CHAPTER THIRTEEN

450 14 0
                                    

Inosente po ako.
Wala akong kinalaman sa karupukan ng dalawa.
My eyes and mind is 😇🤫🤭

💜💜💜

    MABIBILIS ang mga hakbang ni Maze papasok ng bar na iyon. Buti na lang at hindi siya hinarang ng guard pagkatapos niyang ipakita dito ang I.D niya. Iniikot niya ang mga mata sa lugar na iyon. Naglakad siya sa area ng bartender dahil nagbabakasali siya na naruruon ang hinahanap ngunit wala doon si Shilo. Muli niyang iniikot ang paningin sa paligid. Nasaan ba kasi ang lalaking iyon? 

Iniwan niya si Christian kanina sa shop at sinabing saka na sila kumain sa labas. Sinabi din niyang kailangan niyang sunduin ang isang kaibigan dahil lasing sa isang bar. Naintindihan naman ni Christian ng sabihin niya iyon. Hindi na niya sinabi dito na si Shilo ang susunduin niya dahil baka masaktan lang ito. Kaka-usapin na sana niya ang babaeng bartender ng may mahagip ang kanyang mga mata. Nakita niya ang hinahanap sa gitna ng dance floor at may babaeng kasayaw. Kumirot ang puso niya pero isinantabi niya muna.

Mabilis siyang naglakad at nilapitan ito. Hinawakan niya ang binata sa braso at malakas na hinatak. At dahil sa kalasingan nito ay muntik na itong matumba kung hindi lang naging maagap siya. My gosh! Muntik na silang maging center of attraction ng bar na iyon.

“Hey!” narinig niyang reklamo ng babae.

Galit niyang tinitigan ang babae. Itinaas niya ang daliri na may singsing. “Wife here.”

Inirapan siya ng babae bago sila iniwan doon ni Shilo sa gitna ng dance floor. Muli niyang tiningnan ang binata. Mukhang lasing nga talaga ito dahil hindi nito ma-itaas ang ulo nito. Nakasandal  pa ang katawan nito. Ang bigat ni Shilo. Inilagay niya sa balikat niya ang braso nito at hinatak ito papunta sa area ng bartender. Tatawagin na lang niya si Patrick, ang half owner ng bar na iyon dahil ang kalahating may-ari noon ay ang lalaking katabi niya. Kaya takot ang mga staff doon na pigilan ang paglalasing nito.

Pina-upo niya sa mataas na stool ang binata. Hinihingal siya dahil sa pag-alalay sa binata. Ang lakas ng loob na uminum gayong alam naman nitong mabilis itong malasing. Pangalawang beses na itong inalalayan niya itong naglasing.

“Miss…” tawag niya sa bartender.

“Ma’am Kaze, buti at dumating na po kayo.” Parang nakakita ng angel ang babae ng makita siya.

“Kanina pa ba siya umiinum.”

Tumungo ito. Napabuga na lang siya ng hangin. Kaya naman pala ganoon na lang ka lantang gulay ang binata. Sigurado siyang lasing na lasing ito. Paano niya ito ma-uuwi kung ganito ang sitwasyon nito. Muli niyang hinarap ang bartender.

“Nandito ba si Patrick?” tanong na lang niya.

“Opo, Ma’am. Sandali at tatawagin ko po.”

“Salamat.”

Agad na umalis ang babae para tawagin ang amo nito. Muli niyang hinarap si Shilo. Nakapikit ang mga mata nito. Wala itong kagalaw-galaw sa kina-uupuan. Pinagpasalamat na lang niya dahil kapag nag-ingay ito ay baka kung ano na naman ang marinig niya at masaktan na naman ang puso niya. Ayaw niyang marinig mula sa bibig nito na may mahal itong iba. Buti na lang at hindi nagtagal si Patrick.

“Kaze…” hinawakan siya ni Partick sa siko na agad niyang ipiniksi.

“Bakit mo hinayaan na maglasing si Shilo?” kistigo niya sa lalaki.

Tumingin it okay Shilo bago siya sinagot. “Alam mo naman kung anong ugali ng lalaking iyan paggalit, Kaze. Hindi ko na siya napigilan pa.”

Napa-iling siya. Natural at alam niya kung paano magalit ang lalaking ito. “Bakit ba kasi naglasing ang isang iyan?”

The Runaway Groom (Wishing Girl 1)Where stories live. Discover now