Chapter 13 "Old School"

9 1 0
                                    

"Ivana Academy" malakas na basa ni Nadia nang makita niya ang welcome banner sa gate ng lugar na pinuntahan nila ni Maliya.

"Anong ginagawa natin dito Maliya? Dito kaba nag-aaral?" nagtatakang tanong ni Nadia kay Maliya habang iginagala ang paningin sa paligid.

"May pinapabigay po kase si Nay Nita kay Mang Castor" sagot ni Maliya kay Nadia habang ipinapakita nito sa kanya ang malaking supot ng plastik na bitbit niya.

"Ano palang nandyan?"

"Hindi ko rin alam ate Nadia. Pero mukhang binurong isda ata"

"Tsaka sino palang Mang Castor? Teacher niyo dito?"

"Naku hindi po. Si Mang Castor at Nay Soledad, care taker po sila nitong school kaya dito na rin sila nakatira"

"Aaah... talagang magkakakilala halos lahat ng tao dito sa Ivana no?"

"Maliit lang po ang Ivana at konti ang populasyon kaya lahat talaga magkakakilala"

"Sa bagay... O sya, lika na ibigay na natin yan"

Agad ring pinasok ng dalawa ang paaralan. Habang naglalakad ay iginagala rin ni Nadia ang paningin niya sa paligid at hindi maiwasang mamangha sa mga establisyemento na nakikita niya. Summer vacation raw ngayon ayun kay Maliya kaya wala ni isang estudyante dito. Malaki ang paaralan na ito ng Ivana, ngunit bakas ang kalumaan sa mga building nito. Sa bungad ay makikita agad ang malawak na field ng eskwelahan, ngunit ang kapansin-pansin ay ang maaliwalas na ambiance nito dahil sa bawat sulok ng paaralan ay makikita ang iba't ibang disenyo ng halaman at mga puno na siyang nagpaganda sa paligid.

Patuloy lang na sinusundan ni Nadia si Maliya na tila hindi rin alam kung saan pupunta.

"Teka... parang wala dito si Mang Castor" ani Maliya habang sinisipat ang isang mistulang bahay kubo sa loob parin ng eskwelan.

"D'yan ba sila nakatira. Di ko alam na may bahay rin pala dito sa loob" nagtatakang sambit ni Nadia.

"Opo. Pero mukhang walang tao... baka nasa classroom... tayo na ho!"

Agad ring sumunod si Nadia kay Maliya na ngayon ay patungo naman sa mga silid-aralan. Nang makarating ay isa-isa rin nilang sinilip ang mga silid-aralan mula sa corridor na kanilang nilalakaran. Malaki ang bintana ng bawat silid na tinatakpan ng mga kurtina na siya namang hinahawi ng preskong hangin mula sa labas kung kaya agad ring makikita ang loob nito. Nalibot na nila ang unang palapag ngunit wala parin doon ang hinahanap ni Maliya. Maya-maya pa'y nagsabi si Maliya na siya na lamang ang mag-iikot, pumayag na rin si Nadia upang mapabilis ang paghahanap ni Maliya tutal kabisa naman niya ang paaralan.

Habang mag-isa ay patuloy lamang na nililibot ni Nadia ang tingin niya sa paligid hanggang sa maagaw ang atensyon niya ng isang nakasaradong silid.

"Art Room" bigkas niya sa placard na nakadikit sa pinto ng silid.

Sinubukan niya itong buksan at napangiti siya ng malamang hindi naka-lock ang pintuan. Agad siyang pumasok rito at hindi niya maiwasang mamangha sa nakikita niya. Punong puno ng gamit pang sining ang silid. Hindi kalakihan ang kwarto kung kaya mapapansing hitik sa gamit ang loob nito. Agad niyang nakilala ang mga gamit pampinta, pangguhit, pang-iskultura, seramika, potograpiya at iba't-iba pang kagamitan na may kinalaman sa sining. Ngunit napansin niyang maalikabok na ang ilan sa mga ito, marahil ay madalang lamang magamit ang mga ito. Naroon rin ang ilang mga sample artworks na tingin niya ay gawa ng mga estudyante dahil kakat'wa ang anyo ng mga ito. Mahalagang parte sa buhay ni Nadia ang sining kung kaya ganon nalang ang galak sa puso niya nang mapasok niya ang Art Room na ito. Samantala habang abalang sinisiyasat ng dalaga ang mga paintings ay bigla nalang...

