Epilogue

4.6K 133 37
                                    


"Good morning mother earth!" Masayang salubong sa'kin ni Lawrence pagkatapak na pagkatapak ko sa palapag ng gusali.

"Ay, ako na po'ng magbibitbit niyan Ms. Rexy." Kinula ni Macky ang lalagyang bitbit ko at inalalayan ako ng mga itong maupo.

"Naku, mukhang bundat na naman ang madla. Uy, paborito ko 'to ha!" Si Nico habang isa-isang inilalabas sa lalagyang dala ko ang tatlong klase ng ulam na niluto ko para talaga sa kanila. Gawain ko na ito satuwing mababagot ako sa bahay.

"Huwag nga ako Nico! Lahat naman ng lutuin ni Ms. Rexy paborito mo! Thank you sa ulam Ms. Rexy. Ang totoo niyan kanina pa nagdadasal ang mga iyan na dumating ka na."

Maaliwalas na nginitian ko si Shelby.

"Ano ba kayo, wala 'yon. Mabuti nga may nagagawa pa ako kun'di baka matagal na akong nagbibilang kung ilan ang tiles sa bahay namin ng asawa ko." Binuntutan ko pa iyan ng tawa.

"Mahirap talagang magbuntis Ms. Rexy. Napakaswerte niyo dahil halatang alagang-alaga kayo ni Mr. President. Ako noon, nakabase sa malayo ang asawa kong sundalo kaya hirap na hirap talaga ako sa pagbubuntis ko." Madramang saad ni April na ginatungan pa ni May.

"Pareho tayo sis. Ako nga, saka lang nakita ni Melvin ang baby namin noong two years old na ito. Kung hindi pa natapos ang kontrata niya sa Malaysia baka hindi pa sila nagkitang mag-ama."

"Nakakalungkot naman 'yan girl. Kaya ako, wala talaga akong planong mag-asawa muna. Magpapayaman muna ako para wala ng isa pa sa amin ng magiging asawa ko ang makakaisip na mag-abroad."

Napatigil si Kristy sa pagpapak sa dala kong pochero ng tapikin ni Nico ang kamay niya.

"Baka gusto mong gumamit ng kutsara? Kakain din kami ano!"

Iningusan ito ni Kristy bago tuluyang kumuha ng mga plato at kubyertos sa pantry area. Ang iba naman ay naglabas na ng bagong saing na kanin.

Ganito kami satuwing maiisipan kong magdala ng ulam. Inaabisuhan ko na agad sila para kanin na lang ang iintindihin nila. Bawas gastos na rin.

Nang maihanda na ang mesa ay sabay-sabay na kaming kumain. Nasa meeting pa kasi ang asawa ko kaya mamaya ko pa ito makikita.

Isang buwan matapos naming ipaalam sa pamilya nito ang tungkol sa pagkatao ko ay idinaos nga ang aming magarbong church wedding. Iyon ang pinaka masayang araw ng buhay ko lalo pa't kasama ko sa espesyal na araw na iyon ang lahat ng taong mahal ko kabilang na sina Mammy, tiyang Amparo, Odessa at siyempre pa ang kakambal ko. Ceasefire muna sa awayan nilang aso't-pusa ng pamilya ng asawa ko. Imbitado rin ang pamilya ni Maggie na pinasundo pa ni Treece mula sa Samar. Lahat ng empleyado nito ay naroon din kabilang na ang dating production team ni Lexy na naging mga kaibigan ko na nga. Gulat na gulat pa ang mga ito noong una ngunit kinalaunan gaya ng naging reaksyon nina mommy Victoria ay nagpasalamat pa ang mga impakta dahil hindi raw kami naging magkaugali ng kapatid ko.

Limang buwan ang lumipas at heto't malapit na ang kabuwanan ko kaya malapit na rin akong masiraan ng ulo. Maliban kasi sa paghilata, pagkain, pagtulog at pagluluto ay wala na akong ibang ginawa sa maghapon. Hindi na kasi ako hinayaan pang magtrabaho ni Treece dahil sa pagbubuntis ko kaya tuloy, madalas mag-isa akong naiiwan sa bahay. Mabuti at halos doon na rin nagkakampo si mammy kasama si Odessa. Kahit papaano ay nalilibang ako.

Hindi naman ako pinababayaan ng butihing mister ko. Tama si April, alagang-alaga ako nito. Ang totoo niyan, mistula akong reyna sa bahay namin. Sa umaga ay ito na mismo ang gumigising ng maaga para maghanda ng masustansyang almusal, ang walang katapusan at nakakapurgang gulay at prutas na siyang mainam daw sa kagaya kong buntis. Sa tanghali ay umuuwi pa talaga ito para lamang makasabay akong mananghalian. Maaga rin itong umuuwi sa hapon, malayo sa nakagawian nito noon na halos sa opisina na tumira. Sa lahat ng check ups ay kasama ko ito. Gayundin sa pagsisimba at papamasiyal lingo-lingo. Palagi ako nitong inaasikaso, sinisiguro palagi ang kalusugan ko at higit sa lahat ramdam kong ako ang priority nito higit sa lahat ng bagay.

PROXY SERIES: RESURRECTIONWhere stories live. Discover now