Blue 39

16.9K 424 10
                                    

“What brought you here?” agarang tanong ko at iginayak siya papasok.

Hindi ito nagsalita at tiningnan lang kami. Stella and Stacy are living with us. Kami nalang din naman kasi ang natira. Minsan naiisip ko na kung hindi nalang sana nila kami niligtas buhay pa sana sila ngayon.

Ang sakit kasi eh. Sobrang naiinis ako kay thunder pero ngayon ko lang nalaman na hindi ko pala kaya kapag hindi ko siya makikita araw-araw. Mas okay pa sakin kung asarin niya na ako oras-oras.

“Have you eaten?” tanong nito samin. Hindi umimik ang mga ito kaya ako nalang ang sumagot.

“Hindi pa..” sagot ko at agad na humilata sa sofa. Wala kaming ganang kumain.

“Let's eat.”

Napapantastikuhang napatingin ako sakanya miski ang mga kasama namin. What's with him?

“We're full. Thanks.” bagot na saad ni Stacey.

Hindi umimik si Crust at nagtungo nalang sa kusina namin.

Nagkatinginan kami.

“What's with him? Bakit andito siya?” tanong sakin ni Stella.

I shrugged. “Hindi ko alam.”

Silence.

Silence.

“I miss him... I miss them..” naluluhang saad ni Stella. Bigla akong nakaramdam ng lungkot

Mahinang napabuntong-hininga ako. Kahit itanggi ko pa ito ay hindi parin mawawala na sobrang miss na miss ko siya.

“The food is ready everyone..” napatingin kaming lahat kay Crust. He's standing in front of us wearing his infamous cold eyes.

“B-busog kami..” mahinang saad ni Fiona. Nagsalubong ang kilay niya.

“We are going to eat whether you like it or not, I'm hella hungry..” he roared. Agad na napatayo kami at napatungo sa kusina.

Biglang kumalam ang sikmura ko ng makita ang nakahandang pagkain. Ang sasarap. Sunny side up eggs, apple juice, bacons, hotdogs.

“Have a sit..” he said kaya walang pagdadalawang isip na umupo kami.

Napatingin ako sa mga kasama namin na nangingining rin ang mga mata.

First time ni Crust magluto para samin, kung magluluto naman siya para lang sakanila ni Grey, minsan ko ng natikman ang luto ni Crust ang masasabi kong ang sarap niyang magluto. Ewan ko miski hotdog ang lulutuin niya masarap.

Dali-dali akong kumuha ng ulam at ng kanin. Mas lalong nangningning ang mga mata ko.

“You're drooling Aestro.” Crust stated. Napakurap-kurap ako at napayuko.

“A-ang sarap.” bulong ko at mas lalong ginanahan ang pagkain.

Matapos kaming kumain ay akmang magboboluntaryo kami sa paghuhugas ng tanggihan niya. Kaya heto kami ngayon nagkakatinginan.

“Okay lang ba siya?” nag-aalalang tanong ko. Baka kasi may sakit siya kaya nagkaganoon.

“Ewan ko sakanya. Baka nasapian.” sagot ni Fiona at nagkibit-balikat.

Silence.

Silence.

Silence.

Ano bang nang ginagawa niya rito? Sanay na naman kami eh. Sanay na palagi nalang kaming binabaliwala at iniiwan.

“Why are you girls so sad?” napahawak ako sa dibdib ko ng may nagsalita.

Napatingon ako rito na walang-emosyong nakatingin samin.

Blue Academy: A girl pretends to be a nobodyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon