SHIIIII! NEEEEE!

48 3 5
                                    

*×*

Ang sarap tignan ng dagat na sinisinagan ng palubog na araw. Habang tinatangay ng simoy ng hangin ang aking buhok. Nadarama ng aking mga kamay ang pinong buhangin habang nakaupo kaming dalawa sa lugar na para samin lamang.

"Minzy?" napalingon ako sa kanya ng sambitin niya ang aking pangalan.

"Hm?" saad ko na may ngiti sa labi. Di maikakaila na sobrang saya ko ngayong araw na ito.

"Patawad."

Nagulo ang aking isipan sa isang salita. Isang salita na sinira ang sayang nararamdaman ko sa panahong iyon.

"Sandali! Bakit? Anong nangyayari?"

Umiling lamang siya. Nakapaskil ang ngiti sa kanyang mukha subalit tumutulo naman ang luha mula sa kanyang mga mata.

Mas lalong nadurog ang aking puso nang magsimulang mawala ang parte ng kanyang katawan. Tila ba ito mga pilas ng papel na nililipad ng hangin. Papel na naglalaman ng aming mga pinagdaanan.

Ayos na sana ang lahat, pero bakit kailangan pang humantong sa ganito?

Patuloy lang sa pagragasa ang luha sa aking mga mata. Tuluyan ng lumubog ang araw at ang buwan ay nagliliwanag na sa dilim ng gabi.

Napatingala na lang ako at tumingin sa mga tala, humihiling na ibalik pa ang sandali na kasama ko siya.

Ngunit bakit ko nga ba gugustuhing ibalik pa ang panahon na kasama ko siya?

Di naman talaga dapat naging kami.

Di ko talaga dapat siya nakasama.

Di dapat ako ang kasama niya sa mga panahong iyon.

Di ako ang nagmamay ari ng puso niya.

Di niya ko mahal.

Bakit pa ko magrereklamo kung ang lahat ng ito ay hiram na sandali lamang? Pawang mga pangyayaring binuo lamang ng aking isipan.

"TOKITOUUUUUUUU! WAAAAAAHHHHH BA'T KA PA KASE PINATAY NUNG UPPER MOON RANK 1. TANGINAAAAAAAAA."

---

wag niyo kong hahayaang mabored, ganto nangyayari.

ps; pls bring back muichirou tokitou, i beg u.

-hestia


Dalton ChroniclesWhere stories live. Discover now