"Anong ginagawa mo dito hija" sambit ng isang matandang lalaki na kakapasok lamang sa silid.

Nabigla si Nadia nang marinig niya ang tinig na iyon mula sa kanyang likuran. Agad siyang napalingon at nakita ang matanda.

"Aaah... eehh..... magandang umaga po. Ako po si Nadia" magalang na tugon ni Nadia

"Nadia?... Parang ngayon lamang kita nakita hija... Anong ginagawa mo dito sa art room?" nagtatakang sambit ng matanda habang maiging kinikilala ang mukha ng dalaga.

"Ummm... k-kasama ko po si Maliya. Estudyante po siya dito" nag-aalangang sagot ni Nadia. Kailangan niyang sumagot ng tama upang hindi mag-isip ang matanda ng kung ano. Biglang sumagi sa isip niya ang sinabi ni Maliya kanina...

"May pinapabigay po kase si Nay Nita kay Mang Castor"

"Sandali, kayo ho ba si Mang Castor?" dagdag ni Nadia nang maalala niya ang sinabing iyon ni Maliya.

"Ako nga..."

"Kanina pa po namin kayo hinahanap ni Maliya. May pinapabigay po kase si Nay Nita"

"Ganon ba... Teaka sandali, apo ka rin ba ni Anita? Ngayon lamang kita nakita"

"Naku hindi po. Kakalipat ko lang po dito sa Ivana, pansamantala po akong naninirahan sa bahay kalapit nina Nay Nita"

"Ahhh ganoon ba. E nasaan na si Maliya? tsaka ano't andito ka sa art room?"

"Iniwan po ako ni Maliya sandali para hanapin po kayo. Na-curious naman po ako nang makita ko 'tong art room, hindi po na-lock kaya pumasok na ako. Sorry po"

"Ayos lang naman hija. Bukas naman lagi itong paaralan sa mga taga-Ivana, nagtaka lamang ako nang makita kita, hindi ka kase pamilyar isa pa bihira lang ang pumapasok sa silid na ito. Iilan lamang sa Ivana ang mahilig sa sining."

"Gawa po ba ng mga estudyante ang mga ito" sambit ni Nadia habang sinisiyasat ang mga paintings na naka-display sa silid

"Siya nga."

"Maaayos naman po ang mga ito. Mahusay ang pagkaka-blend ng mga kulay na nagpaangat sa texture nito. Tingin ko kailangan lang nila ng konti pang gabay at insayo"

"Pintor ka ba hija?" diretsong tanong ng matanda matapos nitong marinig ang husga ni Nadia sa mga paintings.

Hindi agad nakasagot si Nadia sa tanong ng matanda. Palagay niya'y napuna ng matanda mainam na pagsiyasat niya sa mga paintings at sa kung paano siya nagbigay ng propesyonal na opinyon ukol dito.

"P-pano niyo po–"

"Tama ako!.. Detalyado ang sinabi mo ukol sa mga paintings hija. Maalam lamang sa pagpinta ang nagbibigay ng ganoong pahayag."

"Nagpipinta rin po kayo Mang Castor"

"Noon, bilang libangan. Pero hindi na kaya ng mga nanginginig kong kamay ngayon." pabirong sambit ng matanda.

"Nga pala hija. Sinabi mo kaninang hinahanap ako ni Maliya, hindi ba?" dagdag pa nito.

"Oo nga pala... Nako, kanina pa ata naghahanap yung batang yun" nag-aalalang sambit ni Nadia nang maalala niya si Maliya.

"Oh tayo na! Alam ko kung saan siya aabangan para agad niya akong makita"

Agad ring lumabas ng Art Room ang dalawa. Sinusundan lamang ni Nadia si Mang Castor patungo sa sinasabi nitong lugar para abagan si Maliya. Maya-maya pa'y nakita na nila si Maliya na patakbong lumalapit sa kanila. Agad ring binigay ni Maliya sa matanda ang pinapabigay ni Nay Nita dito. Niyaya pa sila ni Mang Castor na dumaan sa kanilang bahay para doon na magtanghalian na s'ya namang tinanggihan nina Maliya at Nadia. Pagkatapos nito ay agad ring umuwi ang dalawa.

Lost in ParadiseWhere stories live. Discover now