Kabanata 10

158 12 0
                                    

It can't

Punong puno ang schedule ng The Constellation band ngayon. Meron silang fan meeting, interviews, gig, at marami pang iba. Kaya naman busy din ako dahil ako ang nag oorganize kung anong araw ito patatamain.

Napabaling ako sa pintuan ng Music Room ng pumasok doon si Perseus. Nakangisi ito sa akin at umupo sa aking harapan. May sarili na din kasi akong upuan dito sa Room.

"Busy ah!" Bumaling ako sa kaniya. Napakaingay talaga ng lalaking ito.

Luminga linga siya sa paligid at bumaling muli sa akin.

"Nasan si boss Aries?" He asked while looking at me with a smirk in his face.

"May klase pa." Sigurado kong sinabi. Memorya ko na din kasi ang schedule ni Aries simula ng maging Organizer ako.

"Aba! Alam ah! Bakit yung schedule ko hindi?" Natatawa niyang tanong. Uminit ang pisngi ko at nag iwas ng tingin, ipinagpatuloy ko ang aking ginagawa.

"Aminin mo, may gusto kay Boss ano?" He asked. Nanglaki ang mata ko at agad kinabahan. Damn this boy! Hindi ako lumingon sa kaniya sa halip ay binalewala ko na iyon dahil kung sasagutin ko iyon alam kong hahaba pa ang usapan.

"Chandria...aminin mo na kasi-"

"Titigil ka o titigil?" Hindi ko na napigilan ang tumingin sa kaniya ng masama. Nagulat ata siya kaya medyo natawa. Tinaas ang kamay na para bang nagpapatalo na.

"Chill! Tsk! Ang init talaga ng ulo ng mga babae ngayon! Hindi ko naman kasalanan na masyado akong hot!" He said. Tumaas ang kilay ko dahil sa kahanginan niya. Tumayo siya at lumabas na habang tumatawa. Napailing ako. Muntikan na yun ah!

Matapos kong maayos ang kanilang schedule pumasok na ako sa next class ko. Buti na lang dahil walang home works ngayon kaya medyo bawas sa stress, malapit na din kasi ang exam kaya kailangan kong mag review.

"Chandria!" Napalingon ako kay Janella na tumatakbong papalapit sa akin. She look exhausted. Hinihingal siya habang nasa harapan ko, kunot noo ko naman siyang tiningnan.

"Why? May problema ba?" Tanong ko ng makita ko ang kaguluhan sa kaniyang mga mata. Hinigit niya ako patungo sa isang tahimik na parte ng building. Tapos na kasi ang klase kaya halos wala na ding estudyante ang dumadaan.

"Hindi mo pa ba naririnig ang chismis?" She asked. Kumunot ang noo ko. Chismis? Parang wala naman akong narinig?

"Hindi, bakit?" Bumuntong hininga siya at tinitigan ako ng mabuti.

"I heard that Aries and Lerissa is officially together!" She declared.

Napatigil ako sa kaniyang sinabi. Nakaramdam ako ng kirot sa aking puso, umiwas ako ng tingin kay Janella.

"A-Ano naman kung sila na nga? Hindi na dapat tayong makielam Janella." Matamlay kong sinabi.

"Chandria, alam kong-"

"Janella, Organizer lang nila ako. Labas na ako sa mga ganiyang bagay." Sabi ko. Naglakad na ako paalis at sinabayan niya ako.

"I know that you like him, and it's okay to be hurt. Pero ayos lang ba talaga sayo?" She asked concerned.

Bumuntong hininga ako, at nagpatuloy sa paglalakad habang nakatungo.

"Okay lang naman. Hindi pa naman malalim, Janella." I said.

Hindi nga ba? Hindi pa nga ba malalim ang nararamdaman ko? O sarili ko lang niloloko ko? Alam ko kung ano ito. Nasaktan ako nang marinig ko ang balita. At alam kong ang simpleng pagkagusto ay hindi ito mararamdaman. Isang matinding damdamin ang nararamdaman ko. Ayaw ko mang aminin sa sarili ko pero alam kong nahuhulog na ako, matagal na.

Buong gabi ko itong inisip. Ano naman kung meron na siyang iba? Isa lang naman ako sa mga babaeng nagkakagusto at humanga sa kaniya. Hindi ko dapat ito maramdaman dahil wala akong karapatan.

Nang dumating ang Sabado ay naghanda na ako dahil may gig ngayon ang banda sa isang sikat na club. Pero mamaya pa namang gabi yun. Buong araw lang akong nasa bahay ngunit hindi mawala sa isip ko ang mga nalaman. Nakakainis! Bakit ba hindi ito mabura sa isip ko?! Kung pwede lang talagang ipukpok sa pader ang ulo para matanggal ang iniisip ko nagawa ko na.

Nakatulala ako sa aking kwarto ng marinig ko ang isang tawag sa aking cellphone, sinagot ko ito nang hindi tinitingnan kung sino ang caller.

"Hello?" Walang gana kong sagot.

"Kagigising mo lang?" Pamilyar na boses ang narinig ko sa kabilang linya. Agad akong nakaramdam ng kaba ng marealize kung sino iyon. I checked the caller and it says Aries! Bakit siya tumawag?

"Aries?" Gulantang kong nasabi, napatakip pa ako sa aking bibig. Kung may nakakakita sa akin ngayon, mapagkakamalan akong baliw. Humalakhak siya sa kabilang linya.

"I'm sorry if I disturbed you. Are you busy?" He asked. I swallowed hard before I answered him.

"H-Hindi, okay lang naman." Sana hindi halata ang boses kong nangingilig. Hindi ko na alam kung ano ito, baliw na ata ako.

"Is it okay if I ask you to go somewhere?" He said. Kinabahan ako, bakit ako? Ang dami dami niyang pwedeng sabihan ng ganiyan, bakit ako? Bakit hindi si Lerissa?

"Ahh, baka...meron pala yata akong gagawin, kung gusto mo pwede naman yata si Ler-"

"But you just said earlier that you're not busy?" Nararamdaman ko na ang pagtataka sa kaniyang boses. Kinabahan ako lalo. Paano ba ito?

"A-Ano...ay! Wait lang, tinatawag ako ni mama. Bye!" Sabi ko at pinatay ang tawag. Mariin akong napapikit at nagpapadyak sa kama. Nakakainis! Arghhh!

Nakita kong tumawag ulit siya pero hinayaan ko na iyon at hindi na sinagot. Pasalampak akong humiga sa kama at hindi na alam kung anong gagawin. Wala na akong mukhang maihaharap kay Aries!

Nang dumating ang gabi ay kinabahan agad ako. Ibig sabihin makikita ko si Aries? Parang ayoko nang pumunta ah! Pero alam kong wala akong magagawa. Nag ayos na ako, at ang napiling suotin ay isang off shoulder white dress at isang boots na may heels. Nang dumating na ang tamang oras ay lumabas na ako ng bahay, papara na sana ako ng taxi ng may makita akong pamilyar na sports car. Tinambol ng kaba ang aking dibdib. It can't be Aries!

Pero nang lumabas si Aries sa driver seat na may seryosong mukha, lalong dumoble ang kaba ko.

The Last Words of a Song (TCB#1)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang