Chapter 68

445 19 9
                                    

T I N

Nailipat na si Andrei sa ICU and until now hindi pa rin namin siya nakikita dahil nagmamadali silang ilipat siya kanina. It's already 7:43pm and hanggang ngayon hindi pa rin ako mapakali.

Wala pa rin ang family ni Andrei pero ang sabi papunta na daw ng Manila.

"You can enter the ICU, just wear a mask and a lab gown. One person at a time." Sabi nung Doctor na lumabas galing sa icu.

We all agreed.

Nasa loob pa si Aljun, pero sabi nila Kuya Kib sumunod na daw ako.

"Tin, magiging okay din si Andrei." Sabi ni Kuya Kib sa akin habang hinahaplos ako sa buhok.

Nakatingin lang ako sa pinto ng ICU, nakatulala at di makausap.

"You need to be strong for him, tin." Sabi ni Ate Des at hinaplos lang ako sa balikat.

Lahat sila nandito, nasa tabi pa rin namin sila.

Since day one sila yung naka-guide sa amin ni Andrei, kaoag may problema kami sila yung nagiging takbuhan namin.

& ngayon, kung saan kailangan namin ng lakas. Nandito pa rin sila para sa amin.

Thank you, lord for giving us these people. 😇

"Wag ka na umiyak, ching." Nilapitan ako ni Michelle pero ngumiti lang ako pero di pa rin ako nakatingin sa kanya.

"Malulungkot lalo si Andrei niyan, smile tin." Hinalikan naman ako ni Jollo sa ulo ko.

I know it's him.

Ilang saglit pa lumabas na din si Aljun sa ICU at namumula ang kanyang mukha.

"Go tin." Sabi niya sa akin tapos umupo na sa bakanteng upuan sa harapan ko.

Tumayo ako at pinunasan ang mga luha sa mata ko.

This time, eto na talaga.

Magkikita na kami ni Andrei.

Pagpasok ko, nakita ko si Andrei na nakahiga sa hospital bed.

Walang malay.

Sa tabi niya may Oxygen Tank at madaming aparato yunh nakalagay sa katawan niya.

Tahimik at walang ingay.

Para akong nabibingi.

Napaupo ako sa sofa malapit sa kanya.

Napahilamos nalang ako sa mukha ko.  Still, hindi ko pa rin siya kayang makita.

"Andrei." Yun lang nabanggit ko at umiyak na naman ako.

"Ang daya daya mo naman eh!" Sabi ko pa sa kanya.

Hanggang ngayon hindi pa rin ako lumalapit sa kanya.

After that, tumayo na ako at tinabihan ko siya.

Ang gwapo mo talaga, drei.

"Hello, drei." Sabi ko at hinawakan ko yung kamay niya.

"Nandito na ako sa tabi mo." Sabi ko at naramdaman ko na yung luha ko namumuo na naman.

Nilagay ko yung kamay niya sa mukha ko at naramdaman ko siya.

Naramdaman ko na nasa tabi ko pa rin siya, napapikit nalang ako at patuloy na umiyak.

"Hindi na kita iiwan, drei." Bulong ko sa kanya.

Hinila ko yung isang upuan at tumabi ako kay Andrei, nakaptong yung mukha ko sa bed niya and I'm still looking at him.

Bumibigat na yung mata ko, inaantok na ako.

Almost Is Never Enough (COMPLETED)Where stories live. Discover now