nadia" nagtatakang sagot ni Nadia.

"Pinapunta po ako ni Nanay para dalhan ka nitong agahan" sambit ng dalagita habang isinasalin ang mga dalang pagkain.

"Ha? Agahan? Pero bakit?" sagot ni Nadia na halatang nabigla sa narinig

"Alam po kase ni Nanay na bago lang kayo dito kaya malamang wala pa po kayong makakain. Hassle naman daw po kung hahanap pa kayo ng kainan, eh 'di nio pa kabisado 'tong lugar"

"Kahit na!... I mean, 'di na dapat kayo nag-abala... nakakahiya" sambit ni Nadia na 'di parin makapaniwala sa kabaitang ipinapakita ng mga taong ito sa kanya.

"Naku wag po kayong mag-alala. Ganyan talaga kami dito sa mga turista lalo na si Nay Nita"

"Maraming salamat talaga Maliya! Salamat!" sambit ni Nadia habang hawak ang kamay ni Maliya.

Niyaya ni Nadia na saluhan siya sa pagkain ni Maliya ngunit tumutol ito sapagkat kailangan na daw niyang bumalik dahil may ibang bagay pang gagawin. Bago ito umalis ay inalam muna si Nadia ang kanilang tirahan upang makabisita at personal na pasalamatan si Nay Nita.
Kahapon lamang niya nakilala ang matanda ngunit marami na agad itong tulong na binigay sa kanya.

Naglinis muna si Nadia sa bahay bago tumungo kina Nay Nita. Agad naman niyang natunton ang bahay dahil ilang hakbang lamang ito mula sa tinuluyan niya. Nang makarating sa bahay agad agad siyang pinapasok ni Nay Nita. Matapos niyang magsalamat ay iniabot niya sa matanda ang kunting halaga bilang kabayaran sa pagtira niya sa bahay. Ayaw pa itong tanggapin ni Nay Nita ngunit naging mapilit si Nadia.
Nang banggitin ni Nadia na nais niyang dito muna manatili sa Ivana at hahanap na lamang ng mauupahan ay sinabi ni Nay Niya na bakit 'di nalang ang bahay na iyon ang tuluyan niya. Tutal ilang dekada narin naman ng iwan iyon ng may-ari at naluluma lamang, dagdag pa ng matanda. Iginiit pa ni Nay Nita na hindi na kailangang magbayad pa ni Nadia para sa pagtuloy niya sa bahay ngunit tinutulan ito ni Nadia at sinabing hindi siya komportable sa ganoong set-up. Nangungupahan lamang si Nadia kung kaya kailangan niyang magbayad para rito. Sa huli'y napapayag niya rin ang matanda. Muli, labis-labis ang pasasalamat ni Nadia.

Pagkabalik ni Nadia ay minabuti niyang linisin na muna ang buong bahay dahil sa tagal nitong hindi natirhan ay puno ng alikabok at mantsa ang ilang sulok ng bahay. Habang naglilinis ay nakatanggap siya ng tawag mula kay Rebecca. Nangamusta lamang ito at tinanong ang kinaruruunan ni Nadia. Sinabi lamang niya na nasa isang maayos na lugar na siya ngunit hindi na niya binanggit kung saan. Binaba na ni Nadia ang tawag tsaka ipanagpatuloy ang paglilinis.

Lost in ParadiseWhere stories live. Discover now