Tanging Ina

259 6 0
                                    

Sa araw na ito ay binabati ko kayo,
Kayo na syang ilaw ng tahanan
Tagapagluto ng ihahain sa hapagkainan,
Kayo po na syang gumigising ng maaga para sa aming inyong mga anak.

Hindi lamang ito pagbati sa mga butihing Ina
Isa rin itong pagbati sa aming butihing mga Tita o Tiya,
Na nagsilbing ikalawa naming Ina.

Ang pagiging isang Ina ay Hindi ang pagluwal ng isang sanggol na mula sa iyong sinapupunan,
Ang pagiging isang ina ay nasa puso at isipan,
Salamat sa mga sakripisyo at pagmamahal nyo,
Saludo po ako sa inyo.

PoemsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon