Anime pt. 2

52 9 13
                                    

-Stella-

"Andre?"

Lumingon ako sa paligid ng makalabas ako ng bahay. Umuulan pero ang lakas ng loob niyang umalis, wala pa siyang dalang payong, hay nako.

No choice ako kundi sumulong din sa ulan.

Una kong pinuntahan ang garden ng rest house pero wala siya dun, wala din siya sa backyard kaya napag-desisyunan kong lumabas na.

Di alintana ang pagpatak ng ulan saking katawan at ang simoy ng malamig na hangin. Patuloy pa rin ang aking paghahanap.

Napayakap na lang ako sa sarili dahil sa lamig.

Mas malamig pa rin siya kesa sa hangin, hmph.

Iwinaksi ko ang pagiinarte ko at mas inalala si Andre.

Baka kung ano na nangyari dun, batang yun talaga.

Napabuntong hininga na lang ako habang naglalakad sa gilid ng kalsada.

Pawang napalitan ng aliwalas ang mukhang dati'y puno ng pag-aalala.

Lakad takbo na ang ginawa ko ng makita ko si Andre na nakaupo sa isang bus stop. Naka-tapat ang braso niya sa mata niya.

Wait, umiiyak ba siya?

Dahan dahan akong lumapit sa kanya. "Uy.."

Di man lang siya gumalaw, nanatili pa rin siya sa kanyang posisyon. "Andre?"

"Okay ka lang?" nag-aalalang tanong ko.

"No." tipid niyang sagot.

Di ko mawari kung naginginig ba siya dahil sa lamig o dahil umiiyak siya.

Di na lang ako nagsalita at umupo sa tabi niya.

"Ano bang nangyari?" takhang tanong ko habang nakatingin sa kanya.

Inalis niya muna ang braso na nakatakip sa mata niya at tumitig sa bubong ng bus stop na aming kinauupuan.

"It's just nothing." malamig ang tono niya nang sinabi niya ang mga katagang iyon.

"Anong nothing? Eh bakit mo nagawa yun kay Lhander? Hindi ba't close na close kayo sa isa't isa? Bakit--"

"If you're just going to scold the hell out of me, then leave."

Natigilan ako sa sinabi niyang yun. Ewan ko ba pero parang ang sakit nung narinig kong sinabi niya yun.

Why are you like this Andre?

Umiwas na lang ako ng tingin. Ayokong nakita niya na nangingilid ang mga luha sa mata ko.

"Fine. Just call me when you need something." dali dali kong sabi at tumayo.

Akmang paalis na ko ng hinawakan niya ang kamay ko.

Natigilan ako.

Nag-iinit man ang mga pisngi, nilingon ko pa rin siya.

"Bakit?"

Inalis niya na ang pagkakahawak sa kamay ko.

Ay, inalis pa, tss.

"Pakitawag si Rhea." saad niya habang nakatingin ng diretso saking mga mata.

"O-okay." agad naman akong bumitaw ng tingin at umalis.

Napabuntong hininga ako na makalayo na ko. Napa-hawak pa ko saking dibdib dahil ramdam ko pa rin ang bilis ng tibok ng aking puso.

What the freak Stella. Umayos ka nga!

Inis na sambit ko saking sarili. Di pa rin kapani paniwala ang mga pangyayaring naganap.

Basang basa ako ng makapasok ako sa loob ng bahay.

"Oh Stella okay ka lang? Anong nangyari sa inyo ni Andre h3h3?" akala ko nag-aalala tong si Minzy pero mang-aasar lang din pala.

"Wala." tipid na sagot ko.

Napansin niya ata na di maganda ang mood ko kaya tumango na lang siya.

"Diyan ka lang, kukuha lang ako ng towel." umalis na siya, naiwan na naman akong nagiisa.

Niyakap ko na lang ulit ang sarili ko, anlamig talaga.

Bakit kasi sa Baguio pa nila naisipan mag-outing.

Nakita ko si Rhea na pababa ng hagdan, naalala ko ang sinabi ni Andre kaya agad ko siyang tinawag.

"Rhea!"

Lumingon naman siya, bakas rin ang pag-alala sa mukha niya ng makita akong parang basang sisiw.

"Stella! Anyare sayo?" agad niyang tanong ng makalapit siya sakin.

Sakto naman na dumating na si Minzy kaya ibinigay niya na sakin ang towel. May dala dala din siyang hot chocolate at inabot sakin

Ibinalot ko agad ang sarili ko sa towel na yon, i need warmth.

"Pinapapunta ka ni Andre dun sa may bus stop" sabi ko

Tumango naman ito at hinila sa Minzy. Bago ito umalis ay humarap ito sa direksyon ko.

"Babalik kami agad, magpainit ka muna dyan ah" sabay labas.

__________

-hestia

Dalton ChroniclesWhere stories live. Discover now