Tagahanga

195 4 0
                                    

“Tagahanga”

Nakangiti ako habang nakatingin sa litrato mo
Masakit pero hanggang dito lang talaga ako,
Gusto kitang abutin,
Pero alam kong kailanman di ka magiging akin.

Laman ka ng bawat panaginip ko,
Lagi kang laman ng isip ko
Alam ko na yata lahat ng tungkol sayo,
Kabisado ko ang tinig mo, ang tawa mo at kahit ang ngiti mo.

Tinitipid ko ang sarili ko para sa'yo,
Makita man lang kitang nasa entablado,
Masakit pero tanggap ko,
Tagahanga lang naman ako, ni hindi mo nga alam na narito ako.

Puno ng litrato mo ang telepono ko
Nakalimutan ko na yata ang sarili ko
Pero ikaw, di mo pa rin alam na tagahanga mo ako
Sa bawat kanta mo nakikisabay ako pero naririnig mo ba ko?

Tagahanga lang ako,
Kahit anong gawin ko di kita maabot dahil ang layo mo,
Tagahanga lang ako pero umaasa ako
Na kahit minsan magkikita tayo
Para malaman mo na nandito ako, simula nung umpisa.

Para masabi ko sa'yo na binago mo ang buhay ko,
Natuto akong magtiis, natuto din akong magmahal kahit walang kapalit,
Natuto ako maghirap para makamit ang pangarap
Natuto akong maghintay para sa tagumpay.

Ako lang 'to, ang tagahanga mo,
Nanonood ng fancams mo
Inaabangan ang IG live mo
Inaabangan lahat ng tweet mo.

Ako to, nagtitipid para sa poster mo
Nagpupuyat para mapanood ang teaser mo
Umiiyak dahil sa maling pagtrato sa'yo
Sumusuporta kahit na di mo alam kung sino ako.

©Liane Kristel

PoemsWhere stories live. Discover now