Chapter 39 - Invitation

2.5K 75 18
                                    


Matamlay ang sumunod na umaga para sa akin, isang araw matapos umalis ni Treece. Halos ayaw bumangon ng katawan ko dahil pakiramdam ko, kalahati ng kaluluwa ko ang bitbit nito sa U.S.

Busangot ang mukha na bumaba ako ng kotse nang ianunsyo na ni Zia na nasa tapat na kami ng gusali ng W&W.

"Thanks, Zi." Paalam ko rito na sinuklian nito ng tango saka umalis. On call ito at hatid-sundo ako papasok at pauwi.

Ilang araw ko pa lang itong driver pero magaan na agad ang loob ko rito. Mabait ito at may isang anak na. Nasa pangangalaga iyon ng kaniyang magulang dahil yumao na ang asawa nito. Noong una nagtaka pa ako kung bakit babae ang driver ni Lexy, iyon pala utos iyon mismo ni Treece.

Napaka-possessive talaga ng lalaking iyon pero pabor naman sa akin. Ngayon, hindi ko na nararanasang mag-commute.

Matapos ang bakasyon namin nagbago na nga ng husto ang pakikitungo nito sa'kin. Kung noon halos paglakarin ako nito para lang makauwi, ngayon para itong ama na istriktong mino-monitor ang anak na nagdadalaga kung naihatid na ba ito ng driver niya pauwi. Para rin itong nutritionist na maya't-mayang nagtatanong kung nakakain na ba ako at nagagalit satuwing nalilipasan ako ng gutom. Kung noon wala itong pakialam sa presensya ko, ngayon daig ko pa ang reyna kung itrato nito.

Sobrang sarap nit---este sobrang sarap niyang mag-alaga.

"Winter!"

Kasalukuyan akong naglalakad papasok ng may pamilyar na boses ang tumawag sa akin.

"Blue..."

Hinihingal itong huminto sa harap ko at napasinghap na lang ako nang mabilis nitong halikan ang pisnge ko saka ako nginitian ng malapad.

"Last week ko pang inaabangan na masolo ka. I'm glad you're alone now. How's life? How are you? Whoa, you look more gorgeous! You gained some flesh and it suits you better."

Bahagya ko itong hinampas sa braso.

"Chef ka hindi basketball player, magtigil ka at isa pa, sinong nagsabi sayong puwede mo kong halikan ha?"

Pinanlakihan ko ito ng mga mata. Humawak naman ito sa batok at animo'y nahihiyang binatilyo na sinita ng crush niya.

Ang cute talaga nito. Siguro kung hindi lang nabihag ni Treece ang puso ko, baka tuluyan ko ng nagustuhan ang isang ito. Bukod sa guwapo, mabait pa. Cool na cool ito sa datingang good boy na pilyo kaya hindi na nakapagtatakang marami rin ang humaling na humaling dito. Maputi rin ito at ang linis-linis tignan. Iyong tipo ng lalaki na masasabi mong banidoso at palaging mabango.

Pero siyempre mas guwapo ang honey ko. Masarap na may abs pang nagmunura. Char!

"Pasensya naman, nadala lang. Na-miss lang kita ng sobra."

Ngumiti ito ng malapad dahilan para sumulip ang malalalim nitong dimples sa magkabilang pisnge. Isa iyon sa asset nitong nagpapadagdag ng husto sa appeal nito.

"By the way, did you receive the invitation I gave to Georgia? Hindi ko kasi maibigay ng personal sa'yo. You know, may unggoy na laging nakabuntot sa'yo nitong mga nakaraang araw."

Ngumuso ako sa turan nito. Halata namang si Treece ang tinutukoy nitong unggoy.

Ilayo mo iyan sa'kin, nagdidilim paningin ko!

Gigil na sigaw ng isip ko ngunit imbes na patulan ay huminga na lamang ako ng malalim at nakaismid na nagtanong dito.

"Ano namang imbitasyon iyon ha?"

Wala naman kasing naibibigay si Georgia sa'kin. Malamang ay nakaligtaan nito.

"Tsk, just remind her about it. I'm so hurt you forget." Umarte itong nasasaktan sa pamamagitan ng eksaheradong paghawak sa kaniyang dibdib. "I better go now. Baka hindi ako makapagpigil at hindi lang halik sa pinge ang magawa ko sa'yo." Pilyo itong ngumiti saka basta-bastang tumalikod. Kumakaway pa ito ng walang lingon habang naglalakad paalis.

Ang gulo rin talaga nito minsan.

Iiling-iling na nagpatuloy na lamang ako sa pagpasok.

Dumiretso ako sa opisina ni Treece. Nasanay na yata akong palagi siyang pinupuntahan dito kaya nawala sa isip ko na wala nga pala siya dito ngayon.

Nangingiting pinaraanan ko ng dulo ng daliri ang mga larawang naka-display sa ibabaw ng lamesa nito.

Ito iyong mga kuha namin noong nasa Samar kami. Karamihan ay magkasama kami at may isang larawan kung saan masaya akong nagtatampisaw sa dagat. Stolen shot iyon ngunit maganda ang pagkakakuha nito. Ang saya-saya kong tignan sa ganoong anggulo.

Nang dumako ang daliri ko sa huling larawan na nasa dulo ay hindi sinasadyang natabig ko iyon at nahulog.

Pinulot ko ang larawan at nang umangat ang paningin ko ay umagaw sa atensyon ko ang bahagyang nakabukas na ibabang bahagi ng isa sa mga drawer ni Treece. Nilapitan ko iyon para sana isara ngunit mula sa awang ay nakasilip ang isang litrato na nagpakunot sa noo ko. Out of curiosity ay kinuha ko iyon at lalong nagsalubong ang kilay ko sa laman ng litrato. Si Treece iyon....kasama ang isang babaeng ngayon ko lang nakita.

Magkadikit sa kuha ang dalawa habang masayang nakangiti ang babae samantalang tipid ang pagkakangiti ni Treece. Maganda ang babae, maputi at tila sa isip ko ay may kahawig ito na hindi ko lubusang matukoy. Binaliktad ko iyon at sa likod ng larawan nakasulat ang mga katagang naging dahilan upang mabitawan ko ito.

It's her gift for her death anniversary

Mga salitang pumuno sa akin ng kuryusidad.

"Ms. Lexy?"

Aligagang pinulot ko iyon at ibinalik sa loob. Nang maisara ko ang drawer ay tago ang emosyong hinarap ko si Georgia.

"Yes?" Hinihingal na tanong ko rito. Pakiramdam ko ay nakita ko ang isang bagay na dapat ay hindi ko nakita at dahil doon ay nakagawa ako ng kasalanan kahit hindi ko mawari kung ano.

Nakangiting lumapit ito sa akin at iniabot ang isang makintab na sobre.

"Apologies, nakalimutan kong iabot sa'yo. Noong isang araw pa 'yan pinabibigay ni Mr. Azul."

Binuksan ko iyon at napasinghap ako matapos kong mabasa ang nilalaman noon.

Pucha! Ngayon nga pala ang birthday ni Blue!

Imbitasyon iyon para sa kaarawan niya ngayong araw na gaganapin sa isa sa mga hotel dito sa Maynila. Ang weird lang. Hindi kasi pamilyar ang hotel. Kakaiba rin ang trip nito sa buhay.

Nagpaalam pa naman kaninang umaga si Zia na uuwi muna siya para sa family day ng anak niya sa paaralan bukas kaya wala akong driver mamaya.

"No worries. I already contacted a driver for you after you told me earlier that Zia will be home today. Naihanda ko na rin ang susuotin mo Ms. Lexy. It's a nice dress for a perfect occation."

Sa problemado kong itsura ay saad ni Georgia.

"Salamat Georgia. Ang problema ko na lang ay kung paano ako magpapaalam kay Treece."

Mukhang malabo pa sa mata ng pusa ang tiyansa na payagan ako noon lalo na't si Blue ang involve.

"Why do you have to ask? Puwede namang sandali ka lang doon. Just show yourself on the party para hindi naman magtampo si Mr. Azul then after that you can leave."

Sa huli ay nanaig ang kagustuhan kong magpakita kay Blue sa espesyal na araw nito. Sasaglit lang naman ako. Naging mabuting kaibigan ito sa akin at hindi yata kakayanin ng konsensya ko kapag hindi ako umattend sa imbetasyon nito. Marami-rami na ang nagawa kong kasalanan at utang na loob ko rito. Ito na lang siguro ang pampalubag loob ko dahil kung hindi sa kakulitan niya noon na maging featured chef ng project ko, malamang ay hindi rin tataas ang views noon at magiging successful.

"Salamat po manong."

Paalam ko sa driver na itinalaga ni Georgia saka lumabas ng sasakyan. Kasalukuyan akong naglalakad patungo sa entrance ng hotel nang may biglang tumakip na panyo sa ilong ko at mga brasong pumigil sa mga kamay ko upang makapalag mula sa likuran ko.

Nilukob ako ng labis na pangamba at takot lalo na nang ilang saglit lang ay tuluyan na akong nakaramdam ng hilo.

Sa nanlalabo kong mata ay naulinagan ko ang bulto ng isang babae bago ako tuluyang nawalan ng malay.

PROXY SERIES: RESURRECTIONTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon