Chapter 15 - Makes you lovelier

2.6K 71 4
                                    


"Successsss!"

Nagtitiling pumasok si Lawrence sa mumunti namang opisina habang hawak nito ang sariling netbook.

"Ano ba yan Lawrence, itago-tago mo nga yang kabaklaan mo. Ang sakit mo sa tainga."

Iritadong saway dito ni Macky. Kasalukuyan kasi itong seryoso habang nakatutok sa loptop.

"Tse! Inaway-away ka na naman ng asawa mo 'no kaya nagsusungit ka na naman? Kala mo naman ang guwapo mo para lagi kang pagselosan ng asawa mo."

Pang-iinis pa lalo rito ni Lawrence. Akmang tatayo na si Macky para patulan ito kaya umawat na ko.

"Hep, tama na 'yan. Ano ba kasi iyon bakla? Kung makasigaw ka diyan para kang manganganak."

Paminsan-minsan talaga nagkakapikunan ang mga ito pero wala pa namang nauwi sa sakitang pisikal. Magkakaiba lang din talaga sila ng ugali.

"Look at this madam!"

Inilatag nito sa harap ko ang netbook. Out of curiosity ay nagsumiksik na rin sa tabi ko ang iba pa sa team.

"Bakit mukha ni sir Treece ang wall paper mo?"

Untag dito ni Shelby sabay batok sa kaniya.

"Iyawtch naman! Eh sa avid fan ako ni sir Treece eh! Bakit ako lang ba? Ayan sina May at April, halos mapuno na ang memory card ng mga iyan dahil sa dami ng litrato ni sir Treece sa mga cellphone nila."

Mag-asawang kutos ang iginawad dito nina May at April na halos ikalaglag ng ulo niya.

"Nakakarami na kayo ha! Teka lang kasi! Ang dami niyong napupuna, ito kasi iyon!"

Nagbrowse ito sa internet pagkatapos ay ipinakita iyon sa amin.

"Number one lang naman sa hottest topic on twitter ang show natin mga bakla! Kasama ito sa top ten programs sa mega manila at tagged as top one reality show as of the moment! We.are.so.trending beshes!"

Tuwa, galak, lahat ng damdaming nararamdaman ko ng mga oras na iyon ay humalo sa malakas na tili ng mga babae sa aking team at masayang halakhak ng mga lalake. Animo'y nanalo sa pa-ending ng basketball ang mga ito habang niyayakap ang bawat isa dahil sa labis na kasiyahan.

"Salamat naman, 'yung ilang linggo nating pinaghirapan nagbunga ng maganda."

Mangiyak-ngiyak kong sambit habang parang tangang pilit itinatago ang sumisilay na ngiti. Isang buwan na simula ng umere ang palabas namin.

Sa unang pagkakataon sa buhay ko, nakagawa ako ng isang bagay na maipagmamalaki ko. Isang bagay na nakamit ko sa malinis at maayos na paraan. Ito pala iyong tinatawag nilang 'achievement'. Ang sarap sa pakiramdam.

"So, this call for a celibration?"

Lahat kami ay napatingin sa pinanggalingan ng boses. Cool na cool sa pagkakasandal sa hamba ng pintuan si Blue habang nakapamulsa ang mga kamay sa suot nitong itim na pantalon. Isang matamis na ngiti ang isinalubong nito sa'min, partikular na sa akin. Ginantihan ko rin ang ngiting iyon tanda ng pasasalamat ko para rito. Alam ko naman na kung hindi dahil kay Blue ay hindi bubulusok pataas ang rating ng show namin. Malinaw pa sa mata ng bulag na pato na siya talaga ang nagdala ng palabas. Salamat sa itsura niya, matamis na dila at husay sa pagluluto. Sa ikalawang pagkakataon, nagkaroon na naman ako ng utang na loob sa kaniya.

"CHEERS!" sabay-sabay naming sigaw bago nilagok ang sari-sariling baso ng inumin. Nauwi nga sa selebrasyon ang kaninang magandang balita kaya heto kami ngayon sa loob ng isang sikat at mamahaling club di kalayuan sa opisina at take note, libre ito ni Blue. Galante talaga ang mokong. Ang magaling ko namang team hayun at mga tuwang-tuwa. Akala mo ngayon lang nasayaran ng alak ang mga ngala-ngala. Panay ang order ng kung anu-anong klase ng alak at pulutan, palibhasa hindi sila ang gagastos.

PROXY SERIES: RESURRECTIONWhere stories live. Discover now