CHAPTER TWENTY-FOUR

743 46 3
                                    

FEATURE CHARACTER

FULL NAME: Hyacinth Zen Williams
NICKNAME: Hyacinth
MAGIC TYPE: Sonatrix (Sound) Magic
STAR SIGN: Sagittarius (December 09)

**********

CILAN'S POV

Muli kong hinarap ang dalawa kong kalaban na mula sa Heliosville. Ngayong matindi na ang pinsalang tinamo ni Oliver at hindi gumagana ang kapangyarihan ni Blanche sa akin, this battle is basically between Giovanni and I.

Tiwala akong matatalo ko siya, 'yun ay kung hindi papalpak ang powers ko. Well, if all things fail, I can always resort to martial arts for offense.

​Giovanni raised his right hand. "Hindi na mahalaga kung hindi ka tinatablan ng Reflexus Magic, dahil kayang-kaya kang durugin ng mga bato ko! Petros Magic: Rock Avalanche!"

​Daan-daang piraso ng medium-sized rocks ang binuo ni Giovanni at inasinta sa direksyon ko. Huminga ako nang malalim. I crossed my arms with my palms wide open, forming an 'X'.
​"Sana gumana 'to," mahina kong bulong. "Phyllon Magic: Petal Whirlwind!"

​Gamit ang kapangyarihan ko, I conjured countless rose petals floating in the air. Sobrang talas ng mga talulot that when the rocks attacking me collided with them, agad nahati at nadurog ang mga 'yun!

Kitang-kita ko sa mukha nina Giovanni at Blanche ang gulat dahil sa nangyari.

​"Imposible! Paano nawasak ang mga bato ko nang ganun-ganun na lang?" gulat na usisa ni Giovanni.

​I smiled teasingly. "Impressive, isn't it? Pero kung iniisip ninyong hanggang sa depensa lang ang kaya ng rose petals na ito, 'diyan kayo nagkakamali."

I swayed my hands with grace to the direction of my opponents. Mabilis na tumungo kina Giovanni at Blanche ang mga talulot at inatake sila.

​"Ah! Aray!!!" malakas na daing ni Blanche na napatumba sa sakit.

​Both enemies of mine were scraped and wounded by the razor-sharped petals. Nakaluhod na sa sahig si Blanche habang pilit na tumatayo si Giovanni, hawak ang nasugatang kaliwang braso.

​"Kung ako sa inyo, hindi ko na sasaktan ang sarili ko't susuko na lang sa laban. Halata naman na mas malakas ako sa inyo at hindi ninyo ako matatalo," panghihikayat ko sa mga kalaban.

​"Whoa... may itinatatago ka palang yabang sa katawan mo," umiiling na komento ni Oliver.

​To my surprise, biglang nagtawanan ang dalawang baliw kong kalaban. Nakakainsulto na, ha. Hindi ba sila naniniwalang kayang-kaya ko silang paliparin sa ere 'pag hindi pa sila sumuko?

​"May nakalimutan ka 'ata, Rose Petal Prince," panimula ni Giovanni.

​I creased my forehead. "Forgotten what? Is this one of your tricks para isahan ako?"

​Dahan-dahang tumayo muna ang dalawa kong kalaban bago sumagot si Blanche.

​"Nakalimutan mo 'ata na lahat ng sugat na ibinigay mo ay maaari naming ilipat sa kakampi mong si Oliver. Hindi lang namin siya lalong mapipinsala, magagamot pa namin ang mga sarili namin."

​I blinked my eyes. Blanche's power might have no effect on me, but not on Oliver...

​Blanche smiled as she prepared to cast her spell. "Reflexus Magic: Misery Shift!"

​Nahintatakutan kong hinarap si Oliver. He already suffered enough when he took tremendous damage from Giovanni's attack. Kung ililipat pa sa kanya ang pinsalang nakuha ng dalawa mula sa magic ko, maaaring mawalan na ng malay ang binata. I need to save him, pero paano?

Dark Intramurals: Chronicles of the Magic Wielders (On-Going)Where stories live. Discover now