Kabanata 9

175 8 0
                                    

I want

"So totoo pala na ikaw nga ang bagong Organizer nina Aries?" The girl with a red lipstick asked. Para siyang isang babaeng kontrabida sa isang pelikula.

"Bakit?" I asked with a serious tone. Nandito ako ngayon sa cafeteria mag isa dahil si Janella ay busy sa dance club. At habang kumakain lumapit sa akin ang babaeng to. Sa loob ng tatlong linggo na pagiging Organizer ng kanilang banda, palagi ko na lang naririnig ang tanong na ito. Madalas din akong tarayan ng iba dahil dito. Alam ko naman na mangyayari ito kaya nga iniiwasan kong makita nila akong kasama ang banda para hindi na magkaroon ng maraming issue.

"Kung ako sana ang pinili e di sana nasa magandang kamay ngayon ang banda. Ikaw ba ano bang kaya mong gawin para sa kanila?" She asked with an eyebrow furrowed. Hindi nga ako nagkaroon ng question and answer kina Aries pero sa kaniya meron?

Tumayo ako at tumitig sa babae na hanggang ngayon ay may pagmamalaki sa mga mata.

"Wala akong dapat patunayan sayo." Madiin kong sinabi bago siya tinalikuran at umalis doon.

Napabuntong hininga na lang ako nang maramdaman ang titig ng mga estudyante sa akin habang ako'y naglalakad. Halos lahat kasi ng nasa campus ay alam na ang tungkol sa akin. Nakatungo akong dumiretso sa next subject ko. Pagkatapos ng klase ay nakatanggap ako ng text kay Hercules na pumunta daw ako sa gym kaya doon ako dumiretso.

Pagkarating ko doon ay nakita ko ang mga varsity player ng paaralan. Nasan na ba yung lima? Luminga ako sa buong paligid at nakita ko si Hercules na nagdidribble ng bola. Kaya naman lumapit ako sa kaniya.

"Bakit dito mo ako pinapunta?" Tanong ko. Bumaling siya sa akin at ngumisi.

"Hindi naman ako ang nagpapunta sayo dito eh. Si Aries." He said while smiling playfully. Hindi ko maiwasan ang kabahan, nilibot ko ang paningin sa buong paligid at nakita ko si Aries na papalapit sa akin. Gusto nang kumawala ng puso ko sa sobrang kaba!

Buti na lang wala nang tao sa buong gym at kami na lang anim ang nandito!

"You'll stay here until we're done, alright?" Aries said with a smile. Para akong natutunaw sa kaniyang ngiti.

"P-Pwede naman akong manatili na lang sa Music Room-"

"No. You'll watch." He declared. Nanglaki ang mata ko hinawakan niya ang kamay ko at hinila ako paupo sa isang bench. Damn! My heart is beating fastly! Hindi ko matanggal ang tingin sa magkahawak naming kamay, pero binitawan niya din naman ito ng makaupo na ako.

"Dito ka lang." Sabi niya bago ako iniwan doon.

Pinagmasdan ko silang lima na nakasuot ng mga varsity shirt, nang nagsimula na silang magdribble at mag shoot ay hindi ko maiwasan ang tumitig kay Aries. His sweat on his forehead is tracing his jaw. His veins in his arms is just so hard to ignore. Ang kaniyang katawan ay pangarap ng lahat ng babae. He's almost perfect!

Sa buong oras na nagpapractice sila ay nandun lang ako, nanunuod. Nang matapos sila ay lumapit silang lima sa aking direksyon. Orion get his duffle bag at walang imik na pumasok sa locker room. Si Hercules at Perseus naman ay may pinagtatalunan sa isang bagay, ngunit dumiretso din sa locker room. Si Leo naman ay kinuha din ang mga gamit niya, at ngayon kami na lang ni Aries ang naiwan.

"I'm sorry for making you wait, may pupuntahan kasi tayo after this." He said, nakita ko ang pagtingin niya sa isang bottle ng minerals sa aking tabi. Lumunok ako at kinuha ito.

"Ahh w-water." Inilahad ko sa kaniya ang tubig. He smiled before he get the bottle. Binuksan niya ito at hindi ko namalayan na nakatitig na ako sa kaniya habang nilalagok niya ang tubig. His adams apple is moving while drinking the water at hindi ko man sabihin na harapan, pero ang gwapo gwapo niya talaga!

"Just wait me here! I'll just shower!" Sabi niya at umalis.

Lumipas ang ilang minuto at isa isang umalis na din yung apat kaya si Aries na lang ang naiwan sa loob ng locker room. Tumayo ako ng makita ko si Aries na tapos na. He's now wearing a black t shirt and a maong pants and his black boots.

"Let's go." He said. Tumango ako at sumabay na sa kaniya sa paglalakad. He wear his sun glasses and a bull cap to hide his identity. Ang hirap talaga kapag sikat.

Nang malapit na kami sa kaniyang sasakyan ay hindi ko na mapigilan ang magtanong.

"Saan tayo pupunta?" I asked.

"We need to buy the accessories in our instruments, sinama kita dahil ililista mo yung mga kukuhain natin. Hindi ko kasi maaasahan yung apat na ugok." He said.

Natawa ako sa pagtawag niya dun sa apat. Napailing na lang ako.

Habang nagdadrive kami sa mall daw na pagbibilhan namin ay tahimik lang kami. But I can't help to ask this.

"Paano kung makilala ka?" I asked. Bumaling ako sa kaniya. Nakita ko ang pagngiti niya sa tanong ko pero ang mga mata ay nasa daan.

"Hindi yun mangyayari. I've been doing these for a long time. And I'm an expert." He said. Tumango ako dahil totoo naman ang sinabi niya.

Sa tagal niya nang sikat alam kong sanay na sanay na siya sa ganitong gawain.

Nagpark lang siya sa parking lot bago kami pumasok sa mall. Medyo kaunti ang tao. Habang naglalakad ay kasabay ko si Aries. He's so tall na hanggang leeg niya lang ako. Matangkad naman ako bilang babae pero dahil matangkad siya nangliliit tuloy ako.

Kahit naka bullcap at sun glasses na siya madami pa din ang napapalingon sa kaniya, siguro dahil malakas talaga ang dating niya kahit maging simpleng tao lang siya.

"Dito tayo pupunta Chandria." Sabi niya sabay higit sa aking kamay, kaya naman sa ikalawang pagkakataon we're holding hands like a lovers. Nag init ang pisngi ko sa naisip. Ano ba Chandria! Itigil mo yang masamang iniisip mo!

"Ano pong kailangan niyo, Sir?" Tanong noong sales lady. Nakita ko pa ang pagkakamangha nung babae sa kaniya. Talaga naman! Ganito ba talaga ang mga babae ngayon? Ang lilinaw ng mga mata ah? Alam na alam na gwapo kahit itinatago na ang mukha!

Sinabi ni Aries ang mga kailangan namin, ako naman ay inilista ko ito sa aking notes sa aking phone.

Nakita ko ang pagtingin sa aking nung babae at kumunot ang noo ko ng ngumiti din siya sa akin.

Ibinigay niya ang mga binili ni Aries at sumulyap ulit sa akin.

"Ma'am...Sir...bagay na bagay po kayong couple!" Halata ang kilig nito sa amin. Nanglaki ang mata ko sa sinabi niya. She looked at our hands na ngayon ay magkahawak pa din! Kinabahan ako, baka kung anong isipin ni Aries!

"Ha?! hindi-" tatanggalin ko na sana ang kamay ko kay Aries pero agad niya itong hinagilap at ngumiti sa babae. Anong ginagawa niya?

"Thank you miss." Aries said tapos hinigit niya ako palabas ng store.

Wala akong imik habang naglalakad kami palabas ng mall. Madilim na ang kalangitan pagkalabas namin. Patuloy na dumadagundong ang aking puso dahil hanggang ngayon ay hawak niya pa din ang aking kamay.

"Bakit mo iyon sinabi-"

"Sakyan na lang natin ang sinasabi nila kaysa mabuking ako diba Chandria?" He said.

Humigpit ang hawak niya sa kamay ko. Nasa madilim na parte kami ng parking lot sa tapat ng kaniyang sasakyan, hindi ko malaman kung bakit hindi pa kami sumasakay.

"Ah...okay...lang...naman...sa akin." Mabagal ko iyong sinabi. Pumikit ako ng mariin at tumungo.

Kinabahan ako ng iangat niya ang aking baba at nagtama ang mata namin. Kahit madilim kitang kita ko ang seryoso niyang mga mata. Why? Why is he doing this to me? Why is he making me so nervous? Why I feel this way towards him?

"Am I making you uncomfortable?" He said with a serious tone. My heart beat so fast. My knees are shaking so bad!

"H-Hindi naman-"

"Tell me the truth Chandria." He said. Kinabahan ako. Kung bakit kami nasa ganitong sitwasyon ay hindi ko na alam. Siguro this is his way to be a good friend to me?

"A-Ano kasi...ayos lang n-naman talaga...promise!" I said desperately para matapos na ito. Ibinaba niya ang kamay na nakahawak sa aking baba. Binitawan niya din ang aking kamay. He smiled at me before he whispered.

"This is what I want with you, Chan.."

The Last Words of a Song (TCB#1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon