Chapter 39

434 19 2
                                    

T I N

I wake up smelling some bacon & a garlic-ish something. I opened my eyes and I looked at the window.

Curtains opened and I can hear the air pollution along taft.

Back to Manila.

"Love." Sigaw ko from the bedroom.

"I'm at the kitchen. Bangon ka na diyan, let's eat." I sat on the bed.

Narinig ko yung mga spoon and fork kaya lumabas na ako ng room.

I saw him wearing apron facing the stove.

"Oh diyan ka na pala, have a seat." Sabi niya habang hawak hawak yung hiniwa niyang watermelon.

"Anong meron, love?" Sabi ko sa kanya habang umuupo ako.

"Wala lang. Gusto lang kitang ipagluto kahit medyo late na din ako nagising." Tumingin ako sa wall clock dito sa unit ni ate and wtf.

It's 12:43 in the afternoon.

Akala ko 10am palang. 🤦🏻‍♀️ Nalate na din kasi kami ng uwi kagabi & i guess, pagod kami from our 14 hour flight from Canada.

"Tin, punta daw sila Aljun dito." Sabi ni Andrei habang kumukuha ng garlic rice.

"Oh sure sige, ready na ba mga pasalubong mo sa kanila?" Sabi ko sa kanya bago ko isubo ang first meal ko.

"After we eat siguro, aayusin ko. Pero maayos naman yun eh." Knowing Andrei.

Alam ko maayos na yung mga pasalubong namin sa kanila and ibang mga shoes na pinabili nila sa amin.

"Okay sige, welcome naman sila dito." I saw him smiled.

"Thank you." I smiled.

- - - - -

I'm cleaning the sala when someone knock on the door.

"Love, nandito na yata si Aljun." Bulong ko kay Andrei na kanina pa nasa loob ng cr.

Tinignan ko yung peep hole and hindi ako nagkamali, sila nga.

"Hi!" Bungad ko sa kanila.

"Hi ate!" Sabi ni Maymay.

Yes, Joel Cagulangan.

"Si Drei?" Tanong ni Aljun

"Nasa CR pa eh, pero palabas na rin yun." I let them enter our unit.

"Na-excite ako na kinakabahan." Sabi ni Joaqui na kaka-upo lang sa sofa.

"Bat naman?" Tanong ni Aljun habang natatawa

"Excited sa pasalubong pero hindi excited sa bayarin." Babayaran 'daw' kasi nila yung mga pinabili nila sa amin.

"Hintayin niyo si Andrei." Sabi ko naman sa kanila.

Nakakatuwa kasi first time lang sumikip dito sa unit ni Ate Eight.

Ang lalaki at ang tatangkad ba naman ng mga pumunta eh.

"How's your flight?" Jaime asked me.

Yes, Jaime Malonzo.

"It was good! Thank god our flight is not delayed." Natawa naman sila sa akin.

"Okay, im out. English-an na naman." Sabi ni Encho sa amin na naging dahilan para magtawanan na naman sila.

"Ang ingay niyo naman."

Almost Is Never Enough (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon