Chapter 14 "The Nightmare"

3 0 0
                                    

"Umaga iyon ngunit makulimlim ang langit. Malakas ang buhos ng ulan ngunit mas malakas ang naririnig na pagtangis. Marahang naglalakad ang mga taong nakaitim na tila naghihinagpis. Sa unahan nila'y puros matatanda na tila orasyon ang sinasambit. Sa gitna ng mga taong ito ay isang musmos na batang babae. Nakatingin lamang ito sa kawalan habang nakasunod sa mga tao sa kanyang unahan. Tangan nito sa kanyang munting mga braso ang larawan ng dalawang taong masiglang nakangiti sa kanilang imahe. Halata sa mukha ng batang ito ang pagkalito sa nangyayare, hindi niya alam kung ano ang ginagawa ng mga taong kasama niya o kung bakit siya naroon. Gayon pa man isa lang ang sigurado, malungkot siya, bakas ang lungkot sa mga mata ng batang ito."

Napabalikwas sa kanyang hinihigaan si Nadia ng biglang magising mula sa pagkakatulog. Napabuntong hininga siya nang malamang panaginip lamang iyon. Ngunit hindi na bago kay Nadia ang panaginip na iyon dahil madalas niya itong napapaginipan mula pa noon subalit iba ito ngayon, mas mahaba at detalyado, isa pa ilang taon na rin mula ng huling lumabas ang senaryong iyon sa kanyang panaginip, ngayon na lamang ito muling naulit. Sandaling nagtalo ang isip ng dalaga, panaginip nga lang ba iyon o isang alaala. Kung ano man iyon, natutunan na itong isantabi ni Nadia.

~~

Sa halos isang buwan na pananatili ni Nadia sa Ivana ay naubusan na ito ng pera upang panggastos niya sa araw-araw. Paubos na ang lahat ng perang bitbit niya ng lisanin niya ang Maynila. Kaya ngayon ay narito siya sa isang siyudad malapit sa Ivana para lamang sa ATM Machine. Kinailangan niyang bumyahe ng dalawang oras dahil wala ni isang ATM Machine sa Ivana. Ayun kay Ivan, ito raw ang pinakamalapit na siyudad kung saan makakakita ng mga makabagong teknolohiya at serbisyo na wala sa Ivana. Pakay ng dalaga na mag withdraw ng dagdag na pera sapat upang matustusan niya ang pangangailangan habang nananatili sa Ivana. Matapos magtanong-tanong ay sa wakas nakahanap rin si Nadia ng ATM Machine, sa labas lamang ito ng isang maliit na mall. Pinark nya muna ang kanyang sasakyan at agad na tumungo sa ATM Machine dala ang pitakang puno ng iba't-ibang klaseng cards, mula rito ay pumili siya ng isa sa mga cards at tsaka sinimulang ipasok sa makina. Ngunit ikinabigla ni Nadia ang nakita niya sa monitor ng makina, invalid na raw ang card na ipinasok niya. Sinubukan niyang muling mag-inquire ngunit ganon parin ang resulta. Agad rin siyang lumipat sa katabing ATM Machine ngunit ganon parin ito. Labis ang pagkadismiya ni Nadia.

"Anong nangyare sa card na 'to?! Ano ng gagawin ko ngayon??" dismayadong sambit ni Nadia.
Tsaka sumagi sa isip ni Nadia na tawagan ang bangko na may hawak sa kanyang account. Kinuha niya ang cellphone at agad na tumawag sa bangko.

Ring... ring—-

"Good Morning! You've reach VDO customer service department. I'm Lara, how can I help you"

"I can't access my ATM card... it says invalid"

"I'm sorry for the inconvenience ma'am. Don't worry, I'm here to assist you. For me to proceed, can you provide me your account number?"

"123456789"

"Oww, is this Ms. Nadia Nunley?"

"I am"

"It's been a while Ms. Nunley... how are you?"

" I'm fine?... so what happened to my account?"

"Ummh... I'm currently looking into your account and it says... I'm sorry, but it is temporarily inactive"

"What??? I mean why?.. what happened?"

"I'm sorry Ms. Nunley but this is due to our system update. There are some information that needs to be updated and discussed with our long-term customers. We're trying to get in touch with you for the past 3 months but we got no response. That's why the system automatically changed the status of your account for security purposes."

"I see... I just had a personal matter to deal with.... Anyway, what should I do now? I badly need my card now"

"I'm sorry Ms. Nunley but as much as I want to activate you account now, I can't do that because for it to be activated, the required information needs to be updated first.

"Can't we do that over the phone"

"My apologies Ms. Nunley but it must be done personally since there are papers to be signed as well. If you want we can have our representatives visit your place for your convenience but that actually takes almost a month. The best way I can advice is for you to drop by here so we can reactivate your account right away"

"Hmmm... I think I have no choice but to do the latter"

"We will look forward for your visit Ms. Nunley! I'm sorry again for the inconvenience"

"I'm good. I'll just call you back"

"Anytime Ma'am. Have a great day!"

"You too. Bye"

Agad ring ibinaba ni Nadia ang tawag. Halata sa mukha nito ang pagkadismaya. Sinadya niya ang siyudad na ito kahit na kinailangan niyang bumiyahe ng dalawang oras para lamang makapagwithdraw ng pera ngunit wala rin siyang napala. Labis siyang nadismaya, ngunit hindi sa bangko o sa nangyare kundi sa kanyang sarili. Alam niyang walang ibang may kasalanan sa nangyare kundi siya. Na-deactivate ang account niya dahil naging pabaya siya, at naging pabaya siya dahil hinayaan niya ang sarili na magpakain sa depresyon bunga ng pagkawala ni Joshua. Sa ilang buwan na pagmumukmuk ni Nadia, isinantabi niya ang maraming bagay na parte ng pang araw-araw niyang buhay. Ikinulong niya lamang ang sarili sa kwarto, sa bar, at sa ilang lugar na madalas nilang puntahan noon ni Joshua. Kinalimutan niya ang trabaho, business, libangan, social life, at higit sa lahat ang kanyang sarili. Habang tumatakbo ang lahat ng ito sa isip ni Nadia, hindi niya maiwasang maawa sa sarili at magsisi. Ngunit huli na ang lahat, sinusubukan na niyang umusad kaya dapat hindi na niya inaalala pa ang mga nangyare.
Matapos ang isang malalim na buntong hininga ay agad na lumakad si Nadia patungo sa lugar kung saan niya pinark ang sasakyan. Nang marating ito ay sinimulan niya na ring magmaneho pabalik sa Ivana. Habang nagmamaneho ay natatanaw ni Nadia mula sa sasakyan ang iba't-ibang bagay na balak sana niyang bilhin gamit ang perang makukuha niya ngunit bigo siya. Iniisip niya ngayon kung paano niya pagkakasyahin ang perang natitira pa sa pitaka niya.

Lost in ParadiseTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang