Paper

41 2 1
                                    

-Kilver-

Ang boring! Bakit kase puro lecture nalang! Mapapagod yung cute kong kamay!

Nagsusulat kami ngayon. Malamang lecture nga eh! Duh!

Nasa kaliwa ko si Lordessa habang nasa kanan ko si Rence. Lumipat kasi sa harap si Stella kaya umupo dito si Rence.

Binebraid niya yung buhok ni Cessa ngayon.

"Aray! Ang sakit Rence!" pabulong na sigaw ni Cessa.

May ganon ba? Hehe.

"Tiisin mo lang, patapos na ako" sabi ni Rence sa kanya.

Tinignan ko naman si Lordessa na may sinusulat sa isang wamport sheet of paper.

At para mawala yung pagkamuhi ko sa pagsusulat ay humingi rin ako ng wamport at nagsulat...

"Alam mo kung sino nagbato nito? Yung forever mo yiee3e3e3e3e3ee~
Kiligkiligkilig!!!!"

Tinry ko na gayahin yung sulat ni Lordessa tapos ibabato ko kay Prino para kala niya kay Lordessa galing tapos lablab na!

Nilukot ko na yung papel.

"Oy! Kanino mo yan ibabato? Kay Fritia ba?" tanong niya sakin.

Natawa ako sa sinabi niya. Bakit ko ibabato dun eh di kami bagay. Walang babagay sa cute na tao na katulad ko.

"Bakit ko ibabato dun? Pagtritripan ko si Shannie eh.." sagot ko.

Tumigin naman si Lordessa na may alam-ko-na-Kilver-siya-pala-ah look.

"Bahala ka nga sa nasa isip mo. Hindi naman mababawasan kakyutan ko" sabay hawi ng imaginary hair.

Hinanap ko kung nasaan si Evil Queen Shannie at nahanap ko siya sa may tabi ni Ahron.

sAbi niLa...

Bakit kasi yun yung theme song nung dalawang yun!

Ibabato na sana ni Lordessa nang pinigilan ko.

"Ako nalang magbabato! Baka tumama kung kanino yan eh!"

Binigay niya sakin.

"Bilisan mo" sabi niya sakin with matching yugyog.

"Wait lang..." maibabato ko na nang humarap ako sa harap at binato ko iyon ng malakas.

Papunta kay Prino.

"Papunta na yun kay Prino haha!"

"Kilver!" sabunot sakin ni Lordessa.

Nakatitig lang kami sa papel -----

----- nang tumama to sa katabi nito na si Marie.

Haya..

Binuksan na niya yung papel at kumunot ang noo nito..

Kilala ni Marie yung sulat ko! Yari na!

Yumuko nalang ako habang sinasabunutan si Lordessa.

"Lordessa kasi eh! Dapat kay Prino yun tatama!" paulit-ulit ko na sabi.

"Bahala ka! Bagay naman kayo ni Marie eh- Aray! Ano ba!" sinasabunutan ko parin siya!

Tinigilan ko iyon nang may naramdaman ako na tumama sa ulo ko.

Hinanap ko kung ano yun at nakita ko ang papel na binato ko kanina.

Kinuha ko ito at kinuha.

"Ayoko sa mataba. Masyadong magastos pag kumakain."

Sinabunutan ko ulit si Lordessa.

"Bakit ba ako nanaman!"

"Kasi! Yan tuloy inasar ako na mataba!" sabi ko sa kanya.

"Mataba ka naman talaga eh!" natatawa niyang sabi.

At natapos ang buong subject na hindi namin natapos ang lecture.

Dalton ChroniclesWhere stories live. Discover now