CHAPTER THIRTY-ONE

689 49 1
                                    

FEATURED CHARACTER

FULL NAME: Walter Alain N. Yuson
NICKNAME: Walter
MAGIC TYPE: Ferrum (Metal) Magic
ZODIAC SIGN: Sagittarius (December 09)

**********
Finally, after forever, nakapag-update din! Kaway-kaway sa mga nagbabasa pa! Thank you for giving some of your time to read. Vote and comment na rin para sulit ang oras niyo. Joke, pero pwede rin totohanin🥶

**********

CHARLEMAGNE'S POV

​"Boring ang laban kung walang aksyon, at dahil wala ka namang ginagawa 'diyan, ako na lang ang aatake sa'yo. Para masaya!" tila nahihibang na banta ni Walter.

Naglabas ng samut-saring mga sandata ang Metal Magic wielder sa ere. "Galingan mo sa pag-iwas, Charlie! Ferrum Magic: Babylon's Judgment!"

​Nagliyab ang mga nakalutang na sandata, bago biglang bumulusok pababa sa direksyon ko. I was able to evade most of the projectiles, nang sumakto sa kaliwa kong balikat ang pagtama ng isang palakol.

​"Ah!" daing ko. Kaagad kong binunot ang palakol bago patuloy na umiwas sa pag-atake.

​When the onslaught subsided, it left the floor covered with metal weapons and my shoulder bleeding. I tore a part of my clothing and used the cloth to slow down the flow of my blood.

​"May pagkakataon ka pang sumuko sa'kin, Charlie," tumatawang tuya ni Walter.

​I gritted my teeth. "Patulugin mo muna ako bago ko gagawin 'yun!"

​Humalakhak ang mayabang kong kalaban. "I see. Don't worry, I'm more than willing to oblige."

​Muling sumugod sa direksyon ko ang lalaki. He aimed for a punch, which I recklessly tried to shield with my right arm. Thing is, nakalimutan ko na may suot palang armor at gauntlets sa kamao nito si Walter, kaya napatilapon pa rin ako nang malayo dahil sa lakas ng impact ng suntok.

​"You can't do anything against my attacks," dagdag-pagyayabang ng mokong. "Medyo nababagot na ako sa rematch na 'to, so I'll end it right now. Ferrum Magic: Magnetic Surge!"

​Gumalaw-galaw ang mga sandatang itinapon ni Walter kanina. Alam ko na ang binabalak ni Walter, gagamitin niya ang magnetism force to control the weapons at muli itong itapon sa'kin.

​"Katapusan mo na, Charlie! I-enjoy mo na ang pangalawang beses mong pagkatalo!"

​Ito na ang pagkakataong hinihintay ko. "Ang totoo Walter, ito na ang simula ng katapusan mo!"

​Tuloy-tuloy ang pagdating ng mga sandata sa kinatatayuan ko. Just as my rival thought that the barrage of sharp-edged blades would pierce me like raw meat, inilabas ko ang isang mahabang scroll na may Japanese incantations. Agad na in-absorb ng scroll ang mga sandatang ibinato ni Walter, hanggang sa wala na ni isang natira.

​"Imposible!" gulat na gulat na reaksyon ni Walter. "Gumamit ka na naman ng Fuinjustu!"

​I smirked. "Hindi lang ikaw ang may baong bagong technique, Metal Prince."

​Umungol sa inis si Walter. "'Wag ka munang magyayabang 'diyan!"

​Walter coated himself with a different kind of armor, this time made of oricalchum (an extremely rare alloy believed to be at least 10x harder than diamond) and equipped with carbon steel spikes.

Sumugod ang lalaki, shooting the metal spikes sa direksyon ko mula sa kalasag nitong suot. Agad ko namang naiwasan ang mga 'yun, causing him to be more furious. Akmang susuntukin ako ng lalaki gamit ang kamao nitong may spikes din pero mabilis akong nakatalon sa ere. I used it as a chance to tie him up with my steel threads. Ang bawat piraso ng sinulid ay may isang shuriken na nakatali sa dulo nito. Itinarak  ko ang mga shuriken sa apat na sulok ng arena.

Dark Intramurals: Chronicles of the Magic Wielders (On-Going)Where stories live. Discover now