Untitled

600 6 0
                                    

Nang nakilala ka'y di na alam ang totoo
Tila ba panaginip lahat ng nangyayari sa paligid ko,
Kislap ng iyong mata nais ko'y laging makita
At tinig mo'y hinahanap hanap ko na.

Araw-araw akong nananaginip
Ngunit di ako naiinip
Dahil ikaw laman ng aking isip
At siyang tibok nitong dibdib.

Para kang bulaklak sa hardin
Kay sarap mong pagmasdan,
Ngunit bawal pitasin
Tanggap ko na, ika'y di magiging akin.

Isa kang bituin,
Sa gabing madilim
Ilang beses man akong humiling
Ika'y para sa kanya at di para sa akin.

Tinig mong kay sarap sa pandinig
Siyang hinahanap-hanap sa gabi
Nagpapakalma saking damdamin,
Damdaming hindi ko maamin.



PoemsWhere stories live. Discover now